Nasa byahe ako ngayon kasama si Damon. Ako ang nag mamaneho habang siya naman ay nasa passenger seat. Plano ko siyang ihatid sa trabaho niya para hindi na siya laging namamasahe. Sapilitan pa 'tong pag hatid ko sa kanya kasi... ayaw niya talaga. Pero dahil magaling akong mamilit napapayag ko na siya.
Nang makarating naman kami sa trabaho niya. Itinabi ko lang muna sandali ang kotse ko.
"Salamat sa paghatid." He said.
"Welcome. Ingat ka sa work mo."
"Ingat ka sa pagmamaneho."
"I will." Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi ko tsaka ikinaway ang kamay niya bilang pagpapaalam.
I just wave back my hand.
Bumaba na siya ng tuluyan sa kotse ko at sa pagsara niya ng pinto sinimulan ko naman agad ang mag maneho papunta naman sa... School.
Nang makarating naman ako ng school. Pagpark ko ng kotse ko sinimulan ko naman agad ang mag maneho papunta sa classroom ko.
Sa pagdating ko ng classroom nando'n na ang kaibigan kong si Majah.
"Hey!" She greeted.
"Hey!" Bati ko din pabalik habang pa-upo.
"Kumusta ang pamamanhikan ni Damon?"
"It went well!"
"Ikakasal na ba kayo?"
I shake my head. "Napag desisyonan namin na, kapag bumalik na ang alaala niya tsaka kami mag papakasal."
"I see." She said nodding.
Nang dumating ang break time....
Sabay na kaming nag lakad papunta sa canteen ni Maj. Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad biglang nag ring ang cellphone ko.
Kinuha ko lang 'yon sa bag ko at sinagot ang unknown number na tumatawag.
"Hello?"
"Pwede ka kay Ms. Amber?"
"Ako 'yon."
"Ikaw po kasi ang nakalagay sa in case of emergency ni Damon. Napatawag po ako para sabihin dinala sa hospital si Damon dahil bigla siyang nawalan ng malay dito sa Pizza House."
Shit! Para akong nakaramdam ng panlalamig at kabog ng malakas sa dibdib ko dahil sa narinig kong balita sa'kin.
"W-where hospital?" Nauutal kong tanong.
She told me where...
"O-okay. T-thank you for informing me." I ended the call.
"What happen?" Maj asked, concerned.
"H-Hinimatay daw si Damon sa trabaho niya kaha dinala siya sa hospital."
"What?! Sinabi ba sa'yo kung saang hospital?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"I see. I'll drive you there. Give me your key."
I shake my head. "Ako na. May klase pa tayo e, pumasok ka na lang."
"No! Namumutla ka o! Baka 'di ka makapag maneho ng maayos dahil sa pagaalala mo. Paalala lang beb, buntis ka kaya kumalma ka! For sure ayos lang si Damon."
"Okay." She's right! I need to calm, baka kung anong manyari sa'min ng baby love ko kapag nagpaka-stress ako.
Nag lakad na kami papunta sa parking, dumiretso kami sa kotse ko. Siya sa driver's seat habang ako naman ay sa passenger seat. Hinayaan ko ng si Maj. ang magmeneho, pinilit din niya. Pero para mas safe, hinayaan ko na siya.
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...