AMBON Presents1 - 28

6.1K 270 30
                                    

I'm at the bathroom, waiting for the result ng PT. Binili ko 'to kanina at agad-agad ko 'tong sinubukan. Dalawa pa binili ko para sigurado talaga.

Kung sakaling preggy nga ako, tatanggapin ko ng buong puso ang magiging baby namin ni Damon. Ang tanging pinag iisipan ko lang ay kung sasabihin ko ba kay Damon ang tungkol dito lalo na sitwasyon niyang hindi makaalala. Natatakot akong baka mag freak out siya.

Oras na para malaman ang result, sabay kong tinignan ang dalawang PT at pareho ang result nito. Parehong positive.

Gosh! Preggy nga ako. Paano na ngayon?

I touch my belly and i talk to my little love.

"Hey little love, so... it's not just me anymore. Nandyan ka na at hindi ko alam kung paano sasabihin sa Daddy mo ang tungkol sa'yo." Bumuntong hininga ako. "My little love, behave ka lang dyan a. 'Wag masyadong pasaway kay Mommy."

Bahala na! Siguro sa ngayon, itatago ko na lang muna 'to kay Damon. Hindi pa siguro safe na sabihin sa kanya sa ngayon.

Since nandito na rin naman na 'ko sa bathroom, i decided na mag shower na din. Mabilis lang ang pagsha-shower ko dahil hindi rin naman ako makapag-focus.

Lumabas ako ng bathroom ng nakatapis lang, nag bihis naman agad ako ng pangpasok ko. Dalawang subject ang hindi ko na pasukan ngayon dahil sa pag PT ko.

After kong mag asikaso sa pagpasok, lumabas na 'ko ng kwarto ko na bitbit lang ang gamit ko. Paglabas ko, wala na si Damon. Umalis na naman siya at hindi manlang na naman sinabi kung saan siya pupunta. Always na lang, baka kapag nag paalam siya ipagtaka ko na.

Dumiretso ako palabas ng Unit papunta sa kotse ko. Sumakay agad ako at pinaandar ang makina tsaka ko sinimulan ang byahe papasok ng School.

Nang makarating ako sa school. Pagpark ko, bumaba agad ako ng kotse tsaka ako nag lakad ng campus. Isang subject na lang free time ko na agad. Haay! Tinatamad na 'kong pumasok, hindi na lang pala sana ako umalis ng Unit.

Nag stay na lang muna ako sa open space para dito na lang mag palipas oras. Umupo ako sa bench at nag back read nalang ng mga na discuss na nga Prof.

Hindi ko alam kung ilang oras na 'kong nag stay dito hanggang sa narinig ko na nag ring ang cellphone ko mula sa bag.

Kinuha ko 'to at nakita kong si Majah ang tumawag kaya sinagot ko na 'to.

"Hello?"

"Where are you? Bakit 'di ka pumasok?"

"Na late lang ng gising at pasok, nandito ako ngayon sa open space. After free time ako papasok sa mga susunod na subject."

"I see. Wait me there!"

"Okay." Sagot ko tsaka niya ibinaba ang tawag.

Wala pa atang limang minuto nakatating na si Majah. Umupo siya sa agad bench katabi ko.

"Ayos ka lang? Ang putla mo a!" Tanong niya.

"Ayos lang." Walang gana kong sagot.

"Nag away na naman ba kayo ni Damon?"

"Parang gano'n na nga, pero hindi 'to dahil do'n."

"Kung gano'n, ano?"

Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga.

"Buntis ako."

"Oh. My. God! Totoo ba 'to?"

Tumango ako. "Oo."

"Alam na ni Damon?"

I shake my head. "Hindi pa, hindi ko alam kung paano sasabihin."

"Kung sabagay may memory lost nga pala ang boyfriend mo." She comments.

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon