AMBON presents - 18

3.8K 164 16
                                    

Nasa Tagaytay kami ngayon kasama ang pinakamamahal kong si Amber Tuazon.

Bukas na ang ang araw ng kasal ng barkada kong si Lucas at ang fiance niyang si Joanne.

Pinakilala ko sa kanya si Amber at ngumiti ng nakakaloko sa'kin si Kumag kasi naman wala pa siyang nakikitang babaeng kasama ko.

“Amber, maswerte ka dyan kay Damon wagas umibig 'yan." Lucas told to Amber.

Tumingin sa'kin si Barbie ng nakangiti na parang hindi makapaniwala sa narinig.

“Totoo 'yon.” I winked at her. Hindi lang siya umimik sa sinabi ko pero hindi pa rin niya inaalis ang ngiti sa labi niya.

“Sige na dude, pupunta na kami sa kwarto namin.” Paalam ko kay Lucas. Yes! Kwarto namin, dahil bukas pa amg kasal kaya sa iisang kwarto lang kami. Hindi naman siya humiling na mag hiwalay kami ng kwarto kaya hindi na din ako mag suggest pa. Kaya nga lang sa sahig ako matutulog at siya sa kama.

Walang awa!

Pumunta na kami ng kwarto namin after naming mag paalam kay Lucas bitbit ang gamit namin.

Nang makarating na kami sa hotel room namin. Binagsak agad ni Amber ang katawan niya sa kama.

Na inggit naman agad ako.

“Talaga bang sa sahig mo 'ko papatulugin?” Pagpapaawa ko na may kasama pang pag pout.

“Yup!”

“Baka sumakit 'yong likod ko maawa ka naman.”

“Ang sabihin mo gusto mo lang tumabi sa'kin.”

“Tatabi lang naman eh.”

She laughed. “Oo na sige na! Pero in one condition.”

I grin, excitedly. “Ano 'yon?”

“Tatabi lang ah! Wala ng iba.”

“Oo naman.” I winked, mischievously.

“Lawrence,, tatabi lang wala ng iba!” Paniniguro niya.

“Hindi pwedeng yumakap habang magkatabi?” Baka pumayag kaya susulitin ko na.

She raised her eyebrow, amusingly. “Abuso ka ah!”

Nag peace sign ako. “Biro lang prinsesa.”

Umupo na siya mula sa pagkakahiga niya. “Ako na ang mauunang mag shower.” Sabi niya.

Tumango lang ako bilang pag sangayon.

Kinuha na muna niya 'yong bag niyang dala at kinuha niya dito ang towel at pangpalit niyang damit.

Pumasok na siya sa bathroom.

Nang matapos naman siya, lumabas siya na may towel sa ulo niya suot niyang pantulog ay malaking T-shirt kaya kitang kita ang kaseksihan niya.

Oh tukso layuan mo ako.

Pumasok naman agad ako ng shower room at 'di nalang siya muna tinignan dahil masyado na akong na aakit sa kanya. Baka kung ano pang magawa ko na ikabawas ng pogi points ko sa kanya.

Urgh!

Pagkatapos kong mag shower lumabas ako ng bathroom at nakita ko si Amber na nakaupo sa kama habang nagbabasa. Nakapag patuyo na din siya ng buhok niya.

Pinunasan ko ng tuwalya 'yong buhok ko hanggang sa matuyo.

After kong magawa 'yon, tumabi na 'ko sa kanya. Hindi parin siya tapos mag basa, nasa kalagitnaan palang siya ng pahina niyo.

Isinadal ko 'yong ulo ko sa balikat niya. “Tulog na tayo.” Medyo pabulong kong sabi sa kanya.

“Nag babasa pa 'ko.”

Kinuha ko 'yong librong binabasa niya at sinarado.

“What are you doing?” She asked.

“Gusto na kitang patulugin.”

“Why?”

“Basta!” Pinahiga ko na siya kaya wala na siyang nagawa. Gano'n din ang ginawa ko habang ang tingin ko ay nasa kisame lang.

Kung hindi pa siya matutulog talagang maakit na 'kong tadtarin siya ng halik at baka mapunta pa sa kung ano 'yong halik na 'yon.

Nag lagay siya ng unan sa gitna namin at ngumiti ng mapangasar sa'kin. Kung wala akong nararamdamang kakaiba baka inalis
ko na 'yong unan sa gitna namin at niyakap na siya.

Mabilis lang siyang nakatulog samantalang ako lahat na ata ng posisyon nagawa ko na pero hindi pa din ako makatulog. Nag push up na ko sa sahig, nag bilang ng tupa pero wala paring epekto.

Dapat pala sa sahig nalang talaga ako natulog.

Naglatag ako ng kumot sa sahig at kinuha 'yong unan 'tsaka ako humiga.

Sa sahig nalang ako matutulog baka sakaling makatulog na 'ko nito.

Naramdaman ko ang pagising sa'kin ni Amber.

Naman eh, ilang oras palang ata akong natutulog.

Nag takip nalang muna ako unan sa mukha ko.

“Bakit nasa sahig ka na? Nahulog ka ba?” I heard she asked.

Hindi ako sumagot.

“Damon!”

Dahan-dahan kong inalis ang unan sa mukha ko at tumingin sa kanya.

“Kasalanan mo kung bakit ako nandito.”

“Bakit ako? Hindi naman ako malikot matulog ah.”

Umiwas ako ng tingin. Nakakahiyang aminin sa kanya.

Bigla naman siyang tumawa na ipinagtaka ko. Siguro dahil nahulaan na niya 'yong dahilan ko. Buti naman para 'di ko na kailangang magpaliwanag.

“Nagawa mong mabuti ang magpigil, binabati kita.” Sabi niya habang pumapalakpak at tumatawa.

Haay! Nakakahiya talaga.

“Siguro ginawa mo sinadya mong magsuot ng sexy para mailang ako.”

Mas lalong lumakas ang tawa niya. “Hindi nu! Ikaw kaya ang nag push na mag tabi tayo 'tsaka ganito talaga ang pangtulog ko.”

“Tss. Napuyat tuloy ako.” I pout.

“Okay, sorry na.”

“So, inaamin mo nga?”

“No.” She laughed again.

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon