Hinila ko nalang siya palayo sa mga nag ku-kumpulang guest, hanggang sa makarating kami sa isang garden.
Binitawan ko ang kamay niya at huminga ng malalim. "Okay ka na?" Kalmado kong tanong.
Tumango siya pero umiling din.
"Hindi ko alam." Pagamin niya.
Niyakap ko nalang siya dahil feeling ko 'yon lang ang magagawa ko sa sitwasyon niya ngayon.
Naramdaman ko ang pagyakap din niya sa'kin pabalik.
Bigla ko nalang naramdamang na may humila sa'kin kaya napabitaw ako sa pagkakayakap kay Amber at nakita kong si Sam ang gumawa nun at bigla niya akong sinuntok ng malakas sa mukha na ikinagulat ko.
"I said leave. her.alone!" Mahina lang ang boses niya pero nando'n ang diin ng galit niya at pagbabanta sa tono ng boses niya.
Lumapit sa'kin si Amber at tinignan 'yong parteng na suntok ni Sam.
"What are you doing Sam?" She asked him.
"Ikaw anong ginawa mo? Talagang pumayag ka pang halikan niyan?!" He pointed me.
"Ano namang masama kung halikan niya 'ko?"
Pareho kami ng naging reaksyon ni Sam sa sinabi ni Amber. Nagulat!
He glared at her. "Mamili ka, siya o ako?" He asked.
Fuck! Dapat ko bang marinig 'to? Parang hindi ko kakayanin kapag mas pinili niya ang gagong 'to kesa sa'kin.
"What?! Ano bang klaseng tanong yan?!"
"Bakit 'di mo nalang sagutin?"
They’re glaring at each other.
"Sige, mamili ka din Ako o Asawa mo?"
"Damn it Amber, 'wag mong ibalik sa'kin 'yong tanong!"
"Bakit hindi mo sagutin 'yong tanong niya Sam." Biglang dumating pagsulpot ni CEO Gonzales.
Oh great!
"Pa?!"
"President?" Sabay silang nagsalita.
"Sagutin mo 'yong tanong niya, sino nga ba ang pipiliin mo sa kanilang dalawa?" CEO asked his son.
Bigla namang nawala ang matapang na si Sam nang makita niya ang Tatay niya. Para siyang asong nabahag ang butot dahil siguro sa takot niya hindi na nakasagot pa si Sam.
"Bakit hindi ka sumasagot Sam?" Amber asked Sam. Nasa tono niya ang unti-unting pagka-disappoint sa pananahimik ni Sam. Tingin ko din ay iiyak siya.
"Ayoko na!" Sam said, making her tears starts to fall.
Nang gigil sa inis ang kamao ko dahil sa nakikita kong pag iyak ni Amber. Gusto kong sapakin si Sam pinipigilan ko lang dahil kay CEO.
"Ayaw mo na? Gano'n nalang 'yon?" Amber asked.
Tumango lang si Sam bilang sagot.
Lalapit sana siya kay Sam pero humarang ako para pigilan siya.
"Alis dyan Damon!" Sabi niya habang hinampas ako sa dibdib. Hindi ko siya pinakinggan basta hinawakan ko lang ang dalawang kamay niya at inilagay sa likod niya.
"Bitawan mo 'ko!" Nilagay niya 'yong mukha niya sa dibdib ko. "Please."
"Anong nangyayari dito?" I heard Kelly's voice.
Ang galing talaga ng timing!
"Away magkasintahan lang." I answered without looking at her.
"Hayaan na muna natin sila Honey." I heard Sam said. Narinig kong ang mga yabag ng paa nila palayo sa direksyon namin.
"Ngayong alam mo ng mas pipiliin ni Sam ang asawa niya, layuan mo na siya." CEO told Amber. "You’re lucky to have Mr. Lawrence." He added.
"Maiwan ko na kayo!"
Unti unti kong binitawan ang kamay niya pagkaalis ni CEO. Tinanggal niya ang pagkakasandal sa dibdib ko habang patuloy pa din sa pagluha. Hinawakan ko siya sa magkabilang
pisnge at pinunasan ang luha niya na walang tigil sa pagtulo.Without asking her, hinawakan ko na siya sa kamay at inilayo na sa bwiset na lugar na 'to at sa mga nag paiyak sa kanya. Bakit ba wala akong magawa para sa kanya? Hinayaan ko lang siyang saktan ng mga taong 'yon, bakit wala manlang akong sinabi?
Naiinis na din ako sa sarili ko dahil parang napakahina ko hindi ko manlang siya na ipagtangol sakanila.
Pag dating namin ng bahay niya...
Tahimik lang siyang naglakad papasok habang ako naman ay sinundan lang siya. Damang-dama kahit sa balikat niya ang sakit na nararamdaman niya.
Pumunta siya kusina at kumuha ng beer. Inilapag niya ito sa lamesa at sinimulang uminum tsaka din ang pagsisimula niyang umiyak ulit.
Hinawi niya lahat ng nasa lamesa pati ang alak na dahilan para mabasag ang mga ito.
She’s screaming and crying.
Fuck!
Lumapit ako sa kanya at pinigilan siya sa pagwawala niya. Nakita ko sa kamay niya dugo dahil siguro sa ginawa niya.
"Shit! You’re bleeding." Pagpapanick ko. Kinuha ko agad 'yong panyo ko at itinakip sa sugatan niyang kamay.
She’s still fucking crying!
Hinila ko siya palabas ng bahay at isinakay ko ulit sa kotse ko. Nang makasakay din ako, mabilis kong pinatakbo 'yong kotse ko papuntang hospital para magamot na agad 'yong sugat niya.Wala akong alam sa first aid kaya plano kong dalhin siya sa hospital dahil sa malalang pag dudugo ng kamay niya.
Nang makarating naman kami sa hospital, inasikaso naman agad si Amber. Mabuti na lang dahil magwawala ako sa galit kapag hindi nila ginamot agad ang sugat nito.
Pero habang ginagamot siya, wala manlang reaksyon sa mukha niya, parang hindi manlang siya nasasaktan sa inilalagay sa sugat niya.
After 'tong gamutin, ini-uwi ko naman agad siya pabalik ng bahay niya.
Tumigil na siya sa pagiyak niya, pero kahit gano'n hindi ko parin siya makausap parang wala pa rin siya sa mood.
Nang makarating naman kami ulit sa bahay niya. Inilalayan ko lang siya sa pagbaba niya sa kotse ko hanggang sa makapasok kami sa bahay niya.
Dumiretso kami sa sala at pinaupo ko siya sa sofa niya. Nag lakad naman ako papunta sa kusina niya para linisin 'yong kinalat niya.
Habang nag lilinis ng mga nabasag na bote narinig kong nag salita siya.
"Bakit hindi mo padin ako iniiwan?"
Nilingon ko siya. "Tingin mo ba magagawa kitang iwan sa kabila ng nararamdaman mo ngayon?"
"Pagkatapos mo 'kong makita umiyak nang dahil sa ibang lalake tingin ko sapat na 'yon para iwan mo 'ko."
"Hindi pa 'yon sapat sa'kin."
"Tingin ko dapat ka ng umalis."
"Amber---"
"Damon, hindi ako bagay sa'yo! Kaya tumigil ka na lang sa kung anong ginagawa mo. Madumi na 'kong babae! Mistress ako! Hindi ako bagay sa katulad mo!"
"Tingin mo ba may pakialam ako do'n?" Nag lakad ako papalapit sa kanya. "Mahal kita Amber, wala akong pakialam kung ano pang nakaraan nyo. Basta mahal kita! 'Wag mo naman akong palayuin sa'yo oh!"
She shakes her head. "I'm sorry. Umalis ka na."
"Amber--"
"Umalis ka na!! If you really love me, please respect my decision."
To be continued...
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...