AMBON presents2 - 15

4.2K 159 9
                                    

Tapos na ang working hour...

Oras na para sunduin ko na si Amber dahil sa dinner namin sa bahay mamaya. Nasabihan ko na kanina si Mama tungkol dito kaya na excite siya dahil makikita na naman niya ang idol niya.

Ngayon lang din ulit akong na excite na umuwi galing sa trabaho.

Paalis na sana ako ng office ko nang biglang may kumatok sa pinto.

“Pasok,” Nag bukas ang pinto at si Mario ang nakita ko at na sa likod niya si Sam.

“Gusto daw po kayong kausapin ni Mr. gonzalez.” Ano na naman kayang kailangan niya? Wala naman akong maalalang may dapat kaming pagusapan about sa trabaho at isa pa tapos na ang working hour ko.

“Sige na, iwan mo na kami.” I told Mario.

Pumasok na ng tuluyan si Sam sa office ko. Pagsarado ni Mario ng pinto nag salita siya.

“Layuan mo si Amber!”

So this is not about work. This is about Amber.

“Tingin ko wala ka sa posisyon para sabihin sa'kin 'yan dahil una sa lahat wala na kayo at may asawa ka na!”

Lumapit siya sa'kin at kwinelyuhan ako at aakmang susuntukin ako.

“Ano 'yan? Gusto mo 'kong suntukin? Bakit hindi mo na lang tanggapin na ayaw na sa'yo ni Amber? Nag sisimula na siyang mag move on at kalimutan ka... kasama ako!”

Without any warning, sinuntok niya 'ko na halos mag patumba sa'kin.

“Layuan mo si Amber!” Paguulit niya. This time may diin at galit na.

Gumanti ako ng suntok sa mukha niya at sa lakas ng suntok ko napatumba siya. “Hindi ko gagawin 'yon dahilan sinabi mo! Deserve niyang maging masaya kaya gawin mo na lang kung ano'ng ginagawa niya, kalimutan mo na siya!”

Pagkasabi ko nun, nag lakad na 'ko paalis ng office ko at iniwan na siya do'n magisa. Sinabihan ko na lang si Mario na siya na ang bahala kay Sam.

Nakahawak lang ako sa panga kong nasuntok kanina ni Sam. Masakit 'yong suntok niya, siguradong magkakapasa ako nito.

Nang makarating ako sa kotse ko, sumakay agad ako at sinimulan ang byahe papunta sa Gallery ni Amber.

Sa pagdating ko naman, pinark ko lang 'yong makina ng kotse ko 'tsaka ako bumaba at pumasok na agad ako sa Gallery.

Naabutan ko siya na ka-kwentuhan ang assistant niya. “Hi!” Bati ko na dahilan para mabaling ang atensyon nila sa'kin.

Lumapit naman agad ako sa kanila.

“Ano'ng nangyari dyan sa mukha mo?” Tanong niya paglapit ko.

“Uh... Wala. Ano lang uh... may uh... naka alitan lang akong driver kanina.” I lied. Ayokong sabihin sa kanya kung ano talagang nangyari dito.

“Gano'n ba.” Mukhang na convince ko siya.

“Tara na?” I asked.

“Sige. Magsasara lang kami.”

“Okay.”

Kinuha lang muna niya 'yong bag niya 'tsaka din naman agad lumabas ng Gallery kasama si Majah at sinarado na nila 'to.

Nang magawa nila 'to nag paalam lang si Amber kay Majah 'tsaka naman kami pumunta sa kotse ko.

Pinagbuksan ko siya ng pinto sa passenger seat, sumakay naman siya agad. Turn ko naman na sumakay sa driver's seat. Pinagana ko 'yong makina ng kotse ko 'tsaka namin sinimulan ang byahe papunta sa bahay.

“So, ano talagang nangyari dyan sa mukha mo?” Tanong niya sa pagsisimula ng byahe namin.

“W-what do you mean?”

“I know hindi ka nakipag suntukan sa naka alitan mong driver.”

“How did you know about that?”

“Dahil kung totoong nangyari 'yon for sure mala-late kang sunduin ako dahil paniguradong mauuwi kayong dalawa sa prisinto para resulbahin 'yang sinasabi mong alitan n'yo.”

She is so smart!

“You're right.”

“Kung gano'n sino talaga ang naka alitan mo?”

“Sam.”

“Sam? Samuel?!”

“Yup.”

“W-why? Bakit niya ginawa 'yan?”

“Dahil gusto niyang layuan kita. Nalaman niya kasing nagkikita ulit tayo.”

“How?”

“Nakita ko sila ng asawa niya kaninang tanghali nag tanong si Kelly about us kaya nabanggit ko na din ang tungkol sa pagpunta mo sa bahay ngayon. Pinuntahan ako ni Sam sa office ko bago umuwi at eto na nga ang nangyari.”

Napabuntong hininga lang siya 'tsaka binaling na lang ang tingin sa labas ng bintana.

I wonder kung anong iniisip niya. I just hope hindi si Sam.

“I'm sorry, ginawa niya 'yan dahil sa'kin.” She apologized without looking at me..

“No! Don't apologize.”

She looked at me again.

“Kahit ilang beses pa niya akong suntukin, hinding-hindi kita isusuko, hindi kita lalayuan. Mahal kita eh.”

“Nasasaktan ka dahil sa pagmamahal mo sa'kin.”

“You are worth the hurt.”

She chuckled. “Nakakapag-pick up lines ka pa sa lagay na 'yan ah.”

I just smiled at her.

Nang makarating kami sa bahay. Itinabi ko na 'yong kotse ko 'tsaka ko pinatay ang makina. Sabay kaming dalawa na bumaba sa kotse at pumasok sa bahay kung saan sinalubong kami ni Mama.

“Amber,” Tawag niya kay Amber 'tsaka niya 'to sinalubong ng yakap na never niyang ginawa sa'kin tuwing umuuwi ako.

“Magandang gabi po.” Bati ni Amber sa kanya habang sinusuklian ang yakap ni Mama.

Si Mama ang unang bumitaw sa pagkakayakap niya kay Amber. “I'm happy to see you again.”

“Ako rin po.”

“Since hindi pa naman tapos ang paghahanda sa dinner natin, gusto mo bang i-tour muna kita kung nasaan ang mga collection ko ng paintings?” She asked.

“Oo naman po.”

“Okay, tara na.” Ini-angkla ni Mama ang kamay niya sa braso ni Amber 'tsaka niya 'to hinila.

Nakalimutan na ata nila ako.

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon