AMBON Presents2 - 27

3.7K 165 15
                                    

“Bumitiw ka nga ano ba!” Pagaangal ni Amber sa pagkakayakap sa kanya ni Sam. Sinisubukan niyang magpumiglas pero nag mamatigas si Sam.

Nag init agad ang ulo ko sa nakikita ko.

Nagmadali akong lumapit sa kanila, hinila ko palayo si Sam kay Amber 'tsaka ko siya sinuntok ng sobrang lakas na ikinatumba niya.

Binuhos ko ang lahat ng lakas ko sa suntok na 'yon.

“GET YOUR FUCKING HANDS OFF ON MY GIRLFRIEND!” I yelled angrily at him.

“SHE'S MINE!” Sam yelled back.

“She's not longer yours anymore Samie boy!”

Tumayo agad si Sam mula sa pagkakasuntok ko sa kanya. Lumapit siya sa'kin at plinano akong suntukin pero naiwasan ko 'to.

Plano ko sana ulit siyang suntukin pero hinawakan ako ni Amber sa braso ko at hinila ako nito palayo.

“Tama na!” Pagaawat niya sa'min 'tsaka siya pumagitna sa'ming dalawa.

“What the fuck is happening here?!” Kelly asked kaya ang atensyon naming lahat ay napunta sa kanya.

Lahat kami walang masagot sa kanya.

“Tinatanong ko kayo kung anong nangyayari?!” Kelly shouted, frustratingly.

Still wala pa ding sumasagot sa'min.

“Honey, what's is going on?!” She asked her husband. Muling nag babadya ang mga luha niya sa mga mata.

Binaling ko ang tingin ko kay Amber. Nakatungo lang ang ulo niya at hindi makatingin ng diretso kay Kelly.

I hold her hand. “Bumalik na tayo sa kwarto natin.” I told her.

“NO! No one is leaving!” Kelly snapped, angrily. “Answer my fucking question first!”

Wala pa ring nag lakas ng loob na sagutin siya.

“Fine! Ako nalang ang mag e-elaborate ng sitwasyon. My husband claiming Amber as his girl. The big question is why? Oh! Maybe dahil may relasyon sila!”

“Dating may relasyon!” Paglilinaw ko sa kanya.

“Okay! Dating may relasyon. Kailan nag simula ang relasyon nilang dalawa? Bago kami ikasal o kasal na kaming dalawa?”

“Let's go back to our room.” Sam told her without answering her question. He holds her on her arm.

Hinila lang agad ni Kelly ang braso niya. “Siya ba?! Siya ba ang dahilan kung bakit lagi kang malamig sa'kin?! Siya ba ang dahilan kung bakit gusto mo ng Annulment?”

Tumingin sa direksyon namin si Sam at tumingin ng direkta sa mga mata ni Amber. “Oo!”

“Kailan n'yo pa 'ko nilolokong lahat? Kailan?! Naging kabit mo ba ang Amber na 'yan?!” She pointed Amber as she mentioned her name.

“Answer me Samuel!” She yelled at him.

Sam just keep his mouth shut.

Sinampal siya ng sinampal ni Kelly sa mukha gano'n din sa dibdib nito habang ang mga luha ni Kelly ay tuluyan nang tumulo at kasabay ng masasakit na salitang binabato niya sa asawa niya.

Hinawakan ni Sam ang dalawang kamay nito para pigilan ang pagsamapal sa kanya at hinila na niya palayo si Kelly.

Hinila ko nalang din si Amber pabalik ng kwarto namin.

Pagpasok ng kwarto, dumiretso sa pagupo si Amber sa kama habang may malungkot na mukha. Nababasa ko sa mukha niya na parang sinisisi niya ang sarili niya sa mga nangyari kanina.

Huminga ako ng malalim. “Ang mabuti pa, mag asikaso na tayo sa paguwi.” I told her. Hindi magandang nandito pa kami lalo na't may hindi magandang nangyari kanina.

Tumango lang siya bilang tugon.

Hinayaan ko na siyang mauna sa pag shower. Niligpit ko nalang muna ang gamit namin habang hinihintay siyang matapos.

After naman niya ako na ang sumunod na nag shower, binilisan ko lang ang pagkilos para makaalis na kami.

Nang matapos kaming mag asikaso, umalis na kami ng kwarto namin. May kinausap akong isang staff ng resort na sabihan nalang si Kelly na nauna na kaming umuwi sa kanila.

Dumiretso kaming dalawa sa kotse at sinimulan namin ang byahe.

Sa gitna ng byahe namin, nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang may blangkong reaksyon sa mukha.

Sa totoo lang natatakot ako ngayon sa pananahimik niya. Hindi ko kasi alam kung anong pumapasok ngayon sa isip niya. Natatakot ako dahil ngayong alam na niya na gusto nang mag file ni Sam ng Annulment baka biglang pumasok sa isip niya na balikan ito. Natatakot ako na baka mabawi nga siya sa'kin ni Sam.

Alam ko namang mahal niya ako pero, paano kung mahal pa din niya si Sam? At paano kung mas mahal niya si Sam?

This silence is killing me.

Diniretso ko ang byahe naming dalawa papunta sa Apartment niya.

Pumasok kami sa bahay niya habang bitbit ko ang gamit naming dalawa hanggang sa makarating kami sa sala.

“Ano nang mangyayari ngayon?” Tanong ko sa kanya pagkalapag ko ng hamit namin sa sahig.

“What do you mean?”

“Well, obviously maghihiwalay na silang dalawa dahil humihingi na ng Annulment si Sam.”

“I don't understand.”

“Babalik ka na ba sa kanya?”

“Why are you thinking that?”

“I don't know, maybe dahil alam ko at nakita ko kung gaano mo kamahal si Sam?”

“My love, i do still care for Sam hindi ko tinatanggi 'yon dahil may pinagsamahan kami. Pero hindi enough 'yon para basta ko nalang itapon ang sa'tin. Mahal kita Damon, mahal na mahal kita. Hindi na 'ko babalik sa kanya kahit pa maghiwalay sila dahil mahal kita.”

Napahinga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. Isang malaking relief ang sinabi niya sa'kin.

Nag lakad ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “Sorry, hindi ko dapat inisip 'yon. Natakot lang ako.” I apologized.

“Mahal kita, Damon.” She whispered.

“Mahal din kita my love.”

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya 'tsaka ko siya hinalikan sa labi niya. Nag respond naman agad siya 'tsaka niya iniyakap sa leeg ko ang mga kamay niya.

Binuhat ko siya na parang newlywed lang nang hindi bumibitaw sa halik naming dalawa.

Nag lakad ako papasok sa kwarto niya, bumitaw lang kami sa halik namin nang i-higa ko siya sa kama. Pumusisyon naman agad ako sa ibabaw niya at muli siyang hinalikan sa labi niya nang mabilis lang.

“I want to make love to you.” I told her.

Tumango lang siya bilang pagpayag habang may ngiti sa labi nito.

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon