AMBON Presents1 - 30

6.6K 285 28
                                    

I'm at my bed. Sinusubukang makatulog pero 'yong saya ko sa pagtanggap ni Damon sa baby ko ay hindi mawala kaya medyo nahihirapan akong matulog.

Narinig ko ang pagkatok ni Damon sa labas ng kwarto ko. Tumingin lang ako sa direksyon no'n. Nag bukas ito at pumasok siya na may hawak na unan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Di ba sabi mo pwede na 'kong matulog dito?"

"Kailan ko sinabi 'yon?"

"Sa pinagta-trababahuhan ko! Ang sabi mo kung issue ko lang naman ang tungkol sa higaan pwede na tayong magtabi."

"Aba! Matandain ka a."

Hindi na lang siya nag salita sa sinabi ko basta naglakad lang siya papalapit ng kama tsaka siya humiga sa kama.

"Sure kang gusto mong tumabi sa'kin?" Tanong ko.

"H-Hindi ko gustong tumabi sa'yo! Gusto ko lang makatulog ng maayos!"

Kunyari pa.

"Okay." Iniyakapa ko sa kanya ang braso ko at tumanday pa.

"H-Hey, anong ginagawa mo?" Nauutal niyang tanong.

"Matutulog na."

"Alisin mo nga 'yan braso mo!"

"Ayaw! Buntis ako kaya dapat hinayaan mo lang ako sa gusto ko."

"Tss."

Kinagat ko 'yong labi ko para pigilang kumawala ang tawa ko dahil nagawa kong magamit sa kanya ang pag bubuntis ko para lang mayakap siya at 'di ko akalaing mauuto ko siya.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para matulog na.

Nagising ako mula sa pagkakatulog. Sa pagmulat ng mata ko, nakita kong yakap-yakap ko pa din si Damon.

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya tsaka ako umupo. Sa pagupo ko nakaramdam naman agad ako ng hilo at pagsusuka na naman. Dali-dali akong tumakbo sa bathroom at do'n ako sumuka kahit wala namang lumalabas na kahit na ano sa'kin.

Urgh! This morning sickness sucks!

Unfair! Bakit babae lang nakakaramdam nito?

"Ayos ka lang?" Dinig kong pagaalala ni Damon.

"Oo, nasusuka lang at nahihilo."

"Gusto mo dalhin kita sa hospital?"

"'Wag na, normal lang 'to sa buntis." Sinenyasan ko siyang lumabas na. "Labas na. Ayaw kong makita mo kong sumusuka." Pagtataboy ko.

"'Wag mo na 'kong pansinin dito, sumuka ka lang dyan!" Sino bang baliw ang hahayaang may n-anunuod sa pagsuka niya?

"Ayaw ko! Labas na!"

Wala na siyang nagawa kaya naglakad na siya palabas ng bathroom. Finally!

--

Oras na ng pagpasok sa school. Papunta na 'ko do'n gamit ang kotse ko. Mas na una si Damon umalis sa'ming dalawa at may nakaka panibagong nangyari kanina bago siya umalis. Nag paalam siya sa'kin. Bago 'yon. Never niyang ginagawa 'yon. Feeling ko kahit wala siyang naalala nararamdaman na ng puso niya kung gaano niya ako kamahal. Sana nga. Sana din mabawasan na ang pagiging pakipot niya- i mean mataray pala. Diniag pa niya ako sa katarayan e.

Pagdating ko ng school. Pagpark ko ng kotse bumaba naman agad ako tsaka ako mag lakad ng campus.

'Di pa man din ako nangangalahati sa paglalakad ko may naramdaman akong sumabay sa'kin sa paglalakad. Tinignan ko kung sino 'yon at ang nakita ko ay si... Ian. 'Yong bumanga sa'kin sa canteen at humingi ng number ko.

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon