AMBON Presents1 - 25

5.8K 258 17
                                    

Nagising ako sa mula sa pagkakatulog ko at ang unang pumasok agad sa isip ko ay ang boyfriend kong nasa sala ngayon, dahil do'n ko siya pinatulog.

Bumangon ako ng kama. Pinusod ko lang pataas ang buhok ko tsaka naman ako nag lakad palabas ng kwarto ko. Dumiretso ako sa sala at nakita kong ang sarap pa din ng tulog ni Damon sa couch.

Nag lakad ako papalapit sa kanya at pinagmasdan ang mahimbing niyang pagtulog. Kung titignan siya ngayon, hindi makikita sa kanya na hindi niya ako naaalala.

Miss na miss ko na talaga siya. Bakit ba ang tagal bumalik ng alala niya sa'kin. Kahit kunti lang sana may maalala siya para kahit papaano pumasok sa utak niya na mahal niya ako. Hindi ko na naman tuloy maiwasang maging emotional. Haay! Ang aga-aga emosyonal na agad ako.

Kasalanan niya 'to e. Kapag bumalik na ang memorya niya sa'kin, i swear babatukan ko siya!

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya na ibig sabihin gising na siya. Pero imbes na mag panick dahil nahuli niya ang akong pinagmamasdan siya, dedma lang ako.

Siya pa nga itong nag panick at biglang na paupo dahil sa gulat.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

"Wala!" Nag lakad na lang ako papunta sa kusina at dedma lang sa ginawa ko.

Pagdating ko ng kusina, sinimulan ko na lang ang magluto ng breakfast naming dalawa. Habang nasa gitna ng pagluluto ko, pumunta din sa kusina si Damon. Dumiretso siya sa pagkuha ng tubig sa ref.

"Hoy babae!" Tawag niya pero hindi ko siya pinansin.

"Hoy! Babae!" Tawag niya ulit. Hindi ko ulit siya nilingon. Wala akong planong pansinin siya hangga't hindi baby ang tawag niya- okay, kahit sa name ko na lang. Masyado ng mataas ang hiling kong 'yon para sa isang may amnesia.

"Hoy babae tinatawag kita! Binge ka ba?"

Kunti na lang, babatukan ko na 'to e.

"Hoy! Hoy! Hoy babae!"

I groan, irritatingly. Nag lakad ako papalapit sa kanya at sinipa siya sa binte niya kaya napaungol siya sa sakit.

"Aawww!"

"It's AMBER! Amber ang pangalan ko. It's A.M.B.E.R. Amber!"

"Bakit kailangan mong manipa?"

"Dahil nakaka bwiset ka na!"

"Hindi mo pa rin dapat ako sinipa! Ganyan ka bang babae? Hindi ko tuloy alam kung anong nagustuhan ko sa tulad mo! Baliw na siguro ako kaya kita na gustuhan!"

"Oo baliw ka! Baliw ka talaga! Wala naman akong sinabi sa'yo na magustuhan mo 'ko! Wala naman akong sinabi sa'yo na sundan mo 'ko sa Coron at landiin ako do'n! Wala naman akong sinabi sa'yo na gawin mo 'kong jowa after na may mangyari sa'tin," I paused. Teka ang dami ko na atang sinabi.

"May nangyari na satin?" Gulat niyang tanong.

Tinalikuran ko na lang siya. Nag iinit lang kasi lalo ulo ko at dugo ko sa kanya e.

Tinuloy ko na lang ang pagluluto ko. Buti na lang din tumahimik na lang ang mokong at hindi na 'ko tinawag.

Nang matapos naman ako sa pagluluto, inihain ko naman agad ito tsaka namin sabay na pinagsaluhan ito. Pareho lang kaming tahimik habang kumakain. Ni kahit ang mag tinginan hindi namin ginagawa.

Sa pagtapos naming kumain, i told him na maghugas kasi mag aasikaso ako sa pagpasok. Hindi naman na siya nakipag talo pa do'n. Mabuti na lang kung gano'n dahil wala na 'kong energy pa'ng nakipagtalo sa kanya.

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon