AMBON presents2 - 32

7K 182 50
                                    

ITO na ang pinakamasayang mangyayari sa buhay ko. It's me and my love Wedding day.

She’s going to be Mrs. Lawrence now. Despite of everything that happened to her... to us.

She cried a lot but not anymore.

Hinding hindi siya iiyak sa piling ko.
I'm happy kasi finally tanggap na ni Sam ang lahat, na hindi na pwedeng bumalik pa sa kanya ang mahal ko dahil ako na ang mahal niya at akin na siya.

She’s walking on the aisle now, wearing a beautiful white gown and a perfect smile on her face. Habang buhay ko nang makikita ang mga ngiting 'yan.

I can’t stop my tears to fall as i watching her walking closer to me. I really love her.

Pinunasan niya 'yong mga luha ko pagkalapit niya sa'kin.

“I should be the one who’s here crying my Love not you.” She said smiling.

“I just really love you my Love.”

“I know and i love you too.” I tried myself not to kiss her dahil hindi pa naman oras nang kiss naming dalawa. Sa totoo lang ang hirap mag pigil ngayon.

Sabay na naming hinarap ang Pari para masimulan na ang kasal para masolo ko na siya mamaya at makapunta na ng honeymoon namin.

Hindi pa niya alam kung saan ang Honeymoon namin. I wanted to surprise her na sa Batanes ko siya dadalhin. Nabanggit niya sa'kin na gusto niyang pumunta do'n kaya dadalhin ko siya do'n.

--

Natapos ang celebration sa Reception namin. Sandali lang kami do'n dahil gusto ko na talagang masolo ang asawa ko.

Dumiretso kaming dalawa ni Amber sa airport. Gusto pa sana kami ihatid ni Mama pero hindi na 'ko pumayag alam kong pagod din siya sa pagtulong sa pagaasikaso sa mga bisita namin.

“Saan ba talaga ang honeymoon natin?” Tanong niya sa'kin pagdating namin ng airport.

Useless nang itago sa kanya dahil malalaman na rin naman niya sa sasakyan naming flight.

“We are going to Batanes.”

“Oh my gosh! Where??”

I chuckled. “Batanes, Love.” I showed her our plane tickets. Kinuha niya 'to sa'kin at ngumiti ng sobrang laki dahil sa excitement.

“Nag book ako ng room na malapit sa beach para makapag swimming tayo. What do you think?”

“I think this is wonderful my Love.” She hugs me. “Thank you.”

“Anything for my lovely wife.”

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin at tumingin sa'kin na hindi pa rin nawawala ang malaking ngiti sa labi niya.

I know imposibleng magawa kong hindi maalis ang malaking ngiting 'yan sa labi niya dahil for sure may mga pagdadaanan kami katulad nang pinagdadaanan ng mga magasawa, pero gagawin ko ang lahat para lagi ko siyang pangitiin.

Gagawin ko ang lahat para hindi na siya muling umiyak tulad ng ginawa ni Sam sa kanya.

Speaking of Sam, ang balita ko na lang sa kanya ay tungkol sa pagiging Chairman niya sa Company ng Dad niya. Pinalitan na niya ang Papa niya sa posisyon dahil nagkasakit ito.

Minsan ko na ring nakita si Kelly sa Company, nagkausap din kami no'n ang sabi niya lang sa'kin kaya siya nando'n ay para pilitin si Sam na pirmahan na ang annulment papers nila. Ayaw pa din daw kasi ni Sam na pirmahan 'yon. Pati sa annulment pinahihirapan niya ang asawa niya.

Sumakay na kami sa flight namin ng mahal ko. Sa tabi siya ng bintana pumwesto para daw makita niya ang view sa labas.

Sa pagsisimula ng byahe namin, hawak ko lang ang kamay ng asawa ko. Ang kamay niyang nabaliaan no'n dahil sa ginawa ni Kelly. Magaling na siya ngayon at nakakapag pinta na siya ulit ngayon.

Sumasangayon na talaga para sa'min ang lahat.

Nang dumating kami sa Inn...

After ng ilang oras na byahe sa plane plus land, nakarating din kami sa pinag reserve-an kong room.

Dumiretso agad si Amber sa pagbukas ng bintana. Gabi na kaya i don't think na makikita pa niya ang view ng dagat.

Itong spot na talaga na 'to ang kinuha ko para makita niya ang dagat, pero bukas pa niya makikita ang ganda ng view dito.

Umupo nalang muna ako ng kama at pinagmasdan siya. I-ni-enjoy niya lang ang preskong hangin.

“Nagustuhan mo ba dito?” Tanong ko.

“Yes my Love!” She faced me with a wide lovely smile. “Bago palang tayong mag asawa pero i-ni-spoil mo na 'ko.”

I chuckled. “Syempre, ang bago kong motto sa buhay ay i-spoil ang ang asawa ko.”

She laughed. “Sira ka talaga.”

Tinapik ko ang kama. “Tabihan mo 'ko dito.”

Nag lakad siya papalapit sa'kin pero imbes na umupo sa tabi ko sa kandungan ko siya umupo saka niya pinatong ang mga braso niya sa balikat ko.

“Napagod ako sa byahe natin kaya ayos lang bang buhatin mo 'ko papunta sa bathroom? Gusto ko nang mag shower.” Paglalambing niya na may kunting pangaakit.

I chuckled. “Ayos na ayos my Love! Kung okay lang sa'yo, sabay na tayong mag shower?”

She just nodded, biting her lower lip.

Hinalikan ko na muna siya sa labi niya at sinuklian din naman agad niya 'to.

“I love you.”

“I love you more.” She replied.

--

⇨END

Next AMBON story,

LASING KA LANG I UNDERSTAND!

Abang-abang lang po sweethearts, 'di ko alam kung kailan ko i-a-update ang next story pero siguradong dito ulit 'to. 😁

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon