AMBON Present1 - 26

6K 274 27
                                    

Oras na ng uwian.

Hindi ko alam kung ma-e-excite ba 'ko o hindi sa paguwi ko. 'Pag umuwi ako for sure mag aaway lang kami ni Damon. Pero kahit gano'n gusto ko pa din siyang makita.

Bakit ba kasi ang taray-taray niya na akala mo may dalaw. Daig pa ang babae. Kung matino sana siyang kausap baka sakaling tahimik sa Unit.

Pabukas na 'ko ng pinto sa kotse ko nang may marinig akong tumawag sa'kin.

"Amber?" Nilingon ko 'yon at ang nakita ko ay 'yong lalake kanina sa canteen na bumunggo sa'kin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nakita kasi kita kaya na isip ko na mag Hi sa'yo."

"I see. Sige, mauna na 'ko."

Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto ng kotse.

"Wait," Pagpipigil niya sa plano kong pagsakay. "Pwede ba'ng hingiin ang number mo?"

"Para saan?"

"Gusto ko lang makipag kaibigan."

Gusto niyang makipag kaibigan? Kung sabagay mukha naman siyang nice.

"Give me your cellphone." I told him. Kinuha niya 'yon sa bulsa niya at inabot 'to sa'kin. Inilagay dito ang number ko tsaka ko 'to binalik sa kanya.

"Salamat." He said.

"Welcome."

Tuluyan na 'kong nakasakay sa kotse ko. Nilagay ko muna sa passenger seat ang gamit ko tsaka ko ini-start ang makina. Sinimulan ko ang pagmamaneho, hindi pa man din ako nakakalayo sa school narinig ko na may nag text sa cellphone ko.

Kinuha ko lang 'yong cellphone ko sa bag ko at tinignan kung sino ang nag text at galing 'yon mula sa unknown number. Binasa ko naman agad ito.

** Hi si Ian to. **

Nag text agad siya? Ang bilis a.

Nilagay ko na nalang ulit sa passenger seat ang cellphone ko at nag focus na lang ulit sa pagmamaneho ko.

Nang makarating naman ako sa condominium. Bumaba ako ng kotse ko bitbit lang ang gamit ko tsaka ako dumiretso sa pagpunta sa Unit ko.

Pagpasok ko si Damon agad ang hinanap ko kaso, walang kahit na anong presensya niya pero 'yong gamit niya nasa sala lang din naman.

Saan kaya pumunta 'yon?

Pumasok na 'ko sa kwarto ko. Ipinatong ko 'yong gamit ko sa side table ko tsaka ko binagsak ang katawan ko sa kama.

Parang bigla akong nakaramdam ng antok dahil sa paghiga ko kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

Na alimpungatan ako mula sa pagkaka-idlip ko dahil sa narinig kong nagsasalita. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nakatalikod na si Damon na may kausap sa cellphone... ko. Wait, ba't niya hawak cellphone ko?

"I don't care who you are. Delete her number, she's taken... Yes, taken! I'm her boyfriend!"

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko.

"Sino ba 'yang kausap mo sa cellphone ko?" Tanong ko kaya napatingin siya sa direksyon ko.

Pinatay na niya 'yong tawag at inabot niya sa'kin 'yong cellphone ko.

"Ian daw. Sino ba 'yon?" Tanong niya.

"Ah. Schoolmate natin, i mean schoolmate ko na lang pala."

"Binigay mo number mo sa iba kahit alam mong may boyfriend ka? Gawain ba ng matinong babae 'yan?!"

Langya! Kagigising ko lang 'yang ugali na agad ang sinalubong niya sa'kin.

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon