Ito ang first day ko sa trabaho kaya medyo kinakabahan ako dahil mga bagong tao ang makakasalamuha ko.
Lumabas na 'ko ng kwarto ko tsaka ako pumunta ng sala para mag paalam kay Mama
Lumapit siya sa'kin at inayos ang necktie ko. "Goodluck hijo."
"Thanks Ma."
"By the way, pwede mo ba 'kong samahan sa Gallery ni Ms. Tuazon Gusto ko kasing bumili ulit ng painting niya."
"Wow, Ma... iba na 'yang pagka adik mo sa kanya a! Baka ipagpalit na 'ko bilang anak sa kanya." I joke making her laugh.
"Hindi mangyayari 'yon, anak." She kisses my cheek. "Ingat sa trabaho."
I smiled at her. "Opo."
Nag simula na 'kong mag lakad palabas ng bahay. Sumakay agad ako sa kotse ko at sinimulan ang byahe ko papunta sa opisina ko.
Nang makarating naman ako dumiretso na 'ko ng office ko.
Ipinakilala ako ng Secretary ng CEO sa lahat ng empleyadong hahawakan ko lahat naman sila nakangiti sa'kin bilang pagbati.
Pinakilala niya din sa'kin si Mario Matias ang magiging Secretary ko. Pati secretary ko sila ang kumuha, baka gusto nilang bantayan ang kilos ko.
After akong ipakilala sa kanila pumunta na ulit ako sa office ko tsaka ko inutusan si Mario para hingiin ang mga papeles na kailangan trabahuhin para makapag simula na.
Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho kahit na first day palang. Gusto ko maging maganda ang first impression sa trabaho ko ng mga Boss ko.
Dahil sa sobrang subsob ko sa trabaho hindi ko na namalayan ang oras at lunch break na pala.
Lumabas ako ng office ko. Tumayo si Mario at sinundan akong maglakad.
"Saan dito ang employees canteen?" tanong ko sa kanya.
"Do'n kayo kakain, Sir?" Gulat niyang tanong.
"Oo may masama ba? Empleyado lang din naman ako dito a." Hindi siguro sila sanay na sa canteen kakain ang Operational Manager.
"Okay sir." Siya na ang nag lead sa'min papunta sa canteen.
Habang papunta ng Canteen narinig kong may tumawag sa'king isang babae nang lingunin ko 'yon ang nakita ko ay ang unang babaeng nag paasa sa'kin-- I mean, una kong niligawan pero nabasted ako.
Si Kelly...
"Oh my God... how are you? " Tanong niya habang naglalakad papalapit sa'kin habang ako hindi makapagsalita sa gulat ng makita siya.
Napaka ganda niya padin. Wow!
She smiled, waving her hand infront of my face. "Are you okay?"
"I-I’m sorry hindi lang ako makapaniwalang n-nakita kita, dito."
She laughed. "Me too! What are you doing here?"
"I’m working here."
"Really?!" Gulat niyang tanong. I just nodded my head. "My husband is working here too."
Oh great she’s married! Mukhang malas talaga ako sa girls. Una kay Ms. Tuazon na may boyfriend na, sunod naman ang una kong niligawan may asawa na.
"He’s the Vice President." She added.
My mouth drops open. "Wow!" That’s all i can say.
"Pababa na siya, ipapakilala kita."
"Okay." Chance ko na ding makita at makilala ang anak ni Mr. Sonny Gonzales.
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...