AMBON presents2 - 11

3.9K 173 10
                                    

Sakit ng ulo agad ang naramdaman ko sa paggising ko palang mula sa pagkakatulog. Madami akong na inum kagabi galing sa bachelor's party ng kaibigan kong si Lucas kaya ito ang sakit tuloy ng ulo ko.

Urgh! Kailangan ko pang pumasok sa trabaho at makita ang mga hindi masyadong nakakatuwang mga boss ko.

May meeting pa naman ako with President and Vice president. Hangga't maaari pa naman ayaw ko silang makita kahit na nasa iisang company lang kami. After nang mga nangyari noong Anniversary party ni Sam at Kelly at pagpapalayo ni Amber sa'kin, dumistansya na 'ko sakanilang lahat since masyado akong nahirapan at nasaktan do'n at 'yon din naman ang gusto ni Amber.

It's weeks since i last saw her, wala akong balita na kahit na ano tungkol sa kanya. Siguro kaya hindi na rin ako ginugulo ni Sam sa office ko para sabihan lang na layuan ko si Amber dahil matagal na 'kong lumayo tulad nang gusto nilang dalawa.

Lagi ko pa rin naman siyang naiisip at nag aalala pa din about sa kanya. Minsan napapaisip ako kung nagkaayos na ba sila ni Sam after no'ng Anniversary.

Kung naayos pa din naman nila, I just hope na hindi ko ulit makita si Amber na nasasaktan tulad nung huli dahil baka hindi ko na talaga mapigilan sarili ko at kung ano pang magawa ko kay Sam.

Para mawala kunti ang hangover ko, i decided na mag shower na baka sakaling makatulong.

After kong mag prepared sa pagpasok, lumabas na 'ko ng kwarto ko.

Pagdating ko sa sala sinalubong ako ni Mama.

“Anak hindi ka muna ba kakain?” She asked.

Umiling ako. “Hindi na po, baka ma-late ako. May meeting pa kasi ako eh.”

“Kahit mag coffee ka nalang muna.”

“Magpapabile na lang ako mamaya.” Hinalikan ko na lang siya sa forehead niya bilang pagpapaalam at para hindi na rin ipilit mag kape ako.

Lumabas na 'ko ng bahay at sumakay agad sa kotse ko.

Sinimulan ko ang byahe na sobrang sakit ng ulo ko dahil sa bwiset na hangover na 'to.

Habang nasa gitna ako ng byahe ko may nakita ako coffee shop kaga inihinto ko muna 'to para bumile ng coffee.

Pinark ko muna ang kotse ko at pinatay ang makina 'tsaka ako bumaba.

Pumasok ako ng coffee shop, nakakadalawang hakbang pa lang ako papasok nang may makasalubong ko ang babaeng matagal ko ding hindi nakita na palabas ng shop.

It's Amber.

Pareho kaming dalawa na nagulat na makita ulit ang isa't-isa by accident. Nakatitig lang kami sa mata ng bawat isa dahil sa gulat, ni ayaw kong kumurap dahil baka namamalikmata lang ako. Ayaw kong mamalikmata lang dahil gusto ko 'tong nakikita ko ngayon. It's like I'm seeing my future.

“H-Hey.” She greeted.

“Hey.”

“It's uh... been awhile.” She smiles weakly. I can tell na gulat pa din siya.

“You're right. H-how, how uh...” I cleared my throat. “How are you?” I'm so nervous right now, i don't know why.

“I'm good! How's your Mom?”

“Ayon, idol ka pa din.”

She chuckled. “I see.”

“Okay na ba kayo ni Sam?” Hindi ko alam kung tama bang itanong ko 'to, e dapat wala na 'kong pakialam do'n.

“Tapos na kami ni Sam. Kung ano man ang mga nangyari sa'min noon, tapos na 'yon ngayon.”

Kung gano'n hindi sila nagkaayos?

Oh YES!!!

“Anyways uh... Mauna na 'ko sa'yo.” She showed me 'yong coffee na binili niya. “Bumili lang ako ng coffee sandali babalik na 'ko ng Gallery ko.”

“Okay. I'm happy to see you again.”

She smiles. “Me too.”

Nag simula na siyang mag lakad palabas ng Coffee shop, sinundan ko lang siya ng tingin. Meron sa loob ko na nagsasabi na sundan siya dahil chance ko na 'to. Wala na talaga sila ni Sam kaya chance ko na. Sabi nga nila grab the opportunity pero pinipigilan ako nung sinabi niya sa'kin noon na tigilan ko na siya dahil hindi daw siya bagay sa'kin.

Tss! Ako lang makapagsasabi kung sino ang hindi bagay sa'kin at para sa'kin... bagay siya para sa'kin.

Sinundan ko siya palabas, na abutan ko na siyang pasakay sa kotse niya.

“Amber, wait!” I stopped her. Tumingin lang siya sa direksyon ko bilang tugon. “Uhm uh...” Ano ba ang sasabihin sa kanya?

Isip Damon!

“Uh... P-wede ba kitang bisitahin sa Gallery mo? After work?” I asked.

Please pumayag ka!

“Uh... Yeah, sure!”

Dahan-dahan akong napangiti ng malaki dahil sa sagot niya gusto kong tumalon sa tuwa at sumigaw pero nakakahiya.

“Okay, I'll see you later.”

“Okay.” She smiles.

Sumakay na siya ng tuluyan sa kotse niya 'tsaka niya sinimulan ang byahe paalis.

Pagka-alis na pagka-alis niya napasuntok ako sa ere. Hindi ko na napigilan ang saya ko.

Feeling ko nawala ang hangover ko dahil sa nararamdaman ko ngayon pero kailangan ko pa din ng coffee.

Bumile pa din ako ng coffee tulad ng plano.

After kong makabile, sumakay na ulit ako sa kotse ko na may ngiti sa labi ko. Hindi ko mapigilan na kumawala ang ngiti ko dahil talaga namang sobrang saya ko.

Akala ko hindi magiging maganda ang araw na 'to dahil sa meeting pero kasisimula palang ng araw ko gumanda agad ito dahil kay Amber.

Mukhang nahanap ko na talaga ang magpapasaya ng buhay ko.

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon