AMBON Presents2 - 31

3.5K 137 8
                                    

Nasa gitna na kami nang pagkain ni Amber. Ini-enjoy niya ang niluto ko. Buti nalang at nagustuhan niya ang niluto ko para sa kanya.

Habang nasa gitna kami pagkain, nag open ako ng topic.

“Mukhang lalayo na raw pala si Kelly, mukhang talagang tinapos na niya ang kahibangan niya kay Sam.”

Tumingin siya sa'kin at halatang 'di nagulat.

“Sinabi niya 'yan sa'kin kanina, bago ako lumabas ng hospital.”

“Pinuntahan ka niya?” Gulat kong tanong.

She just nodded.

“Wala ba siyang ginawa na naman sa'yo?” Pagaalala ko.

She shakes her head kaya nakampante ako. Mabuti naman kung gano'n. Siguro sapat na sa kanya 'yong pagbali niya sa kamay ni Amber. But still dapat hindi pa rin niya ginawa 'yon.

“Anong sinabi niya sa'yo?” Tanong ko.

“Hindi raw siya humihingi ng tawad sa ginawa niya sa'kin. Hindi ko rin naman ini-expect na hihingi siya nang tawad. Naiintindihan ko 'yong galit niya, deserving ko naman 'to dahil naging parte ako ng dahilan ng mga pagiyak niya.”

“Parte ka man no'n, hindi dapat ganyan ang ginawa niya sa'yo.” Until now na iinis pa din ako sa ginawa niya sa kanya.

She chuckled. “Siguro nga, 'wag na natin silang pag usapan. To be honest napapagod na 'kong pagusapan sila.”

“Okay.”

Nag continue nalang kami sa pagkain naming dalawa. Medyo inaalalayan ko nalang din siya dahil isang kamay lang ang gamit niya sa pagkain.

After naman naming kumain, ako na ang mag hugas ng pinagkainan naming dalawa. Habang siya nag hintay lang sa sala.

Sa pagtapos ko, pinuntahan ko na siya sa sala. Tinabihan ko siya sa couch.

“Pwede ba 'kong matulog dito?” Tanong ko.

She nodded. “Alam mo hindi mo naman kailangang mag paliwanag pa eh, kasi kahit kailan pwede kang matulog dito.”

I smiled. “I'll bear that in mind.”

Nakarinig kami ng doorbell na bumasag sa paguusap namin.

Ako na ang tumayo at naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko 'to at ang nakita ko ay si Sam.

Sinira na naman niya ang mood ko. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko. Sinusubukan kong pigilan ang inis ko dahil ayaw ko ng away. Ayaw na ni Amber nang ganito kaya hangga't kaya ko hindi ko siya papatulan.

“Nasa'n si Amber, i want to talk to her.”

“Para saan pa?”

“None of your business. Call her. I want to talk to her.”

“Naisip mo manlang ba kung gusto ka niyang makausap?”

He grabbed my collar. “Ang sabi ko si Amber ang gusto kong makausap hindi ikaw!”

“Ayaw ko nang makipag away sa'yo Sam. 'Yon din ang gusto ni Amber, kaya please tumigil ka na.” I said, still trying to be calm.

“Hindi ikaw ang magsasabi kung kailan ako titigil.”

“Tama na 'yan!” We heard Amber yelled. Tumingin si Sam sa direksyon niya. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kwelyo ko saka niya 'ko hinawi para makalapit kay Amber.

“Finally nag pakita ka rin.”

“Pakiusap Sam, hayaan mo na kami ni Damon.” Amber said.

“Babe, Okay na... wala na si Kelly, pwede na tayo!”

“Hindi na pwedeng maging tayo dahil ikakasal na 'ko.”

“You what?” Napaatras ng isang hakbang si Sam na tila hindi makapaniwala sa narinig.

“You heard me.”

“Kung gano'n nga, pwede ka nang umatras, pwede na tayong magpakasal. Magsasama na tayo tulad ng gusto mo.”

“Sam hindi na kita mahal!”

“Akala mo lang 'yon but i know deep in your heart you still love me. Naguguluhan ka lang pa sa ngayon dahil ginugulo ka ng feelings mo para sa Damon na 'yan pero malilinawan ka din---”

“Mahal ko si Damon!” She hissed. “Si Damon na ang mahal ko, pakiusap... tigilan mo na kami!”

“Bakit? Bakit parang ang bilis mo naman ata akong pinalitan Samantalang ikaw hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan!”

“Dahil hindi mo binuksan ang puso mo para kay Kelly, tulad ng ginawa ko, binuksan ko ang puso ko para sa lalakeng handang mahalin ako kung sino ako. Hanggang sa minahal ko din siya.”

“Dahil para sakin ikaw lang, babe!”

“Pero para sa'kin si Damon na!”

Sam sighed. “Kilala mo 'ko Amber, hindi ako sumusuko.”

Langya talaga!

“Hindi pa ba sapat na binalian ako ng asawa mo ha? Hindi pa ba sapat na pinamumukha ko sa'yo na iba na ang
mahal ko para tumigil ka na? Ano pa bang gusto mong gawin ko?”

“Gusto lang naman kitang bumalik na sa'kin Amber.”

“Pero ayoko na nga eh! Mapagod ka naman Sam. Please!” Biglang lumuhod si Amber sa harap niya na pareho naming ikinagulat.

Lumapit agad ako kay Amber at sinubukan siyang patayuin pero hindi siya pumayag.

“Tumayo ka dyan!” Sabi ni Sam sa kanya.

“No! Please Sam. Gusto ko na nang tahimik na buhay with Damon. Tigilan mo na 'ko, pakawalan mo na 'ko dyan sa puso mo. Nagmamakaawa ako.” Nagsimulang timulo ang luha ni Amber.

“Okay.” Pagsangayon, finally ni Sam. Pero halatang nasaktan siya sa pagpayag niya dahil paluha na rin siya. “Tumayo ka na dyan, hahayaan ko na kayo tulad nang gusto mo. Basta mangako ka sa'kin na hindi ka masasaktan nang dahil sa lalakeng 'yan!” He pointed me.

Kahit hindi mo pa sabihin, hindi ko talaga siya sasaktan.

“Pangako.”

Naglakad na paalis si Sam kaya napapayag ko na si Amber na tumayo mula sa pagluhod niya.

Inalalayan ko siyang maglakad papapunta sa sala. Umupo siya sa couch habang ako ay tumayo lang sa tapat sa niya.

“Okay na Love, malaya na tayo.” Sabi niya na may may ngiti sa labi pero may luha sa mga mata. I know it's a tears of joy.

I wiped her tears. “Stop crying, my Love. Masyado ka ng madaming naiyak.”

“Sorry, masaya lang ako dahil finally tapos na 'yong gusot na ginawa ko at malaya na 'ko, kasama ka.”

“Ako din masaya, pwede na tayong magpakasal bukas mismo.”

She chuckled, amusingly.  “Bukas agad?”

“Bukas agad!”

"Joke yan 'di ba? Or maybe... not?”

I grin. “It’s a joke, kung gano'n lang kadaling mag prepare ng wedding baka nga bukas na tayo mag pakasal.”

She smiles, weakly. “You really know how to lighten my mood, Love.”

I just kissed her head.

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon