AMBON presents2 - 16

3.7K 154 10
                                    

Since busy si Mama na aliwin ang bisita ko ako na ang nag check kung na ihanda na ng kasambahay namin ang dinner. Naghahain na lang siya ngayon.

Nang matapos si Manang sa paghahain pinuntahan ko na sila Mama sa room kung saan nando'n ang collection niya.

Papalapit palang ako naririnig ko na ang paguusap nila. Naririnig ko ang pagpapaliwanag ni Mama kung sino ang mga nag Artist at 'yong pagmangha ni Amber sa bawat Artist na binabanggit niya.

Nag stay lang muna ako sa gilid ng pinto at pinagmasdan ko lang muna sila. Napapangiti lang ako habang nakatitig sa kanilang dalawa, lalo na kay Mama. Hindi ko pa siya nakitang na excite nang ganyan kapag pinapakita niya ang collection niya ng paintings. Siguro dahil talagang wala akong hilig sa Arts kaya hindi pa niya napakita sa'kin 'yan.

I cleared my throat to disturb them. Sabay silang napatingin sa direksyon ko nang nakangiti.

Pero 'yong ngiti ni Mama nawala din naman agad at napakunot noo siya.

“What happen to your face, anak?” She asked.

Ngayon lang niya napansin 'yong suntok ni Sam sa'kin?

“May naka alitan lang akong driver kanina.” Ginamit ko 'yong palusot ko kay Amber at sana sa kanya mag work na 'to.

Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako chin kaya medyo nasaktan ako. “Aww, Ma!”

“Sinabihan na kitang 'wag puro init ang paiiralin tuwing magmamaneho ka 'di ba? Tignan mo tuloy nangyari sa'yo!” She scolded me.

“Oo na po Ma, sorry na.”

“Don't do that again!”

“Opo.” Tumingin ako kay Amber, nakangiti lang siya habang sinisermunan ako ni Mama sa harap niya.

Haay! Nakakahiya naman 'to.

“Anyways, handa na 'yong dinner kumain na po tayo.”

“Okay.”

Si Mama na ang nag simulang mag lakad papuntang dining. Binaling ko ulit ang tingin ko kay Amber na nakangiti pa din.

“May mga tinanong ba si Mama sa'yo maliban sa mga paintings?”

“Maliban sa puro magagandang sinabi niya sa'yo na parang ni-re-reto ka niya sa'kin, wala naman.”

Napahawak ako sa batok ko. Haay! Si Mama talaga.

“Pasensya na, boto kasi talaga siya sa'yo eh.”

She chuckled. “Ayos lang.”

Sinimulan na din namin ang maglakad papunta sa dining. Sa pag dating namin, umupo din naman agad kami at sinimulan na ang kumain.

As usual, si Mama at Amber lang ang madalas na nag uusap habang nasa hapagkainan. Para ngang hindi nila ako kasama ngayon dahil sila lang talaga ang nag uusap.

Nang matapos naman ang dinner namin, niyaya ko na si Amber na umuwi dahil late na rin naman at gusto ko na rin siyang agawin kay Mama para ma-solo ko naman siya.

Nasa byahe na kami pauwi sa bahay niya nang mag salita siya.

“Siguro naging mabait kang anak sa Mom mo.”

I chuckled. “Akala mo lang 'yon, pasaway ako dati lalo na no'ng Highschool.”

“Really? Anong mga ginawa mo?”

“Mahilig akong makipag basag ulo at lagi akong nag cu-cutting classes.”

“Wow! Really?”

“Yeah! Bakit, mukha ba talaga akong matinong tao mula pa noon?” Pabiro kong tanong.

“Oo 'yong tipo mo ang parang hindi nag loko kahit minsan.”

“Wow! Natuwa naman ako sa sinabi mo.”

She giggles. “Hindi ka ba sanay na mabigyan ng compliments ng babae?”

“Medyo, 'yong mga nakukuha ko lang kasing compliment sa babae, ang gwapo ko daw.” I winked at her.

She laughed. “Yabang ah.”

Nag kibit balikat lang ako.

“Eh bakit ka nga pala naging pasaway noon kay Tita?” She asked again.

Mukhang magandang senyales 'to, sinisimulan na niya akong kilalanin.

“Dahil anak ako sa labas, na inlove si Mama kay Papa nang hindi niya alam na may asawa na 'to. Hindi nagkaanak si Papa sa asawa niya kaya no'ng buhay pa 'to palipat-lipat ako ng tinitirhan.”

“Hindi ko alam na may ganyan ka palang kwento.”

“Ngayon ka lang naman kasi nag tanong ng tungkol sa'kin eh.”

“Tama ka kaya mag kwento ka pa, gusto kong makilala ka pa.”

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Para akong gagong kinikilig dito dahil lang gusto niya pa 'kong makilala.

“Ano ba ang gusto mo pang malaman about sa'kin?” Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung paano mag sisimulang mag kwento eh.

“Hmmm. Paano ka tumino?” Tanong niya.

“Tumino ako dahil kay uh... Kelly.”

Nag hesitate pa 'kong sabihin ang pangalan ni Kelly dahil alam kong maaalala lang na naman niya si
Sam.

“Oh... siya pala.”

Tumango ako. “Na inlove ako sa kanya pero para sa kanya kaibigan lang ako. Tinanong ko siya kung ano ang gusto niya sa lalake ang sabi niya, mabait, masipag at matalino. Kabaliktaran ko.”

“Ganun ka din naman ah?”

“Dati kasi hindi ako gano'n, rebeldeng binata ako. Kaya nung sinabi kong gusto kong manligaw sa kanya, binasted na agad niya 'ko dahil mas gusto niyang maging kaibigan lang ako. Kaya simula nun, binago ko ang sarili ko hindi para sa kanya kundi para sa'kin. Para sa susunod na may magustuhan akong babae, magugustuhan din niya 'ko.”

“Do you still like her?” She's quite serious.

I shake my head. “Inlove na 'ko sayo eh tsaka matagal na din 'yon.”

Napabuntong hininga siya. “Sana noon pa kita nakilala, para hindi ganito ka-komplikado lahat.”

“Hindi na komplikado ngayon, tapos na kayo.”

“Komplikado pa din kasi kaibigan mo ang asawa ng ex ko at boss mo pa 'yong ex ko.”

“'Yan ba ang gumugulo sa'yo kaya ayaw mong ligawan kita?”

“Isa 'yon sa gumugulo sa'kin pero just like what i told you, I'm still not ready.”

“Okay at tulad din ng sinabi ko. I won't rush you.”

Ngumiti lang siya sa'kin bilang tugon sa sinabi ko.

Nang makarating kami sa bahay niya, itinabi ko lang 'yong kotse ko 'tsaka din naman ako bumaba sa driver's seat. Pinagbuksan ko din siya ng pinto 'tsaka din naman siya bumaba. Sinabayan ko siya sa paglalakad hanggang sa tapat ng pinto.

“I enjoy this night, thank you.” She said smiling.

“Welcome.” Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

“Amber!” Dinig naming tawag sa kanya ng isang lasing at pamilyar na boses.

Sabay kami tumingin sa direksyon nun at si Sam ang nakita ko. Shit!

To be continued...

Sorry natagalan sa update. ✌

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon