It's my Amber's Birthday but still pauwi palang ako galing sa trabaho buti na lang may nabili na 'kong regalo for her kaya di-diretso na lang ako sa bahay niya.
Do'n kasi ang plano niyang i-celebrate ang birthday niya. Si Mama ay nando'n na, maaga siyang pumunta para mas maaga niyang makasama ang idol niya.
Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng office ko habang inaayos ko ang table ko. Nag bukas ang pinto at si Mario nag nakita ko.
“Sir, uuwi na rin po ba kayo?”
“Oo, bakit?”
“Uh... Pwede ba 'kong makisabay sa'yo papunta sa birthday ni Amber? Hindi ko kasi alam ang bahay niya eh. Inimbitahan kasi ako ni Majah na samahan siya.”
“Inimbitahan ka nung assistant niya?”
“Gano'n na nga, sir.”
“I didn't know na magkakilala kayo.”
“Nagkakilala kami no'ng iniwan n'yo kami sa Club para ihatid si Amber dahil sa kalasingan niya.”
Wait! I remember that night. Umiinum ako nun dahil hindi siya mawala sa isip ko.
“So, simula nun nagkikita na kayo ng madalas?”
He nodded. “Yes, sir.”
I chuckled. “Alam ba 'to ni Amber?”
“Nabanggit na daw ni Majah sa kanya.”
Hindi niya sinabi sa'kin? “Kung gano'n, ako lang ang walang alam na nag di-date pala kayo ng assistant ng nililigawan ko?”
“Pasensya na, sir.” Kung sabagay hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit ililihim niya 'yon. Hindi rin naman kasi masyadong nakakapag usap na nang tungkol sa private life niya lalo na ang love life. Pero kahit gano'n ba't 'di manlang nabanggit ni Amber 'yon? Gagantihan ko nga siya ng halik mamaya.
“Sige, sumabay ka na sa'kin. Papunta na rin naman na 'ko do'n eh. Pero bago 'yon bibili muna ako ng bulaklak.”
“Yes, sir.”
Sabay na kaming dalawa na lumabas ng office ko at dumiretso sa parking. Pareho kaming may dalang kotse kaya sa kanya-kanyang sasakyan kami pumunta. Pagkasakay ko sa kotse, pinagana ko agad ang makina nito sinimulang magmaneho. Hinayaan ko lang si Mario na sundan ako.
Tulad ng plano bumili muna ako ng isang bouquet ng bulaklak bago kami dumiretso sa bahay ni Amber.
Nang makarating kami, pinark lang muna namin ang kotse namin.
Bumaba ako ng kotse ko bitbit ang bulaklak para sa kanya at gano'n na rin ang regalo ko para sa kanya.
Nasa likod ko lang si Mario sa paglapit sa pinto. Kumatok ako na may malaking ngiti, gusto ko kasing ngiti ko agad ang makita niya. Ilang sandali lang din naman pinagbuksan niya kami ng pinto. Unti-unting nawala ang ngiti ko at napalitan nang pagaalala nang mapansin kong namumugto ang mga mata niya na tila kagagaling sa pagiyak. Pero kahit na umiyak siya ang aliwalas pa din ng mukha niya at ngiti niya.
“Are you okay?” I asked.
She nodded, smiling. “Yup! I'm okay. Super ok.”
“Eh bakit parang umiyak ka?”
“I'll explain to you later.”
“Okay.” Inabot ko sa kanya ang regalo ko at 'yong bulaklak. “Happy birthday my love.” Ngumiti ulit ako.
“Thank you.” Tumingin siya sa direksyon ni Mario. “Mario, pasok ka. Kanina ka pa hinihintay ni Maj.”
“Salamat. Happy birthday.”
“Salamat.”
Na una nang pumasok si Mario sa'min.
“Bakit 'di mo sinabing nag di-date pala 'yong dalawa 'yon?” Tanong ko kay Amber sa pagpasok ko din ng bahay niya.
“I thought alam mo na.”
I shake my head. “No, ngayon ko lang nalaman.”
She chuckled. “I didn't know, sorry.”
“Damon,” I heard Mom called. Tumingin ako sa direksyon niya nakaupo lang siya sa couch. Tumayo siya nang makita ako at lumapit sa'kin. Bumeso naman agad ako sa kanya.
“Buti dumating ka na.”
“Pasensya na po, may tinapos pa 'kong trabaho eh.”
“Since nandito na po si Damon, ang mabuti pa kumain na tayo.”
Mom clapped her hands. “Sa wakas matitikman ko na luto mo, hija.”
Amber giggled, shyly. “Nakakahiya baka po hindi pumasa sa inyo 'yong luto ko.”
Sus! Pa-humble. Eh ang sarap kaya ng luto niya.
“Mag hintay na lang muna po kayo sa dining dadalhin ko lang sa kwarto 'tong bulaklak at regalo ni Damon.” Amber said.
“Sasamahan na kita.” Sabi ko naman.
“Bakit pa?”
“'Di ba maguusap tayo?”
“Okay.”
Nag laka na kami papunta sa kwarto niya. Pagpasok namin nakita ko agad sa kama niya ang isang bulaklak at isang painting na tingin ko ay regalo din sa kanya.
Nilapag din niya 'yong bulaklak sa kama. Kinuha niya 'yong isang bulaklak at painting 'tsaka 'to nilapag sa side table niya 'yong bulaklak habang 'yong painting pinatayo niya lang sa gilid nito.
“Sino nag bigay niyan?” Tanong ko.
“Si Sam.”
“S-sino?” Parang hindi makapaniwala kong tanong. He's not really giving up huh! Bwiset!
“Dumaan siya dito kanina at binigay sa'kin 'yan.”
“Siya ba ang dahilan kung bakit ka umiyak?”
She shakes her head. “No. I'm done with him, done crying because of him. I cried because your Mom and i talked.”
“About what?” Tungkol saan ang pinagusapan nila na nag paiyak sa kanya?
“About... everything. Everything about me and... Sam.”
“You what?”
“She saw Sam that's why i told her everything. At first ang akala niya kaibigan ko lang si Sam pero sinabi ko pa rin sa kanya 'yong totoo. Ayoko na kasing maglihim at magsinungaling sa Mama mo.”
“Anong sinabi niya sa nalaman niya?”
Ngumiti siya at the same time tumulo ang luha niya pero pinunasan din naman agad niya 'to.
“Hindi niya ako jinudge kahit nalaman niyang naging mistress ako. Sa halip naintindihan daw niya ako dahil alam daw niya ang pakiramdam na magmahal ng may asawa at ang naging bunga nun ay... ikaw.”
“I see. Kaya pala kahit na umiyak ka na ang aliwalas pa din ng mukha mo.” I'm so happy dahil natanggap ni Mama ang malaking kapalpakang desisyon ni Amber na mag mahal ng walang kwentang lalake.
She nodded. “Nawalan ako ng malaking tinik sa dibdib nang masabi ko sa kanya lahat.”
I touched her both cheeks. “I'm happy for you.”
“It all thanks to you, Damon. Ikaw palang ang tama sa lahat ng nangyayari sa'kin ngayon.”
“Ibig bang sabihin niyan malapit mo na 'kong sagutin?”
She chuckled. “Oo.” She nodded.
“Yes means malapit mo na 'kong sagutin o yes sinasagot mo na 'ko?”
“Oo...” She paused biting her lower lip, smiling. Urgh! Pinapasabik pa niya ako. “Sinasagot na kita.”
To be continued...
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...