Katok mula sa labas ng office ko ang bumasag sa focus ko sa trabaho ko. Tumingin lang ako sa direksyon ng pinto, nag bukas ito at si Mario ang nakita ko.
“Sir, may iuutos pa po ba kayo? Kung wala mag lu-lunch break lang po muna ako.” Paalam niya.
Bigla akong napatingin sa wrist watch ko at oras na nga para sa lunch break. Dahil sa ka-busy-han ko sa trabaho hindi ko na namalayan ang oras.
“Sige, mag lunch break ka na.” Pagpayag ko sa kanya. Nag bow na muna ito bago muli akong iniwan na dito sa office ko.
Dahil alam ko nang lunch break feeling ko tuloy bigla akong ginutom. Siguro dapat mag lunch na rin ako.
Inayos ko lang muna ang table ko 'tsaka ako lumabas ng office ko. Nasa tapat na 'ko nang elevator nang maisipan kong tawagan si Amber habang hinihintay na mag bukas ito. Gusto kong malaman kung iniisip ba niya 'ko-- i mean kung kumain na siya.
Ilang sandali lang din naman sinagot na niya 'to.
“Hello?”
“Hi beautiful, kumain ka na?”
I heard her chuckled. “Kakain palang ako. Ikaw?”
“Same as you, kakain palang.”
“Mukhang sinubsob mo na naman ang sarili mo ah.”
“Wow! Concern ka ba?”
“Masama bang maging concern sa manliligaw ko?”
“Hindi, nakakakilig nga eh.”
I heard her laughed. “Sira ka talaga.”
“Dinner ulit tayo mamaya?” Tanong ko.
“Sa bahay ko ba ulit?”
“Oo sana, para ma-solo ulit kita at matikman ko luto mo.”
“Okay, sige.”
Nag bukas na ang elevator kaya nahati nito ang atensyon ko. Mas lalo pa 'tong nahati nang makita ko si Kelly.
“Damon,”
“Kelly,” Pareho naming binanggit ang pangalan ng isa't-isa na bilang pagbati.
“Hey! How are you?” She asked with a weak smile.
“I'm good, you?”
“I'm fine.”
“I'll call you later.” I told Amber.
“Okay.” I heard her answered then she ended the call.
Pumasok na 'ko ng elevator.
“Where's your husband?” Tanong ko sa kanya.
“He's busy as always.” She rolled her eyes. “Pumunta ako dito kasi nag usap kaming sabay na kakain ng lunch tapos papaalisin niya lang ako kasi busy pa daw siya.”
Sa itsura niya mukhang nag away sila.
Sana lang matauhan na siya at iwan na lang ang asawa niya. Hindi niya deserve na masaktan sa walang kwentang lalake.
“Anyways, mag lu-lunch ka palang ba?” Tanong niya.
“Gano'n na nga.”
“Ayos lang bang sabay na tayo? Gusto ko kasi nang kasabay kumain.”
“Uhm... Uh... Sige ayos lang. Sa'n mo ba gustong kumain?”
“May malapit na restaurant dito, do'n na lang tayo.”
“Okay.” Pagsangayon ko.
Nag bukas na ulit ang elevator. Nag lakad na kami papunta sa parking. Pumunta kami sa kanya kanya naming kotse at sumakay para pumunta do'n sa restaurant na sinabi niya.
Halos sabay lang kaming dalawa na nakarating sa restaurant at nakapag park.
Pumasok din naman agad kami sa restaurant at humanap ng mauupuan. May lumapit sa'ming waiter at kinuha ang order namin. Nang ma-ibigay namin 'to umalis din naman agad ang waiter.
While waiting for our order, busy lang si Kelly sa cellphone niya na tila may ti-ni-text.
Pumasok naman bigla sa isip ko si Amber kaya naisip kong i-text na lang din muna siya.
** Hi my beautiful love, kasabay ko palang kakain si Kelly. Niyaya niya 'ko dahil hindi siya nasabayan ni Sam. I'll see you later. **
“Girlfriend mo ba 'yang katext mo?” She asked.
“Gano'n na nga.” I wish girlfriend ko na nga siya, but i don't want to rush it either. Masaya na 'kong pumayag siyang ligawan ko siya sa ngayon 'yon lang muna hanggang sa maging handa siyang tanggapin ako ng buo sa buhay niya.
“Kumusta naman kayong dalawa?”
“Parang nagliligawan parin.” Totoo naman.
“Mabuti pa kayo,” biglang lumungkot ang mukha niya. “Si Sam kasi, lagi niyang sinusubsob ang sarili sa trabaho. Lagi din mainit ang ulo niya sa'kin sa hindi ko alam na dahilan.”
“Baka masyado lang na i-stress sa work.”
“Bakit pati stress niya sa work dinadala niya sa bahay namin? Pati ako pinagbabalingan niya ng init ng ulo.”
I don't know what to say to her. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong pumapasok sa isip ni Sam kung bakit gano'n siya sa asawa niya. I just hope hindi tungkol sa tuluyang break up nila ni Amber.
She sighed, heavily. “Ano kayang mangyayari kung tayo ang nagkatuluyan?”
Kung nangyayari nga 'yon siguro magkasama ngayon si Amber at Sam. Ayoko nang idea na 'yon.
“Paano naman mangyayari 'yon? Eh highschool palang tayo binasted mo na 'ko.”
She chuckled. “Ikaw naman kasi eh, pasaway ka noon!”
I shrugged. “Ang komplikado kasi ng pamilya ko noon.”
“Kung sabagay. Ano kaya kung mag double date tayo?”
“Ha?”
“Mag double date tayo. Kayo ng girlfriend mo at kami ng asawa ko. Masyadong nang na i-i-stress ang asawa ko sa trabaho ko tingin ko date lang ang makakapag paalis nun.”
Hindi magandang idea 'yon.
“Dapat kayong dalawa lang ang mag date, baka hindi lang maalis ang stress niya kung makakakita siya ng katrabaho niya.”
Baka mas lalo lang ding uminit ang ulo niya sa kanya kung makikita niya kami ni Amber na magkasama.
“Tingin mo?”
“Yeah! Just one intimate dinner date maybe will help him to lessen his stress.”
“Gano'n na nga lang siguro gagawin ko.”
Haay! Salamat naman! Akala ko ipipilit pa niya eh.
“Salamat sa advice.”
I smiled, weakly. “Welcome.”
To be continued...
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...