AMBON Presents1 - 21

6.6K 281 12
                                    

Start of school day na ibig sabihin simula na naman ng stress sa school. Mas lalo na sigurong nakaka stress ngayon dahil huling taon na namin.

Buti nalang nandyan ang boyfriend ko para mapasaya ako. Haha.

Speaking of my boyfriend, plano niya akong sunduin ngayon kaya hinihintay ko muna siya dito na sa labas ng condominium para naman hindi na siya umakyat. Kaya daw niya gustong mag sabay kami para ipagmamalaki niya daw sa lahat ng nakakakilala sa'min na kami na.

Nakakatawang isipin pero nakakakilig din.

Ano kayang magiging reaksyon ng mga schoolmates at classmates namin sa school? Hmm.. nakakaexcite.

Finally dumating na si Damon, hindi na 'ko nag hintay na bumaba pa siya. Sumakay na agad ako sa passenger seat.

"Hi baby." Bati niya sa'kin.

"Hi din baby." Hinalikan ko siga sa pisnge niya.

"Handa ka na bang malaman ng lahat na girlfriend na kita?" Tanong niya.

"Kahapon pa." I winked.

Sinimulan din naman agad niya ang mag maneho papuntang school na inabot din ng halos isang oras.

Pag dating namin ng school, si Damon ang unang bumaba sa'min sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Sa pagbukas niya ng pinto bumaba din naman agad tsaka niya binitbit ang gamit ko. Boyfriend na boyfriend ang peg niya.

Hinawakan niya ako sa kamay tsaka kami nag simulang mag lakad sa Campus. Habang nag lalakad nakita namin ang couple na si Mario at Majah na magka-akbay.

Mas na uuna lang silang mag lakad kesa sa'min.

"Guys." Damon called them.

Lumingon silang dalawa at huminto sa pag lalakad.

"Hey new Lovers." Mario greeted.

Paglalapit namin sa kanila, nag beso kami sa isa't-isa ni Majah.

"Nakaka panibagong makita kayong magkaholding hands dito sa Campus." Natatawang sabi ni Majah.

"Masanay ka na." Damon said. Hinalikan niya ang kamay ko tsaka siya kumindat sa'kin.

Ang hilig niya mag pa-sweet.

"Give my things, baka ma-late ka pa sa klase mo pag hinatid mo ko." I told Damon.

"It's fine baby, okay lang ma-late ako ngayon basta ihahatid kita para 'yong nga classmates mong lalake alam na taken ka na."

Ibang klase!

"Okay, ngayon lang ha!"

Tumango lang siya bilang sagot.

Since mag classmates naman kami ni Majah kaya pareho kaming hinatid ng boyfriend namin sa classroom, ay mali fiance na pala 'yong kanya.

Nang nasa tapat na kami ng classroom nakikita na namin 'yong mga classmates namin na halatang nag enjoy din sa bakasyon dahil nag iba ang mga kulay. Syempre hindi mawawala ang ngiti nilang nakakaloko sa'kin nang makitang ka-holding hands ko si Damon. 'Yong iba kasi sa kanila kilala si Damon bilang matalik kong kaaway. Haha!

"Mag focus ka sa klase 'wag sa kakaisip sa'kin, baby." Damon jokes.

"I will." Hinalikan niya ako sa cheek ko bilang pagpapaalam kaya nag palakpakan naman ang mga loko kong classmates.

I rolled my eyes. Kailangan ba talagang pumalakpak pa? Bakit may kalapati bang lumilipad? Kaloko sila!

Hinalikan din ni Mario si Majah sa cheeks nito pero sa kanjla walang palakpakang na ganap sanay na kasi sila sa dalawa.

Sabay kaming pumasok ni Majah sa classroom at magkatabing umupo sa favorite spot namin sa dulo.

"Amber, for real kayo na ni Damon?" Luisa our classmate asked.

I just nodded. She grins at my answer.

"Classmates i win!" She shouted.

Woe what???

Majah just laugh.

"What the hell are you talking about?" I asked.

"Nag pustahan kasi kami kung magiging kayo ni Damon, ako lang ang pumusta na magiging kayo!"

"Whaaaaaat??" Gulat kong tanong. Binaling ko ang tingin sa kaibigan kong si Majah na tawa lang ng tawa.

"Alam mo 'to?" Tanong ko kay Majah

She just shrugged laughing.

I shake my head, disapprovingly.

Napaka baliw talaga nitong mga classmates ko.

Dahil first day of school palang ngayon kaya walang masyadong ginawa hanggang sa dumating ang free time namin.

Majah, Luisa, Raffy, Lucas, Justin are my break time buddies, sila ang kasama ko ngayon sa table sa Canteen. Isa 'to sa mga nakakamiss sa school ang kumain kasama ang mga baliw na classmates.

Tumingin ako sa direksyon kung saan lagi naka pwesto sila Damon tuwing breaktime nando'n na 'yong iba nilang classmates pero sila ni Mario wala pa.

Saan kaya pumunta 'yong dalawang 'yon?

May biglang tumakip sa mata ko na dahilan para wala akong makita. Kahit 'di ko makita kung sino ang gumawa nun naamoy ko naman ang nakakaadik na amoy ng mahal ko.

"Baby?"

"Ako nga." Sagot niya. Tinanggal niya ang mga kamay niya sa mata ko tsaka siya tumabi sa tabi ko at hinalikan ako sa pisnge kaya nag hiyawan na naman 'yong mga kaklase ko.

"Tumigil na nga kayo!" I scolded them.

"Nakaka panibago lang talaga." Luisa said laughing.

Haaay! Kailan ba ko masasanay sa pangaasar nila?

"Baby," Tawag niya.

"Mmm?"

"My Mom called, she wants to see you." Bulong niya na ikinagulat ko.

OhmyGod!

I blink at him, rapidly.

He grins at me. "Kinabahan ka ba?"

"Sinong hindi kakabahan sa sinabi mo?!!"

"You'll be fine."

"When?"

"Later!"

"What????" Oh my god! Mas lalo akong kinabahan. "W-where?"

"At my Unit, papunta na siya do'n"

"Okay." Matipid kong sabi. Oh my god!

"Bibile lang ako ng kakainin, baby." He told me.

"Okay." I said nodding.

Hanggang ngayon kinakabahan padin ako dahil mamaya lang makikilala ko na ang Mama ni Damon, hindi ko alam ang gagawin o paanong kikilos mamaya.

"You okay?" Majah asked.

"Maj. nameet mo na parents ni Mario 'di ba?" Tumango lang siya bilang sahot.

"Anong ginawa mo? I mean anong sinabi mo? Kinabahan ka ba? Anong sinuot mo? Anong dinala mo?"

"Woe, wait dami mo namang tanong. Bakit ba? Ipapakilala ka na ba ni Damon sa parents niya?"

"Sa Mama niya lang, mamaya."

"Kinakabahan ka?" She asked.

Tumango ako.

"Normal lang naman ang kabahan, ako din naman kinabahan e. Pero baka pag pinangunahan ka ng kaba mag mukha kang ewan sa harap ng Mama niya."

Tama siya!

Huminga ako ng malalim. Tama, ayaw kong mag mukhang ewan sa Mama niya kaya hindi dapat ako kabahan. Kaya lang nakakakaba padin talaga!

--

Keep voting.

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon