AMBON presents2 - 2

4.9K 186 19
                                    

Hinihintay ko lang sa isang restaurant ang kaibigan kong si Justin. Bibigyan daw niya 'ko ng invitation para sa kasal niya. Ang sabi niya sa bahay nalang niya ihahatid pero hindi ako pumayag dahil baka 'pag nakita pa ni Mama 'yong invitation na 'yon lalo pa niya 'kong kulitin tungkol sa pag papakasal o pagkakaroon ng girlfriend.

Lagi na kasi akong kinukulit ni Mama na magasawa na dahil gusto na niya ng apo pero paano naman ako magpapakasal kung wala naman akong girlfriend?

Sinasabihan din niya 'ko na ligawan ko nalang 'yong idol niyang pintor na si Ms. Tuazon dahil sobrang ganda daw nito at bagay daw kami. Kaya niya nasabing bagay kami dahil sa picture naming dalawa noong nag pakuha ako ng litrato sa kanya.

Hindi ako pumayag sa sinabi niya kasi, sigurado naman akong sa ganda niyang 'yon may boyfriend na siya.

Yah she’s pretty... she’s my type but hanggang do'n lang 'yon.

Dinaial ko 'yong number ni Justin dahil late na siya ng five minutes. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ang laging late, mainipin kasi ako e.

Ilang sandali lang sinagot na niya 'to.

"Dude, nasan ka na ba?" Tanong ko.

"Malapit na pre, inaatake ka na naman ng pagiging mainipin mo."

Tumingin ako sa pinto ng restaurant nag babaka sakali na pumasok na si Justin pero wala. Ang nakita ko lang ay si Ms. Tuazon na sobrang ganda ngayon.

"Sige bilisan mo." Binaba ko na 'yong tawag at napatitig sa kanya hanggang sa makaupo siya. Bagay sa kanya 'yong suot niyang white short dress kitang-kita ang kaputian niya.

May lumapit sa kanyang waiter pero hindi pa muna 'to kumuha ng order niya. Baka may hinihintay.

Hindi ko alam pero, parang kusang gumalaw ang katawan ko para lapitan siya sa table niya.

"Hi, Ms. Tuazon." I greeted her. Nagulat siya nang makita ako.

"Mr. Lawrence, Hi. What are you doing here?" She asked.

I smiled. "May hinihintay ako. Ikaw?"

"Tulad mo may hinihintay din."

"Sino boyfriend mo?" Ngiti lang ang sinagot niya, it means... Yes!

I knew it. May boyfriend siya. Sayang!

Kung sinabi niyang wala baka talaga
sundin ko na si Mama na ligawan siya kaso meron kaya hindi na. Hindi ako 'yong tipo ng tao na mang aagaw ng may girlfriend na may girlfriend.

"Babe," Boses 'yon ng lalake. Sabay kaming tumingin sa direksyon niya at isang lalakeng mukhang businessman manamit ang nakita ko.

Lumapit siya kay Ms. Tuazon at hinalikan ito sa pisnge na medyo mukhang ikinagulat si Ms. Tuazon.

"Sino siya?" Tanong niya kay Ms. Tuazon sabay tingin sa'kin.

"Damon," Pagpapakilala ko. Nag offer ako ng hand shake pero hindi niya inabot ang kamay ko. "My mother is a fan of her." I added habang dahan-dahan ibinababa ang kamay ko para hindi halatang napahiya ako.

"Just her mother?" Base sa tono ng boses niya parang hindi siya naniniwalang fan ng girlfriend niya ang Mama ko.

"Sam..." Tawag ni Ms. Tuazon sa Sam daw. Hinawakan niya ang boyfriend niya sa braso. "Sorry about that." she added.

"No it’s fine." Actually not.

Bumalik na 'ko sa table ko at iniwan na ang love birds pero pinagmamasdan ko pa din sila.

Kung makabantay 'yong boyfriend niya akala mo aagawin. Well kung single 'yan si Ms. Tuazon siguradong makikipag agawan ako.

Ang ganda kaya niya.

Ilang sandali lang din naman finally dumating na si Justin Lumapit agad 'to sa'kin at umupo sa tapat ko.

"Dude, pasensya na nalate ako traffic e." Pagpapalusot niya.

"Luma na 'yan dude." May lakad pa naman ako after nito pero tingin ko naman aabot pa 'ko do'n.

Inabot na lang niya sa'kin 'yong invitation. Tinignan ko sandali ito meron itong photo nila ng fiance niya at ibinalik ang tingin sa love birds.

"Sino tinitignan mo?" Justin asked. Lumingon din siya at tumingin sa
direksyon ng love birds.

"Sino sila?"

I shake my head. "Wala." Tumayo na 'ko. "Mauna na 'ko sa'yo, pupunta na ko do'n sa papasukan kong Company para mag report."

"Sige." Nag shake hands kami ng kami lang nakakaalam. "Magkakaroon ako ng bachelor party dapat nando'n ka." Dagdag niya.

"Oo sige."

Para namang may choice ako, sigurado namang kukulitin niya akong pumunta.

Nag simula na 'kong mag lakad at iniwan ko na siya. Dinaanan ko lang din ang love birds at tuluyang lumabas na ng restaurant.

Dumiretso agad ako sa kotse, sa pagsakay ko sinimulan ko din naman agad ang mag maneho papunta sa Gonzales Building kung saan ako mag ta-trabaho.

Kinuha nila 'ko bilang isang Operational Manager dahil nagustuhan nila ang Educational background and Work experience ko sa Australia. Do'n ako nag aral at nag trabaho bilang isang Manager ng maliit na Company. Pero syempre hindi lang dahil sa magaganda kong
background, dahil sa GC may Twenty percent share ang pumanaw kong tatay na ipinamana sa'kin. Kaya gano'n nalang din ang gusto nilang makuha ang tiwala ko, dahil sa shares ng Papa ko.

Pag dating ko ng Company may isang lalakeng sumalubong sa'kin at nag bow pa ito. Nagpakilala siya bilang secretary ni Mr. Sonny Gonzales ang CEO ng company. Sinamahan niya akong pumunta sa office ng CEO at nang makarating naman ako, inaabangan na 'ko do'n ng CEO.

"Mr. Lawrence finally we met." He offers his hand. Nakipag shake hands ako naman sa kanya habang binibigyan siya ng formal na smile.

"It’s a pleasure to meet you sir."

"Have a seat." He told me.

Ginawa ko na lang 'yon.

"So, magsisimula ka na sa Monday?" He asked.

I nodded. "Sana hindi ako maging pabigat dahil kailangan ko pang mag adjust sa trabaho."

"I’m sure madali ka lang makakapag adjust. Gusto ko sana ipakilala sa'yo ang anak kong si Samuel siya ang Vice President kaya lang wala siya ngayon nasa dinner meeting. "

"It’s fine Sir. For sure magkikita din naman po kami some other day."

Tumayo siya at inayos 'yong suit niya.

"See you on Monday, Mr. Lawrence."

"Yes, Sir."

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon