AMBON presents2 - 30

3.7K 141 16
                                        

Pumasok ako ng trabaho kahit na ayaw ko.

Gusto daw kasing mapagisa muna ni Amber kaya wala na 'kong nagawa kundi sundin siya. If she wants space ibibigay ko 'yon sa kanya. Maybe kailangan niya din talaga 'yon ngayon.

Susunduin ko siya mamaya after work dahil mamaya nadin siya makakalabas ng hospital.

Narinig kong may kumatok sa office ko, nag bukas ang pinto at nakita ko si Sam kasama si Kelly.

Pumasok si Kelly kahit 'di ko pa siya pinapasok kaya medyo na alarma si Mario.

Tinignan ko nalang siya ng hayaan-mo-na look.

“May ipaglilikod ba 'ko sa'yo Mrs. Gonzales.” Pormal kong sabi na may halong sarcastic.

“How’s your mistress girlfriend?”

“Don’t call her mistress!” I snapped. Napabuntong hininga ako. “Itigil mo na 'to Trish, ikakasal na sa'kin si Amber.”

“You're still marrying that mistress?Hindi niya deserving ang tulad mo Damon. Kalimutan mo nalang siya at humanap ng iba! You're just wasting your time sa babaeng 'yon!”

“Ayoko! Tigilan mo na siya Kelly pakiusap lang, 'wag siya ang parusahan mo dahil sa gago mong asawa.”

“Kung hindi siya haliparot edi sana hindi nangyari 'yin sa kanya! Don’t worry, I’m done with her, done with Sam, done with everything. Napapagod na 'ko sa lahat. Lalayo ako at hahayaan kayong magkagulong tatlo.”

Good to hear that! Makakalma na 'ko sa sinabi niya.

Tumalikod na siya at naglakad
hanggang sa pinto pero bago siya tuluyang lumabas, humarap siya muli sa'kin at nag salita.

“Na kwento na sa'kin ni Sam ang lahat ng tungkol sa kanila ni Amber, knowing Sam and base sa kwinento niya, hindi niya isusuko 'yong babaeng 'yon! Baka dahil sa ugali ni Sam baka pati si Amber sumuko nalang at mapagod kaya mas pipiliin nalang din lumayo tulad ng gagawin ko.”

Lumabas na siya ng office at iniwanan ako ng isang makahulugang mga salita.

Sumuko, lumayo, at mapagod.

Lumayo na si Amber noon dahil napagod na siyang makitang nahihirapan si Sam sa paglaban sa relasyon nila.

Paano kung lumayo din siya sa'kin? Nasabi na ni Amber na pagod na siya, 'di kaya lumayo siya tulad ng sabi ni Kelly?

Hindi, hindi mangyayari 'yon! Mahal niya 'ko at gano'n din ako sa kanya walang ibang sagabal kundi 'yong
Sam na 'yon.

Nang matapos ang trabaho dali dali akong lumabas ng kotse ko at pinuntahan na si Amber sa hospital. Patuloy akong ginulo ng sinabi sa'kin kanina ni Kelly kaya halos hinfi rin ako naka focus sa trabaho ko.

Pag dating ko sa hospital wala si Amber sa kwarto niya na mas lalong nagpakaba sa'kin.

Tinanong ko 'yong nurse kung nasaan si Amber pero ang sabi naka labas na siya ng hospital kaninang umaga pa.

Fuck! Bakit hindi niya 'ko hinintay? Mas lalo lang tulog akong nag iisip nang hindi maganda. Na baka tama ang naisip ni Kelly.

Sumakay ulit ako ng kotse para hanapin siya. Pinuntahan ko siya sa Gallery niya pero si Majah lang ang naabutan ko do'n. Tinanong ko siya pero ang sabi lang nito hindi niya alam dahil ang alam daw nito ako ang magsusundo sa kanya. Hindi rin namand daw ito dumaan sa Gallery.

Sunod kong pumunta sa bahay niya, katok ako ng katok at puro doorbell pero wala manlang nag re-respond mula sa loob, ibig sabihin wala siya.

Napaupo nalang ako at napasandal sa pinto ng bahay niya. Nagaalala na 'ko sa kanya. Nagaalala na 'ko na baka napagod na siya sa mga nangyayari kaya umalis nalang siya.

Fuck no! Please, no! Wag naman sana.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ng madaming beses si Amber pero naka off yung cellphone niya.

Urgh!!

I decided na mag hintay nalang dito sa labas ng bahay ni Amber, i don't care kung matagalan akong mag hintay dito.

Lagpas na atang isang oras ang hinintay ko dito sa labas nang may humintong taxi sa tabi ng kotse ko.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko nang makitang si Amber ang bumaba mula sa dumating na taxi.

Hindi ko inalis ang titig sa kanya natatakot akong baka na i-imagine ko lang na nakikita ko siya.

Naglakad siya papalapit sa'kin. “Love? What are you doing here outside my house?” She asked.

Niyakap ko agad siya, pagkalapit na pagkalapit niya. Tumulo din agad ang mga luha ko dahil sa tuwang hindi siya lumayo, hindi niya ako iniwan.

Bumitaw siya sa pagkakayakap ko sa kanya nang marinig akong umiiyak. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niyang walang bandage.

“Why are you crying?” Pagaalala niya.

“Akala ko kasi iniwan mo na 'ko.”

“Ha? Bakit mo naman na isip na gagawin ko 'yon?”

“Nasabi mo na noon na kaya ka sumuko sa inyo ni Sam ay dahil napagod ka nang nakikita si Sam na ipaglaban ang sainyo noon. Natakot ako na baka napagod ka na din sa mga problemang nangyayari kaya lumayo ka na at iniwan ako.”

“No Love, hindi kita iiwan kahit anong mangyari.”

Kinalma ako ng sinabi niya.

Niyakap ko ulit siya, feeling ko isang taon ko siyang hindi nayakap.

“Sa'n ka ba nanggaling?” Tanong ko.

“Na de-depress kasi ako sa nangyari sa kamay ko kaya pumunta ako ng orphanage para makausap si Sister tungkol sa nararamdaman ko. Kapag nakakausap ko kasi siya nawawala ang mga iniisip ko. Pasensya na hindi ko nagawang sabihin sa'yo, na lowbat din kasi ang cellphone ko eh.”

“It's fine, basta 'wag ka nalang ulit biglang mawawala.”

“Hindi na.”

Bumitaw siya sa pagkakayakap ko sa kanya. “Gusto mo bang pumasok muna ng bahay?” Tanong niya.

Tumango lang ako nilang sagot.

“Kumain ka na ba?” Tanong ulit niya.

Umiling ako.

“Bakit hindi ka pa kumakain? Hindi kita mapagluluto ngayon dahil dito sa kamay ko.”

“It's fine, makita lang kita busog na 'ko.”

“You still need to eat!”

Binuksan na niya ang pinto 'tsaka siya pumasok habang ako naman ay sumunod lang sa kanya hanggang sa sala.

“Mag pa-deliver nalang tayo, what do you want to eat?” She asked.

“Ayaw mo ba 'kong magluto?”

“Marunong kang magluto?” Kunot noo niyang tanong.

“I know wala sa itsura ko pero, oo marunong ako.”

She chuckled, weakly. “Okay, patikimin mo 'ko ng luto mo.”

“But before that...” Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya 'tsaka ko kinuha ang singsing na plano ko sanang ibigay sa kanya bago nangyari ang insendente with Kelly. I showed her the ring. “Wear this ring as the sign of my love for you.”

Ngumiti siya habang teary-eyed 'tsaka tumango.

Isinuot ko na sa ring finger niya 'yong singsing. Nang ma-i-suot ko 'to, hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at hinalikan siya sa labi niya.

“I love you my love.” I said.

“I love you more, my love.”

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon