Paano siyang nakarating dito ng ganyan kalasing? Sa sobrang kalasingan niya ni halos hindi na nga siya makatayo ng maayos eh.
Then nakita ko ang isang taxi na nakaparada sa kalsada, 'yan siguro ang sinakyan niya papunta dito.
Pinilit niyang maglakad papalapit sa'min kahit na hirap na hirap siya dahil sa pag gewang niya.
Humarang naman agad ako sa daan niya para hindi siya makalapit kay Amber.
“Umalis ka dyan!” Pagtataboy niya.
Hindi ako nakinig at wala din akong planong sundin ang kahit na anong sasabihin niya dahil baka kung ano na namang gawin niya na makasakit na naman kay Amber.
“Umalis ka na Sam, lasing ka na.” Pagtataboy ko din sa kanya.
Plinano niya 'kong suntukin pero nakaiwas ako kaya na out of balance siya na ikinatumba niya.
“Umuwi ka na Sam utang na loob ayaw ko ng gulo.” Amber told him.
Pinilit tumayo ni Sam pero hindi niya nagawa. “Babe, i miss you. I badly miss you! I’m sorry for everything babe, please come back to me.”
Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Bigla akong nakaramdam ng takot na baka pumayag si Amber. Parang hindi ko kakayanin kung may isasagot siya kay Sam sa mga sinabi nito.
Hindi pinansin ni Amber ang sinabi ni Sam sa kanya sa halip binuksan niya ang pinto ng bahay niya at pumasok.
Nakahinga ako ng maluwag sa pag pasok niya ng bahay.
“Amber!” He shouted 'tsaka muling sinubukang tumayo and this time nagawa na niya 'to.
“Umuwi ka na, hinihintay ka na ng asawa mo!”
Kwinelyuhan niya 'ko. “Hayop ka mangaagaw ka! Inagaw mo sa'kin si Amber.” He’s glaring deathly at me.
“You don’t deserve her.”
Bigla niya akong sinuntok sa mukha at tinamaan ang panga ko. Aambahan ko din sana siya ng suntok kaya lang 'di ko na lang tinuloy dahil wala naman akong mapapala kung makipag away ako sa lasing na 'to.
“Umuwi ka na, habang pinipigilan ko pang patulan ka!” Pagtataboy ko ulit.
He smirks, arrogantly. “Di ko hahayaang maagaw mo sa'kin ang babaeng mahal ko.”
“Hindi ko naman hahayaang bumalik pa sa'yo ang babaeng mahal ko.”
“Para sa'kin lang si Amber!”
I smirked. “Kung hindi man siya para sa'kin sisigurauhin kong hindi siya mapapasayo dahil masasaktan lang siya kapag napunta pa siya sa'yo!”
Sinubukan niya ulit akong suntukin pero nakaiwas ulit ako.
“Huli na 'to, umalis ka na!” May halong pagbabanta na sa boses ko.
“Hindi ko siya isusuko lalong lalo na sa'yo!” He said.
“Likewise dude!”
Sinimulan na niya ang maglakad papunta sa taxi na ginamit niya papunta dito. Sumakay siya dito at sinimulan naman agad nung manong driver na mag maneho.
Haay! Mabuti naman.
Sumakay na din ako ng kotse pero hindi ko padin ito pinapaadar, baka
kasi bumalik si Sam at guluhin pa si Amber.Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nag hintay dito sa kabas ng bahay niya. Nang plano ko na sanang umalis naka received ako ng text mula kay Amber...
** Bakit di ka pa umuuwi? **
Alam niya palang hindi pa 'ko umuuwi.
**Pwede ba ko pumasok?** I replied.
Nakatingin lang ako sa pintuan ng bahay niya habang hinihintay ang reply niya. Bumukas ang pinto at nakita ko siyang naka tingin sa direksyon ko.
Lumabas ako ng kotse at lumapit sa kanya. “Hi!” I greeted.
“Come in.”
Pumasok na kami ng bahay niya at dumiretso siya ng kusina habang ako naman ay umupo na lang muna sa couch niya. Ipang sandali lang bumalik siya na may bitbit na ice.
“May pasa ka.”
“Nasuntok niya ko eh.” Lumapit siya sa'kin at inilagay 'yong yelo sa parteng may pasa.
Ako na lang ang humawak nun para makaupo na din siya ng maayos sa tabi ko.
Tahimik lang akong nakaupo sa couch dahil hindi ko alam kung anong sasabihin.
“Bakit ka tahimik?” Tanong niya.
I smiled, weakly. “Ang totoo medyo natakot ako sa pagdating dito ni Sam. Lalo na nung sinabi niyang gusto ka niyang bumalik, nakaramdam ako ng takot kasi baka mawala ka sa'kin.”
“Hindi mangyayari 'yon Damon, 'yong sa'min ni Sam, matagal ng tapos. Wala na 'kong planong balikan pa siya.”
Masaya ako kung gano'n nga.
“Alam mo may sinabi sa'kin si Maj.” Seryoso 'yong mukha niya. “Ang sabi niya ma-swerte daw ako sa'yo, dahil kahit alam mong naging mistress ako... Minahal mo pa din ako.”
Tumingin siya sa mga mata ko. “Thank you for unconditional love, Damon. I... like you. Sa ngayon 'yon palang ang kaya ko. Pasenya na.”
Nilapag ko 'yong yelo at hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge. "Okay na sakin 'yon. Masaya nga 'kong gusto mo na rin ako eh. Mahal kita Amber, araw-araw kong ipaparamdam sa'yo 'yon hanggang sa maging ready ka na. Just let me know if ready ka na kasi I'm always ready for you.”
She half a smile. “Tatandaan ko 'yan.”
To be continued...
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...