AMBON presents2 - 14

4K 156 4
                                    

“Talaga bang hindi mo siya nililigawan?” Pang limang tanong na ata 'yan ni Mama nang mabanggit ko sa kanya kung saan ako galing kagabi.

Late na kasi akong umuwi galing sa bahay ni Amber at hindi ko na naabutang gising nun si Mama kaya kanina pa niya ako tinatanong niyan.

“Ma, hindi nga po. Pumayag lang siyang maging date ko sa kasal ni Lucas pero hindi pa po talaga.”

Hindi naman kasi siya pumayag na ligawan ko na siya. Ang pinayagan lang niya eh 'yong mag date muna kami.

“'Di ba kapag nag di-date ang dalawang tao, nasa ligawan stage na din 'yon? Iba na ba ngayon?”

May point si Mama pero para talaga kay Amber date lang 'yon eh.

“Yeah Ma, iba na ngayon.”

“Pero plano mo siyang ligawan?”

“Yes Ma, plano ko siyang ligawan.” Sana lang pumayag na siya.

“Kung gano'n imbitahan mo siyang mag dinner sa'tin dito. Sabihin mo sa kanya iniimbitahan ko siya. Tutulungan kitang ligawan siya para maging manugang ko na siya.”

I chuckled. “Ma, hayaan mo na 'kong dumiskarte sa kanya.”

“Okay, pero imbitahan mo pa din siyang mag dinner dito.”

“Opo.”

Hinalikan ko na siya sa forehead niya bilang paalam. “Papasok na po ako sa trabaho.”

Nag lakad na 'ko palabas ng bahay. Dumiretso ako sa kotse ko at sumakay. Pinagana ko na 'yong makina 'tsaka ko sinimulan ang byahe papunta sa opisina ko.

Habang nasa byahe nag iisang babae lang pumapasok sa isip ko at 'yon ay si Amber. I can't wait to see her again later. I wonder kung ano nang ginagawa niya ngayon. Pupunta na rin ba siya sa Gallery niya o nando'n na siya? Tsk! Dapat pala kinuha ko na lang din number niya, hindi pa naman kasi siga nag te-text sa'kin kahit na naibigay ko na sakanya 'yong number ko.

Dibale kukunin ko na lang 'yon mamaya kapag pinuntahan ko siya ulit.

Nang makarating ako sa trabaho ko. Nag park lang ako sandali 'tsaka ako bumaba ng makina. Nag lakad na 'ko papunta office ko. Pag dating ko sinalubong ako ni Mario na may kasamang pagbow bilang pagbati.

“May meeting ba 'kong naka schedule ngayon?” I asked him pagkaupo ko sa chair ko.

“Wala naman po, Sir. Pero pinapahanda kayo ni Chairman ng isang presentation para sa upcoming project mo po.”

“Gano'n ba, nasabihan mo na ba ang team?”

“Yes sir.”

“Okay, pakisabi sa kanila mag me-meeting tayo about sa Presentation.”

“Opo.”

“Salamat.” Pagkalabas ni Mario, sakto na may narinig akong nagtext sa cellphone ko.

Kinuha ko 'to at tinignan kung sino ito at hindi ko alam kung bakit napangiti ako kahit na unknown number ang lumabas sa screen ko. Siguro dahil may hinala na 'ko kung sino 'to.

Binasa ko agad 'to.

** Hi, this my number. Amber to. **

Sa wakas may number ba niya ako.

Dinaial ko agad 'to para tawagan siya, ilang sandali lang sinagot na niya 'to.

“Hi!”

“Hi! Buti naman na isipan mo na 'kong itext, kanina ko pa kita iniisip eh.”

“Kaya naman pala nakagat ko dila ko.”

I laughed. “Gano'n ba, pasensya na.”

I heard her chuckled. “Biro lang.” Aba! Marunong na siyang magbiro. Mukhang improving 'tong palaging paguusap namin.

“Pwede ka ba ulit mamayang gabi?” Tanong ko.

“Uh... Why?”

“Si Mama kasi, iniimbita kang mag dinner sa bahay. Ayos lang ba? Nalaman niya kasi na ikaw ang date ko sa kasal ni Lucas kaya na isip niyang yayain kang mag dinner. Alam mo naman 'yon, fan na fan mo.”

“Gano'n ba. Uh... Sige. Dapat bang may dalhin akong pasalubong?”

“No 'wag na. Ikaw lang sapat na.” Umaapaw pa sa puso ko.

“Sige.”

“Susunduin na lang kita?”

“Okay. I'll see yeah later.”

“See yeah!”

She ended the call.

Ngayong nakausap ko na siya kompleto na araw ko.

Nag focus na lang ulit ako sa trabaho ko hanggang sa hindi ko namalayan ang oras at dumating ang lunch break.

Umalis ako ng opisina ko para pumunta sa Cafeteria dito sa opisina. Dito lang lagi akong kumakain. Habang papunta do'n narinig ko na may tumawag sa'kin nang lingunin ko naman 'yon sila Kelly at Sam ang nakita ko.

Lumapit na lang ako sa kanila para naman batiin sila. Kahit ayaw ko kay Sam wala akong magagawa kundi batiin siya dahil una sa lahat Boss ko siya at asawa pa ng kaibigan ko.

Nag bow ako sa kanila bilang bati.

“Ano ba! Ang pormal mo naman masyado!” Kelly scolded me.

I chuckled. “Pasensya na. Ano palang ginagawa mo dito ngayon?”

“Mag lu-lunch kami ng asawa ko.”

“I see.”

“Anyways, okay na ba kayo ng girlfriend mo?”

“What do you mean?” Pagtataka ko.

“'Di ba nag away kayo nung Anniversary namin?”

Ah! Oo nga pala, ang akala niya nung gabing 'yon kami ni Amber ang magkaaway.

“Yeah ayos na kami.” Binaling ko ang tingin ko kay Sam na blangko lang ang tingin sa'kin. “Actually inimbitahan nga siya ng Mama ko na mag dinner sa bahay mamaya.” Sinabi ko 'yon habang nakatingin kay Sam para lang malaman niya na makakasama ko si Amber.

Nagbago ang mood niya. Kung kanina blangko ang lang ang reaksyon niya ngayon nakita kong na apektuhan siya.

“So meet your Mom na pala ang relasyon n'yo ngayon.” Kelly said.

“Yup!”

“Kasal na ba ang sunod?”

“Sana.”

“Good news 'yan, ano kaya kung mag double date tayo?”

Woe! What?

“I don't think magandang idea honey.” Sam said, disapprovingly.

“Tama si Vice President.” I agreed.

“Bakit naman?” She asked.

“Medyo mahiyain kasi 'yong girlfriend ko eh.”

“I see. Next time na lang siguro.”

Ngiti lang ang sinagot ko kasi sa totoo lang sigurado akong hindi mangyayari ang double date na 'yon.

“Mauna na kami sa'yo.” Paalam ni Kelly sa'kin.

Tumango lang ako bilang sagot.

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon