Nasa tabing dagat kami ngayon kasama ang mag asawang Sam at Kelly para sana enjoy-in ang asul na kulay ng dagat. Pero imbes kasama namin silang mag enjoy, wala na silang ginawang dalawa kundi ang mag inum. Si Kelly pa naman ang nagyaya sa'min dito pero parang sinasabayan pa niya ang asawa niya sa paginum nito.
Siguro may hindi na naman sila pinagkakaunawaan kaya siya ganyan. Hindi ko alam kung bakit kasi tinitiis pa niya 'yong asawa niya.
Dahil gusto namin ni Amber na ma-enjoy 'tong bakasyon namin hinayaan nalang namin silang dalawa.
Nag swimming nalang kaming dalawa at iniwan na muna namin ang tahimik na magasawa. Mas maganda ngang hindi nalang namin sila isipin kasi ang ganda ng mood namin pareho ngayon. Kung may problema sila, kaya na nila 'yon. Malaki na sila.
Huhubarin sana ni Amber ang damit niya para sa pag swimming pero hindi ako pumayag dahil baka makita pa ng iba ang dapat ako lang nakakakita. Napairap lang siya pero sinunod din naman ako.
Hinila ko na siya palusong ng dagat at nag simula ng magbabad. Hawak-hawak ko lang bewang niya para hindi siya lumayo sa'kin, parang pareho naman din kami ng iniisip kasi iniyakap niya sa leeg ko ang mga kamay niya. Nakatingin kami sa mata ng isa't-isa habang may ngiti sa labi namin.
“Can i kiss you?” I asked her.
Napakunot noo siya. “Bakit tinatanong mo pa 'ko niyan?”
“Hindi lang kasi basta kiss ang naiisip ko.” Ngumisi ako ng pilyo.
She slapped me on my chest. “Bakit? Ano iniisip mo?”
I chuckled. Inilapit ko ang labi ko sa tenga niya at bumulong. “I want to make out with you.”
“Here?” Tumingin siya sa paligid kaya gano'n din ang ginagawa ko. Kapag nag make out nga kami, medyo maraming makakakita.
“No!” She said. “Not here.”
“So sa kwarto, pwede?”
She laughed, nodding. “Okay.” Gusto kong mapasuntok sa ere dahil sa excitement pero ayaw ko namang ipahalata sa kanyang excited ako.
“Ngayon na ba?” I asked.
She shakes her head. “Kapag nagyaya nang bumalik sa mga kwarto natin sila Kelly. Busy pa sila sa paginum eh. 'tsaka masarap dito sa tubig na kayakap ka.”
“Kung sabagay.” I agreed. Iniyakap ko na sa bewang niya ang mga braso ko 'tsaka ko siya hinalikan sa forehead niya kaya pumikit siya. Sunod kong hinalikan ay ang ilong niya, napangiti siya sa ginawa ko. Sunod kong hinalikan ang magkabilang pisnge niya at ang pinaka huli ay ang labi niya. Mabilis lang 'yon kaya medyo nabitin ako. Gusto ko sanang matagal kaya lang may mga tao.
Nang matapos kaming magbabad sa tubig ng mahal ko binalikan na namin ang tahimik na magasawa na hindi pa din tumitigil sa paginum. Naki-join nalang din kami sa kanila sa pag inum.
Kailan kaya silang dalawa na magyaya nang bumalik sa kwarto namin.
“Rest room lang ako.” Paalam ni Kelly sa'min and base sa boses mukhang tinatamaan na siya ng alak.
Naglakad na 'to paalis kaya naiwan na kasama namin si Sam.
“Paano n'yo nagagawang maglabingan kahit alam n'yong nandito ako?” Tanong ni Sam sa'min sa tono niya inis siya.
“Hindi ba naming pwedeng gawin 'yon kahit nandito ka? Hindi naman namin kailangan ng permiso para para sa labingan naming dalawa.”
Amber holds my hand. “My love stop it.” She stops me. “Don't mind him.” She added.
Tumango nalang ako sa kanya bilang pagsangayon. Ayaw ko din masira ang magandang mood naming dalawa nang dahil lang sa selos niya.
Bumalik naman din agad si Kelly galing rest room at sa pagbalik niya nag tanong siya kay Sam.
“Honey, ano bang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganyan?” Halos mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Lasing na nga siya.
“Lasing ka na matulog ka na!” Utos ni Sam. She just glared at him 'tsaka siya tumakbong umiiyak palayo sa'min.
I glared at Sam. Napaka-walang kwenta niya talaga.
“Bakit gano'n mo kausapin ang asawa mo?” Inis kong tanong. Ayaw ko sana talagang makialam pero kaibigan ko si Kelly kaya hindi ko gustong makitang gano'n siya dahil sa walang kwentang taong 'to.
“My Love,” Pagaawat ni Amber.
“Ano bang pakialam mo? Kakausapin ko siya sa kung paanong paraan ko gusto!” Sagot niya sa'kin.
Hinawakan ko ang sando niya at inambahan siya ng tingin. Gusto ko siyang sapakin pero hawak ni Amber ang isa kong kamay para pigilan ako.
“'Wag mong sabihing may feelings ka pa din sa asawa ko kaya ganyan ka nalang magalit sa'kin?” Alam na pala ng gagong 'to ang tungkol sa'min noon ni Kelly.
“'Wag mong baliktarin ang sitwasyon, mag move on ka na at mahalin mo nalang ang asawa mo!”
“Tama na 'yan my Love, ano ba!”
Binitawan ko nalang siya.
“Susundan ko lang si Kelly, okay lang bang iwan muna kita dito?” Tanong ko kay Amber. Tumango naman siya bilang tugon.
Nagsimula na 'kong hanapin si Kelly.
Nakita ko naman siyang nakaupo sa tabing dagat habang yakap-yakap ang tuhod at naka yukong umiiyak.I tapped her shoulder kaya napatingin siya sa'kin.
“Sorry kung hindi ako ang i-ne-expect mong makita.” I said.
She shakes her head. “Hindi ko rin naman i-ne-expect na susundan niya 'ko.” She wipes her tears. “Hindi ko siya maintindihan Damon, Ang hirap niyang intindihin. Napapagod na 'ko!”
“What do you mean?”
“Sa simula palang na ikinasal siya sa'kin, malamig na siya. Ako lang naglalambing sa kanya. Mas malala 'tong ngayong ginagawa niya, ni hindi nga niya 'ko tinitignan at kinakausap. He even said last night, he wants an annulment.”
Fuck! He what?!! Bakit naman niya 'yon sasabihin? Then bigla kong naalala si Amber. Shit! Siya kaya ang dahilan? Talaga bang baliw na baliw pa din siya sa mahal ko? Iniwan ko pa naman siya kasama ang lalakeng 'yon.
“Mabuti pa, pumunta ka na ng kwarto n'yo at magpahinga. Magpalamig ka muna ng ulo 'tsaka mo nalang siya ulit kausapin.”
She shakes her head.
Shit makinig ka nalang!
“Ayaw kong bumalik sa kwarto namin, lalo lang akong magiisip kay Sam.”
“Hindi naman kita hahayaang magisa dito baka may mangbastos pa sa'yo. Ang mabuti pa sumama ka nalang sa'kin pabalik sa kanila.”
Nakikita kong nag he-hesitate pa pero napapayag ko din naman siya.
Sa wakas!
Inalalayan ko na siyang tumayo at maglakad pabalik kela Amber at Sam.
Sana naman walang gawing kagaguhan ang Sam na 'yon sa mahal ko.
Pagbalik namin sa kanila laking gulat namin nang makita si Sam na nakayakap kay Amber. Shit!
To be continued...
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...