Napapayag ko si Amber na maging date ko sa Anniversary nila Sam at Kelly. Naging mahaba habang usapan ang nangyari mapapayag ko lang siya.
Papunta na 'ko sa bahay niya para sunduin siya. Nang makarating naman ako, ang secretary niyang si Majah ang nagbukas ng pinto para sa'kin dahil busy pa sa pagaayos niya si Amber.
Parang bigla tuloy akong na excite na makita siya.
Paglabas niya ng kwarto niya parang naging slow motion ang lahat nang makita ko siyang dahil sa sobrang ganda sa white gown niya. Wow!
"Positive namang 'yang tingin na 'yan 'di ba? I mean, okay naman ang itsura ko 'di ba?" She shyly asked.
"You look beautiful, mas maganda ka pa sa iniisip ko."
Nag blush siya dahil sa sinabi ko, mukhang unti-unti na siyang na aapektuhan sa mga sinasabi ko.
Majah makes a fake cough. Sabay kaming tumingin sa kanya dahip do'n.
Inabutan niya ng wine si Amber at ininum niya naman agad ito. Para saan kaya 'yong wine na 'yon? Pangpalakas ng loob?
She shakes her hands, siguro dahil kinakabahan siya.
Hinawakan ko 'yong mga kamay niya.
"Everything will be okay." I reassured. "Hahawakan ko lang ang kamay mo para mawala ang kaba mo."
"Ang sweet!" Majah comments.
I just grin at her.
Nag lakad na kami ni Amber palabas ng bahay niya. Dumiretso kaming dalawa sa kotse ko. Pinagbuksan ko pa siya ng pinto para magpaka gentleman. Sa pagsakay ko naman ng kotse ko sinimulan ko naman na ang mag maneho papunta sa venue ng Anniversary.
Nang makarating kami do'n. Just like ng promise ko sa kanya, hawak hawak ko lang 'yong kamay niya tulad ng pangako ko sa kanya, sana lang nakakatulong 'yong pag hawak ko ng kamay niya.
Halos lahat ng invited ay mga businessman n hindi ko na ipinagtaka.
"Mr. Lawrence..." Mr. Gonzales the President greeted me nang makita ako.
Humigpit bigla 'yong hawak ni Amber sa kamay ko. "What a surprise! " He’s looking directly at Amber.
"President, she’s my date... Amber Tuazon." Pagpapakilala ko kahit na alam kong kilala na nila ang isat-isa.
He offered his hand on her. "We met again."
Bumitaw sa pagkakahawak ng kamay sa'kin si Amber at nakipag shake hands sa kanya.
"Hindi parin po kayo nagbabago."
"Compliment naman siguro 'yan, 'di ba?"
She just nodded to her.
Hinawakan ulit ni Amber 'yong kamay ko at this time ako naman ang humigpit sa pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Excuse me, may mga babatiin pa ko." President said.
We just bow to him bilang sagot.
"Enjoy, Ms. Tuazon!" He smirked to her, arrogantly tsaka naman ito nag lakad papunta sa iba pang mga guest.
"I’m sorry." Paghingi ko ng tawad sa kanya.
Tumingin lang siya sa'kin.
"Wala manlang akong nagawa o nasabi."
"May nagawa ka."
Tinignan ko lang siya ng ano-naman-yun look.
Pinakita niya 'yong kamay naming magkahawak. 'Yon siguro ang ibig niyang sabihin. I grin at her. She just smile at me.
Nakakatulong naman pala ang paghawak ko sa kamay niya. Tumalon tuloy sa tuwa ang puso ko.
Inilagay ko ang kamay niya sa dibdib ko.
"Nararamdaman mo ba 'yan? Ikaw ang dahilan kung bakit ganyan kabilis ang tibok ng puso ko."
She laughed, softly. "Korni huh!"
"Korni talaga 'pag in love."
Tinitigan ko siya sa mga mata niya para malaman niyang sincere ako sa sinabi ko.
"Damon..." I heard Kelly called. Shit!
Sabay kaming tumingin sa kanya. Magkasama sila ni Sam na hindi ma-ipinta ang mukha habang mag ka-hawak pa sila ng kamay.
Bumeso ako kay Kelly.
"Who’s this lucky girl?" Kelly asked. She’s looking at Amber.
"She’s Amber, my..."
"Girlfriend!" Amber snapped, finishing my words. Wow!
Kelly miled at her. "Hi im Kelly, he’s my husband, Samuel."
Nag shake hands silang dalawa na akala mo hindi magkakilala.
"You’re lucky with Damon." Kelly added.
"I know!" Pagsangayon naman ni Amber.
"Excuse us, mag sisimula na ang party." Sam said. Tumingin siya ng blangko kay Amber. "Enjoy yourself!" He added tsaka sila naglakad palayo sa'min ng magkahawak kamay.
"What was that?" I asked her, grinning.
"Yung alin?"
"Nagpakilala ka bilang girlfriend ko?"
Umiwas siya ng tingin kaya hindi ko tuloy maiwasang isipin na ginawa niya lang 'yon para pag selosin si Sam.
"Kilala mo pala 'yong asawa niya?" Pagbabago niya ng topic.
"Hindi ba niya nabangit?"
She shakes her head. "Close ba kayo?"
I nodded. "She’s actually my first heartbreak."
Tinignan niya 'ko ng gulat na gulat. "Naging kayo?"
"No, basted ako." Natatawa kong sabi. Pero siya gulat pa din. "Bakit nasa itsura ko ba ang hindi na babasted?"
She nodded.
"Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon." Pagbabago niya bigla ng topic.
"Ha?" Pagtataka ko.
"'Yong pagpapakilala ko bilang
girlfriend mo."'Yon pala!
"Hindi ba dahil para pagselosin siya?"
She shakes her head. "Hindi dahil do'n." Hindi dahil pinagselos niya si Sam? Anong ibig sabihin nun?
Nagtitigan lang kaming dalawa sa mata ng bawat isa. Binabasa ko ang iniisip niya pero masyado siyang
mahirap basahin.Nag simula na event, pumunta sa stage ang mag asawa na may hawak na wine.
They greeted us.
Kung hindi ko alam ang kwento nila baka isipin ko happy married couple sila dahil sa galing umarte ni Sam na mahal na mahal niya si Kelly. Mas lalo lang akong na inis sa kanya dahil ang galing niyang umarte.
Nag request ang mga guest ng kiss sa couple. Nung una mukhang nag hesitate si Sam at napatingin oa sa direksyon ni Amber pero ginawa rin naman niya ang request ng crowd at hinalikan si Kelly sa labi nito.
Naramdaman ko ang biglang paghigpit ni Amber sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Siguro dahil nasasaktan siya sa nakikita niya.
Nag request pa ulit sila ng kiss sa couple. Tumingin na 'ko kay Amber, yumuko siya para siguro hindi na makita pa ang paghalik ni Sam sa asawa niya.
Hindi ko kayang nakikita siyang ganito, nasasaktan din ako. Kung sana may magagawa lang ako para sa kanya.
Humarap ako sa kanya para hindi niya makita ang mag asawa na maghahalikan. Hinawakan siya sa chin para tumingin siya sa'kin tsaka ko siya hinalikan ang labi niya ng matagal.
Nang matapos ko siyang halikan tinignan ko siya sa mata.
"'Wag mong ipapakita sa'kin na nasasaktan ka, dahil nasasaktan din ako."
"Sorry." Mahina niyang sabi.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/83719259-144-k358747.jpg)
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...