AMBON presents2 - 8

3.9K 185 19
                                    

Nakakuha ako ng invitation mula sa gaganaping 5th Anniversary ni Sam at Kelly.

Dahil OM ako at kaibigan ko si Kelly kaya inimbitahan nila 'ko.

Hindi ko alam kung pupunta ba 'ko o hindi pag hindi ako pumunta siguradong magtatampo si Kelly pag pumunta naman ako, ano namang gagawin ko do'n?

Papanuorin si Sam na lambingin si Kelly kahit na alam kong niloloko niya lang ito.

Alam kaya ni Amber ang tungkol dito sa celebration? I wonder kung sinasabi ba 'yon ni Sam sa kanya.

Katok mula sa labas ng office ko ang bumasag sa pagiisip ko. Nang ibaling ko anh tingin ko sa pinto, nakita kong pumasok si Mario kasama si Sam sa likod nito.

Ano naman kayang kailangan niya?

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya.

"Yes, sir." Formal kong sabi.

Lumabas na si Mario at iniwan na kami.

"How may i help you, sir?" Pormal kong tanong.

"Tapos na ang working hour kaya 'wag ka ng maging pormal." Mukhang hindi trabaho ang pinunta niya dito.

"Gusto kong layuan mo si Amber!"

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Tanong ko. Nabanggit kaya ni Amber sa kanya 'yong tungkol sa plano kong agawain siya kay Sam? Siguro nga dahil sinabihan niya akong layuan siya.

He glared. "Dahil akin siya!"

"Sa ngayon sa'yo siya, magiging akin din siya. Bakit hindi mo na lang siya pakawalan at mahalin mo nalang ang
asawa mo?"

"Bakit hindi mo siya tigilan at mag focus ka sa trabaho mo!"

"Naka focus ako sa trabaho ko. Ikaw saan ka naka focus? Sa dalawang babae? Hindi ka ba naawa sa kanila?"

"Wala kang alam!"

"Alam ko lahat!" Tumayo ako sa sobrang inis ko. "Gagawin ko ang lahat maging akin lang si Amber kahit pa ang kalabanin ka, vice president!"

Kinuha ko na 'yong suit ko tsaka ako nag lakad paalis ng office ko at iniwan ko na siyang tulala.

Napaka unprofessional niya talaga, pinuntahan pa niya 'ko ng office ko para lang sabihan ako na tigilan si Barbie. Akala naman niya susundin ko siya.

Pagkaalis ko ng office dumiretso ako sa kotse ko. Plano kong puntahan sa bahay niya si Amber para makita siya. Gusto kong malaman kung anong iniisip niya tungkol sa magiging Anniversary ni Sam at Kelly.

Nang makarating naman ako sa bahay niya. Nag doorbell lang ako at ilang sandali lang nag bukas ang pinto at nakita ko siyang, sobrang ganda sa pang bahay niya lang na suot.

"Damon, what are you doing here?"

"To see you! Namiss kasi kita eh." I wink.

Mukhang hindi naman gumana ang pagpapacute ko sa kanya basta pinapasok na lang niya ako sa bahay niya, dumiretso siya sa sala kaya sinundan ko lang siya.

'Yong mood niya ngayon, mukhang hindi maganda. Hindi ko alam kung dahil ba nandito ako o may iba pang dahilan.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko.

She nodded. "Yeah!"

"Mukhang hind e. Tungkol ba 'to sa Anniversary ni Sam at Kelly?"

"Alam mo ang tungkol do'n?"

"Yeah, I'm invited." Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Gusto mo bang maging date ko sa gabing 'yon?"

"Bakit mo naman ako gagawing date do'n?"

"Para makita mo siya?" Patanong kong sagot.

Bakit parang tinutulungan ko pa siyang makita ang mokong na 'yon?

"I don’t think magandang idea 'yon, hindi ko ata kakayanin na makita silang mag kasama."

"O baka ayaw mo lang sumama sa'kin dahil pinipigilan ka niya?"

"What?" She asked. Huminga siya ng malalim at parang may biglang pumasok sa idea sa isip niya.

"Sinabihan ka ba niyang layuan
ako?" Tanong niya.

I just nodded.

She rolls her eyes. "Samie..." Mukha siyang naiinis, Samie siguro ang tawag niya kay Sam pag naiinis siya.

"I’m sorry, sinabihan ko siyang 'wag kang kausapin ginawa niya padin pala." Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa dahil pinaguusapan nila 'kong dalawa.

"Can you come with me?" I asked.

"Where?" Hinila ko siya palabas ng bahay niya at naglakad ng naglakad.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya habang hila-hila ko siya.

"Ipapakita ko sa'yo kung ano pwede nating gawin na hindi niyo magagawa ni Samie."

"How?"

"Wait! Malalaman mo mamaya." Tinuloy ko lang ang paghila sa kanya hanggang sa makarating kaming dalawa kung saan maraming tao.

Binitawan ko siya at humarap sa kanya. Nagtataka lang siya sa ginagawa ko.

Hinawakan ko ulit siya kamay, pinaglapat ko ang mga palad namin. "Kaya kong hawakan ang kamay mo sa public place. Hindi niya kaya 'yon."

Sunod kong ginawa ay niyakap ko siya ng mahigpit. "Kaya kitang yakapin sa public place, hindi niya kaya 'yon." I whispered.

"Damon, pinagtitinginan na tayo ng mga tao."

"'Yon ang purpose nito. Kahit maraming nakakakita sa ginagawa natin, walang huhusga sa'yo."

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan naman siya sa magkabilang pisinge. Tumitig ako sa mga mata niya tsaka ko binaling ang tingin sa labi niya. Dahan dahan kong nilapit ang labi ko sa labi niya at binigyan siya ng isang soft kiss.

"Kaya kitang halikan sa harap ng maraming tao, hindi niya kaya 'yon." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Umiwas lang siya ng tingin sa'kin habang kagat-kagat niya ang lower lip niya.

"I like you Amber, sana bigyan mo 'ko ng pagkakataon na makasingit dyan sa puso mo."

"I-i don’t know how."

"You just have to open your heart and mind for me. 'Wag mong isipin na si Sam lang ang kaya mong mahalin dahil nandito pa 'ko."

"Then what?"

"Mag date tayo?"

She chuckled. "Gusto mong mag date tayo?"

I nodded. "Simulan natin sa date, tapos kikilalanin mo 'ko hanggang sa ma-inlove ka sa'kin."

"Hindi ko alam kung tama 'yon. Baka masaktan si Sam."

"Iniisip mo pa na baka masaktan si Sam? E 'di ba sinasaktan ka din naman niya? Kung may Kelly siya..." I tapped my chest. "may Damon ka."

"Parang sinasabi mo na gawin kitang panakip butas."

"Kung effective naman akong panakip butas bakit hindi?"

"Gagawin mo talaga 'yon?" Gulat niyang tanong.

"Para sa'yo!" I sincerely said.

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon