Nakarating agad ako sa hospital. Almost 1am na kaya madali lang akong nakarating dito kasi walang traffic.
Minadali ko din talaga ang pag punta dito dahil, sobrang nag aalala ako kay Damon. At natatakot din at the same time dahil paano kung bumalik ang memorya at hindi niya ako makilala?
Hindi ko alam ang gagawin 'pag nagkataon.
Dumiretso ako sa hospital room ni Damon. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Tita na nakaupo sa gilid ng kama habang hawak-hawak ang kamay ni Damon na ngayon ay walang malay.
Dahan-dahan akong nag lakad papalapit sa kanya habang may malakas na kabog sa dibdib ko.
Nakita kong may sugat siya sa ulo niya. Shit! Mas lalo akong kinabahan.
"Tita," Tawag ko sa Mama ni Damon kaya napunta ang tingin niya sa'kin.
"N-nagising na po ba siya?" Tanong ko.
Umiling siya. "Hindi pa." Kitang-kita ko ang pagaalala sa mga mata niya.
Umupo na din muna ako habang hindi inaalis ang tingin kay Damon. Hinawakan ko din ang isang kamay at hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko sa pagaalala.
Bakit ba kasi 'to nangyari sa kanya? Sinabihan ko siyang magingat sa pagmamaneho tapos nangyari pa rin 'to. Hindi talaga siya nag iisip, nakakinis siya!
Paano na ngayon, paano nga kung makalimutan niya ako?
"He'll be fine, hija." Tita said.
"Natatakot lang po ako na baka bumalik na ang memorya at ako naman po ang makalimutan niya."
"Kung mangyari man 'yon nandito naman ako para ipaalala kita sa kanya. Tsaka makalimutan ka man ng utak niya puso niya ang magpapaalala na mahal ka niya."
Naalala kong sinabi niya rin sa'kin 'yan noong natatakot akong baka nga makalimutan niya ako.
"Sana nga po."
--
Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko na dahilan para magising ako mula sa pagidlip ko. Minulat ko ang mga mata ko at ang una ko agad na tinignan ay si Damon. Tulog pa rin siya hanggang ngayon.
Tinignan ko kung sino ang humawak sa balikat ko at ang nakita ko ay sina Majah at Mario.
"Hey." Maj greeted.
"Hey." I greeted back. "Paano nyo nalamang nandito kami?"
"Nabalitaan ni Babe sa Mama ni Damon."
"I see." Nilibot ko ang tingin ko pero hindi ko nakikita si Tita. "Where's Tita?"
"Bibili lang daw siya ng makakain mo. Baka daw kasi gutumin ka paggising mo." Mario answered.
"Are you okay?" Maj asked me.
Umiling ako at binaling ulit ang tingin sa mahal ko. "Hindi. Hindi ako magiging okay, hangga't hindi ko nakikitang okay talaga si Damon. At hangga't mapanatag ako na hindi ako nawala sa memorya niya."
"Wait, alam mo ng nagka-amnesia si Damon?" Mario asked.
Tumango ako. "Oo, sinabi na niya ang tungkol do'n."
"Nagka-Amnesia si Damon?!" Gulat na may halong pagtatakang tanong ni Majah.
"Na aksidente si Damon noong fifteen years old siya na dahilan para magka-amnesia siya." Mario explained.
"Oh my! Bakit ngayon ko lang 'to nalaman?"
"Ayaw niya kasing pagusapan 'yon." Sabi ko naman.
"I see. Kaya naman pala parang hindi pagaalala lang nag nakikita ko sa mga mata mo, pati takot." She comments.
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...