Nang makarating kami sa bahay niya, itinabi ko lang ang kotse ko. Pagpatay ko ng makina, sabay kaming dalawa na bumaba dito. Siya ang nag lead sa'min papasok ng bahay niya.
Sa pagpasok ko ang una agad mapapansin ay ang mga paintings. Malawak din ang bahay niya para sa isang tao. Gray and white ang makikitang design ng bahay niya napaka masculine para sa isang babae. Kung hindi ko alam na babae nakatira dito baka isipin ko na isang lalake ang nakatira dito.
"What are you thinking?" She asked. May bitbit na siyang mga beer ngayon.
Umupo siya sa sofa niya at inilapag ang mga beer sa lamiseta.
"Paintings mo ba ang lahat na 'to?" Tinuro ko ang mga paintings.
She shakes her head. "Nasa Gallery ko lang 'yong mga paintings ko. Paintings 'yan ng mga National Artist natin."
"I see."
Umupo ako sa tapat niya tsaka niya ako inabutan ng beer.
"Gusto mong malaman ang dahilan ng buong nangyari samin ni Sam 'di ba?" Tanong niya na nagpagulat sa'kin.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Sasabihin ko na sa'yo pero ang gusto ko makinig ka lang, wala kang ibang
sasabihin hanggang matapos ko ang kwento ko."I nodded again.
Uminum muna siya ng beer tsaka sinimulan ang pagkwento.
"Na meet ko si Sam noong College kami. Isa lang akong simpleng estudyante at siya... well isa siyang rich kid. Never kong na imagine na magkakagusto ako sa isang rich kid kasi sino ba naman ako? Isang hamak na ulilang babae at isang scholar lang sa school. Naging kami noon, minahal ko siya at gano'n din siya. Pero no'ng malaman ni CEO Sonny ang tungkol sa'min, ginawa niya ang lahat para maghiwalay kami."
Ngumiti siya pero ang mga mata niya malungkot. "Parang teleserye ang buhay namin no'n dahil pilit kaming pinaghihiwalay, pareho naman kaming lumaban pero bandang huli
sumuko din ako. Napagod na kasi akong nakikita siyang nahihirapan para lang ipaglaban 'yong kami... nasasaktan akong makita
siyang nasasaktan ng dahil sa'kin."Uminum siya ng beer at gano'n din ako.
"Nang nagkaroon ako ng chance makapag aral sa ibang bansa hindi ko na pinalampas 'yon para makalayo sa kanya."
Nakita ko nagbabadyang tumulo ang mga luha niya sa mata. Kinuha ko ang panyo ko para i-abot 'to sa kanya pero hindi niya kinuha 'yon.
"Pitong taon din akong wala sa bansa at pagbalik ko, nakita ko siya sa Airport. Ang inakala kong nakalimutan ko na at nabura ko
na sa puso kong si Sam nakita ko sa Airport nang 'di sinasadya. Lahat ng akala ko nawala dahil no'ng makita ko siya na patunayan kong mahal ko pa nga siya, masakit pa din pala. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero hindi pwede dahil ang alam ko kasal na siya."Kung alam mong may asawa na siya bakit ka pa pumayag na maging mistress niya? Gusto ko sanang sabihin 'yon pero nangako akong hindi magsasalita hanggang hindi siya natatapos mag kwento.
"Umiwas ako sa kanya dahil gusto niyang bumalik ako sa kanya, alam ng diyos na ginawa ko ang lahat para iwasan siya pero dahil mahal ko siya hindi ko na napigilan ang sarili ko at binalikan ko siya."
Now she’s crying. Shit!
"Ako dapat 'yon e. Ako dapat ang nag aasikaso sa kanya sa pagpasok sa trabaho, ako dapat ang katabi niyang matulog, ako dapat ang asawa niya kung hindi ako sumuko. Kung lumaban lang ako kasama niya e di sana masaya kami at hindi ganito ka-kumplikado ang relasyon namin."
Tumayo na 'ko sa pagkakaupo ko tsaka ko siya tinabihan sa sofa. Inakbayan at isinandal ko ulo niya sa balikat ko para gumaan kunti ang pakiramdam niya. Gusto kong ipadama sa kanya na pwede siyang umiyak sa balikat ko.
"Alam kong mali na magkaroon kami ng relasyon dahil may asawa na siya, pero mahal ko siya e. Mahal na mahal, mali bang mahalin ko siya?"
"Hindi naman maling mahalin mo siya, naging mali lang 'yon dahil may asawa na siya." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita na 'ko.
Tinanggal niya ang pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko. "Alam ko, pero ayaw sumunod ng puso ko sa sinabi ng utak ko na bawal 'yon."
"Hindi naman kailangan lagi ang utak at puso ang gamitin mo, minsan kailangan mo din gamitin ang mata mo para makitang may iba pang lalake na nararapat sa'yo." I wiped her tears. "Malay mo nasa tabi mo lang siya. Hindi palang na no’notice ng utak at puso mo pero na notice na 'yon ng mata mo."
"Ngayon napatunayan ko na." Dagda ko.
"Ang alin?" She asked.
"I do like you, Amber." Ito ang unang beses na binanggit ko ang first name niya.
Napatitig lang siya sa'kin dahil sa gulat.
"Hindi ko ugali ang mang agaw ng may girlfriend na may girlfriend pero ikaw... Gusto kitang agawin sa kanya. Alam kong magiging mahirap 'yon pero, gagawin ko ang lahat para ma-in love ka sa'kin."
"A-ano ba 'yang sinasabi mo?"
"Gusto kita. Wala akong pakialam kung may Sam ka na." Simple as that!
I touched her cheeks. "Hindi ka iiyak sa'kin, tulad ng ginagawa niya."
"Umiiyak ako dahil mahal ko siya."
"At dahil din sa nasasaktan ka." I hissed. "Kung sa tamang tao ka ma-i-inlove hindi ka masasaktan."
Inalis niya ang pagkakahawak niya konsa both cheeks niya tsaka siya lumayo sakin ng kunti at nag simula na naman siyang uminum.
Kinuha ko din 'yong beer ko at ininum ito.
"Seryoso ako sa sinabi ko, aagawin kita kay Sam."
To be continued...
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...