Papunta na 'ko ngayon sa Gallery ni Amber. I'm excited to see her again, ngayon ko lang ulit 'to naramdaman.
I'll make sure this time hindi na niya ako papalayuin pa sa kanya. I'll make sure na ang susunod niyang ipapagawa sa'kin ay manatili lang sa tabi niya.
Gagawin ko ang lahat para mangyari 'yon. I'll make her fall for me!
Nakarating ako sa gallery niya, pinark ko lang muna ang kotse ko 'tsaka ako dali-daling bumaba.
Pumasok ako ng Gallery at nakita ko muli ang assistant ni Amber na si Majah.
“Hi!” I greeted her.
“Hi, kanina ka pa hinihintay ni Amber.”
“Really?”
“Yeah.” Ngumiti siya at 'yong ngiti niya parang may laman.
“Where is she?” I asked.
“Nag pi-paint.”
“Pupuntahan ko lang siya.”
“Okay.”
Nag simula na 'kong maglakad papunta sa room kung saan siya nag pipinta. Pagdating ko, hindi niya pansin ang presensya ko kaya sumandal muna ako sa gilid ng pinto para panuorin siya.
Gusto niya talaga 'tong napili niyang profession dahil nakikita ko ang passion niya.
Nang mapansin niya ako tumingin na siya sa direksyon ko.
“Hi!” I greeted.
“Kanina ka pa dyan?”
“Medyo.”
Nilapag niya 'yong paint brush niya 'tsaka siya tumayo at lumapit sa'kin.
“Hi!” She greeted.
I smiled. “Hi!”
“Dumiretso ka na dito after work?”
“Yup! Ayos lang bang imbitahan ka for dinner?”
“Sige, I'll just wash my hands.”
“Okay.”
“Wait me here.” Tumango lang ako bilang sagot.
Iniwan na niya ako dito kaya ang ginawa ko na lang ay tignan 'yong pinipaint niya kanina at nilibot ang tingin sa loob nitong maliit na kwarto kung saan siya nag pipinta.
May nakita akong sketch book medyo na intriga ako kaya kinuha ko 'to at tinignan ang mga sketch niya. Lahat maganda hindi na nakakapagtaka. Sa pagpapatuloy ko na tignan ito isa-isa laking gulat ko na makita ang sketi ng mukha ko.
Wow! Drinawing niya 'ko?
Okay! That is kinda... surprising.
“Hey that's mine!” I heard Amber's voice then bigla niyang inagaw ang sketchbook niya. I can at her face na nahihiya siya dahil nakita ko ang sketch ng mukha ko.
“I didn't know na kabisado mo pala ang mukha ko.” I joke.
“Uh... May dahilan ako kung bakit may sketch ng mukha mo sa sketchbook ko.”
“Ano naman?”
“Nagawa ko 'to nung araw na tuluyan akong nakipag hiwalay kay Sam. Ikaw ang naisip ko kasi ikaw lang 'yong nasa tabi ko no'ng nasasaktan ako nang dahil sa kanya. Kaya ginuhit ko na lang 'yong mukha mo at umiyak ng umiyak.”
“Bakit hindi mo nalang ako pinuntahan?”
“Paano ko gagawin 'yon? Eh 'di ba pinalayo nga kita?”
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...