Nagalimpungatan ako sa pagkakatulog nang wala si Amber sa tabi ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid, nakita kong bukas ang pinto kaya siguro lumabas ito.
Tinignan ko ang oras mula sa side table niya at nakita kong 2am palang. Bakit gising na siya ng ganitong oras?
Kinuha ko ang sando ko at sinuot 'to.
Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya. Nakita ko siya sa kusina na may kausap sa cellphone niya.
“Don't you get it Samuel?” Nakaramdam agad ako ng inis nang malaman kung sino ang kausap niya ng ganitong oras.
“Wala ka ng babalikan pa kahit na mag hiwalay pa kayo ni Kelly. I sincerely apologize dahil sa nangyari sa marriage n'yo. It's not just your fault, it's also my fault kaya sasaluhin ko din ang galit niya...” She heaved a sighed. “Enough loving me Sam, in love na 'ko sa iba... No! Damon is not like that kind of guy, he won't hurt me! I trust him... No, I'm sorry Samuel. Papatayin ko na 'tong tawag and I'm hoping na hindi ka na tatawag pa dahil Damon won't like it. Goodbye.” She ended the call.
Napaupo siya sa silya at napahawak sa ulo niya.
I know na nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon lalo pa't nalaman na ni Kelly ang tungkol sa kanila ni Sam tapos ang gagong 'yon ayaw pa din siyang tigilan. Big relief nalang para sa'kin na talaga ngang mahal na niya 'ko. Ipinamukha na niya 'yon kay Sam.
“Love,” Tawag ko sa kanya. Inalis niya ang mga kamay niya sa ulo niya at napalingon sa direksyon ko.
Tumayo siya at mukhang nabigla nang makita ako. “K-kanina ka pa dyan?”
Tumango lang ako bilang sagot.
“I-im sorry, ayaw ko sanang sagutin ang tawag niya eh---”
“Hey, it's fine. Don't apologize.” I hissed.
Nag lakad siya papalapit sa'kin at niyakap agad ako sa bewang ko.
“I love you Damon.”
I hugged her back. “I love you too Love.”
Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa'kin.
“Gusto mo bang bumalik na tayo sa kwarto?” Tanong ko.
Tumangon lang siya bilang sagot.
Ako ang bumitaw sa yakap naming dalawa. Hinawakan ko siya sa kamay niya at nag lakad na kami pabalik ng kwarto niya.
Humiga agad kami sa kama at yumakap siya agad sa'kin.
I kissed her on her head. “Can i ask kung bakit siya tumawag?” Tanong ko.
“He informed me na tuloy na daw ang hiwalayan nila.”
I felt bad for Kelly. For sure hindi niya gustong masira ang marriage nila ng asawa niya kaya nga kahit sinasaktan lang siya ng lalakeng 'yon, hindi pa rin siya sumusuko sa kanila.
“Ans gusto niyang bumalik ako sa kanya.” She added.
“Hindi ka naman babalik 'di ba?”
She looked up at me. “No, never!” Binigyan niya ako ng smack na halik sa labi.
“Marry me.” Seryoso kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi ko na patatagalin pa dahil sa puso ko alam kong siya na ang kukumpleto ng buhay ko.
“Are you proposing now?”
“Yeah, ayaw mo ba ng proposal ko?”
She giggles. “No, i don't mind.”
“Your answer?”
“Yes!”
I grinned, excitedly. “Really?” She nodded, smiling. “Sinapak ko ang Vice president ng company na pinapasukan ko at iniisip pa niyang inagaw ko 'yong babaeng mahal niya. Tingin ko mawawalan na 'ko ng trabaho dahil sa ginawa ko, mabubuhay mo ba 'ko?” Pabiro kong sabi.
She laughed. “Walang problema, basta ikaw magaalaga ng mga magiging anak natin habang ako
nagtatrabaho.”Anak? Hmm. Na excite ako sa ideang magkakaroon ako ng anak sa kanya.
“Hmm. What’s that look?” She asked amusingly.
“It’s a let’s-make-a-baby look.”
“Kagagawa lang natin kanina.”
“Baka wala pang nabuo, subukan ulit natin.”
Natawa lang siya sa sinabi. Natigil lang siya sa pagtawa ng pumwesto ako sa ibabaw niya.
“Seryoso ka?” She asked, chuckling.
Tumangon lang ako habang may malaking ngiti sa labi ko.
--
Pagdating na pagdating ko palang sa office ko, sinabihan agad ako ni Mario na pinapapunta ako sa opisina ng Tatay ni Sam.
'Yong biro kong baka mawalan ako ng trabaho ngayon kinakatakot ko na baka mangyari nga. Kung nagkataon na mangyari nga 'yon, kailangan kong humanap agad ng trabaho para sa'min ng future wife ko.
Pagdating ko sa floor kung saan ang office ni President, sinalubong ako ng assistant niya 'tsaka ako inassist nito papasok ng office.
Nag bow agad ako kay Mr. President nang makita niya akong pumasok.
“Maupo ka.” Utos nito sa'kin.
Sinunod ko naman agad ang sinabi niya.
“I'm sorry kung magtatanong ako sa'yo nang hindi related sa trabaho.”
Mukhang tungkol nga 'to sa'min ng anak niya.
“Ayos lang, sir.”
“Kelly called me na gusto niya ng annulment sa anak ko and it was because of Amber. Are you dating that girl?”
“Opo.”
“Good! Ayokong balikan siya ng anak ko kahit maghihiwalay sila ni Kelly. I still don't like her for my son.”
“Gano'n din naman po ang nararamdaman ni Amber kay Sam. Ang anak n'yo lang po ang hindi pa rin tumitigil na tawagan siya. 'Wag po kayong mag alala, i can assure you na kahit anong pagpupumilit ni Sam na balikan si Amber hindi ako papayag. Lalo pa ngayon na ikakasal na kami.”
“Ikakasal na kayo?”
“Opo.”
“Congratulations, mapapanatag na 'ko kung gano'n.”
“Sana lang din po Sir, pagsabihan n'yo ang anak n'yo na 'wag ng guluhin ang fiancé ko.”
“I will do that, don't worry.” Sana lang makinig sa kanya ang anak niya.
After kong makipag usap sa kanya, isang malaking relief na hindi ako tinanggal sa trabaho. Pero ibig sabihin din nun, magkikita at magkikita pa din kami ng Sam na 'yon.
Pagbalik ko sa office ko, i decided na tawagan ang mahal ko. Ilang sandali lang din naman sinagot niya 'to.
“Hi Love.” Bati ko.
“Hi!” She greeted back.
“I have a good news.”
“Really? Ano 'yon?”
“I still have my work kaya hindi mo 'ko kailangang buhayin after ng kasal natin.”
She laughed. “Sira ka talaga. Well, congratulations dahil may work ka pa.”
“Pwede ba kitang puntahan dyan sa Gallery mo mamayang lunch?”
“Why?”
“Gusto kitang kasabay kumain.”
“Okay, hihintayin kita.”
“Okay! I love you.”
“I love you too.”
To be continued...
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...