AMBON presents2 - 6

3.9K 181 8
                                    

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko na ang unang pumasok agad sa isip ko ay si Ms. Tuazon.

Dali-dali akong bumangon ng kama at pinuntahan siya sa kwarto niya dahil katabi lang naman 'yon ng kwarto ko.

Kumatok muna ako pero wala naman akong narinig na respond mula sa kanya. Binuksan ko ang pinto at sinilip siya sa kama niya, nakita kong ang sarap pa din ng tulog niya.

Pumasok ako ng kwarto, kinuha ko 'yong upuan sa side table tsaka ako umupo dito at pinagmasdan ang pagtulog niya.

Hindi mawala 'yong mga sinabi niya sa'kin kagabi. Hindi ko siya pwedeng husgahan dahil hindi ko naman alam ang buong nangyari sa kanila. Ano nga ba ang nangyari sa kanila? Bakit siya pumayag na maging mistress ni Sam?

Ano nga ba ang dahilan mo Amber Tuazon?

Sana sabihin mo sa'kin. Gusto kitang ma-intindihan, gusto kong itindihin ka, sana ipaintindi mo sa'kin. Dahil ayaw din naman kitang husgahan.

Dahil mukhang hindi pa rin naman siya magigising, lumabas na ulit ako ng kwarto.

Bumaba ako ng hagdan ay may nakasalubong akong maid. Inutusan ko siya bilhan ng masusuot si Ms. Tuazon para makapagpalit siya ng susuotin niya pag gising niya.

Naghanda naman si Mama ng agahan para saming tatlo, ako naman nag shower na muna.

Nang matapos naman ako, nag bihis lang agad ako tsaka ako ulit lumabas ng kwarto sakto din naman ang pag bukas ng pinto sa guest room.

"You’re up!"

"Mr. Lawrence? A-anong ginagawa ko dito?"

"Damon nalang itawag mo sa'kin." Masyadong pormal ang Mr. Lawrence. "You’re drunk last night, dinala kita dito dahil 'di ko naman alam kung saan ka nakatira."

"Oh Gosh, nakakahiya naman sa Mama mo." She put her hand on her forehead.

"Don’t worry ang alam ni Mama nalasing ka dahil niyaya kitang uminum at mahina kang uminum."

"You think naniwala siya?"

I shrugged. "Yeah!"

She just sighed.

"Don’t worry I'm sure fan mo pa din siya."

Sabay na kaming bumaba ng papuntang dining room kung saan nado'n si Mama.

"Good morning hija." Laking ngiting bati ni Mama kay Ms. Tuazon tsaka siya bumeso dito.

"Good morning din po, pasenya na kung nakita nyo 'kong lasing na lasing." She apologized.

"Okay lang, ang anak ko naman ang may kasalanan e."

"Tama po kayo."

Teka! bakit siya sumangayon? Kunyari lang naman na niyaya ko siya a?!

"After nating kumain, pwede ka ng magbihis nag pabili si Damon ng damit para sa'yo."

Napatingin siya sa'kin na parang hindi makapaniwala sa narinig.

"Alam mo na surprise ako dahil alam niya ang size mo." Mama added. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni
Mama at nakaramdam ako ng hiya at ilang.

"Ako nga din po e." She agreed.

Tinignan nila kong dalawa ng makahulugan.

I chuckled, sarcastically. "Wag nyo kong tignan na parang ang manyak ko."

Mom laughed. "Oh... son you’re funny."

Nag simula na kaming kumain, nag ku-kuwnetuhan lang na naman si Mama at Ms. Tuazon at ako nakikinig lang na naman sa kanila.

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon