Niyaya ko ang secretary ko na si Mario na uminum sa isang Bar. Hindi nalang siya naging secretary sa'kin para na rin siyang naging barkada ko dahil siguro same age lang kami kaya mabilis kaming nagka sundo. Pagdating sa office, boss niya 'ko pero pag nasa labas na pwedeng kaibigan nalang.
Ang dahilan ng pagyaya ko sa kanyang uminum ay dahil sa kakaisip kay Amber Tuazon hindi ko alam kung bakit ko siya iniisip, kung bakit lagi nalang siyang pumapasok ng biglaan sa utak ko. Minsan natatauhan nalang ako na wala na pala ako sa mundong ginagalawan ko dahil sa kakaisip sa kanya. Para kasi lagi ko siyang nakikita naka ngiti sa'kin.
Nababaliw na ata ako!
"Sir, babae 'yan nu?" Mario asked.
"Ang alin?"
"Yang iniisip mo."
I chuckled. "Paano mo nalaman? Halata ba sakin?"
"Oo sir, dalawa lang naman ang dahilan kung bakit tayo umiinum e. Una dahil sa babae, pangalawa dahil sa babae ulit."
I laughed. "Kasalanan ng mga babae kung bakit nagiging lasingero na ang karamihan ng lalake." Nakipag cheers siya sa'kin dahil nag agree siya sa sinabi ko.
Tumingin na lang ako sa mga taong nag sasayaw sa dance floor na halatang nag eenjoy sa pakikipag flirt sa mga kasayaw nila.
Napatingin ako sa entrance ng Bar at do'n nakita ko ang gumugulo lagi ng isip kong Si Ms. Tuazon. Hindi ko alam na pumupunta rin pala siya ng Bar.
Simple lang ang suot niya, nakapantalon, white tshirt nakapusod din ang buhok niya. Kasama niyang pumasok ng Bar ang secretary niya umupo sila sa bandang gilid ng Bar at nag order ng ma-iinum sa waiter.
"Sinong chicks ang tinitignan mo, sir?" Tanong ni Mario.
Tinuro ko ang direksyon nila Ms. Tuazon.
"Sino sa kanilang dalawa?"
"'Yong naka white."
"Type mo O kakilala mo?"
"Pareho?" Patanong kong sagot.
He laughed. "Lapitan natin."
I shake my head. "Hayaan na muna natin sila."
Pinanuod ko lang silang dalawang nagiinum. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanila baka kasi may biglang lalakeng lumapit sa kanila at guluhin sila.
Habang pinagmamasdan ko siya hindi ko ma-iwasang mapaisip. May problema kaya siya? Bakit siya umiinum? Nagaway kaya sila nung Sam na 'yon?
Ginugulo na naman niya 'yong isip ko.
Lagpas na ng isang oras na nagiinum sila Ms. Tuazon ibig ding sabihin nun lagpas nang isang oras na pinagmamasdan ko sila.
May nakita akong lumapit sa kanilang isang lalake at mukhang niyayaya silang sumayaw sa dance floor.
Uminum ako ng beer, tumayo at lumapit sa kanila.
"Dude pasensya na may kasama na sila." Sabi ko dun sa lalake at binigyan siya ng back-off glare.
Umalis na rin naman siya at sumama na dun sa mga kasama niya.
"Mr. Lawrence?" Ms. Tuazon called me. Mukhang lasing na siya.
She giggles. "What are you doing here? Are you stalking me?"
I chuckled. "Mukha ba 'kong stalker?"
She laughed. "Yah!"
"Pasensya na, lasing na kasi." Her secretary said. What’s her name again? Uh... Majah nga pala.
"I’m not drunk Maj."
"Umuwi ka na kaya, lasing ka na e." Kumento ko.
Tinulungan ko siyang tumayo kahit nahirapan siya sa pagkalasing niya.
Lumapit na din samin si Mario kaya nag salita ako. "Ikaw ng bahala sa drinks nila at kay Ms. Majah ihahatid ko na si Ms. Tuazon." I told him.
Tumango lang siya bilang tugon sa utos ko.
Inilagay ko ang braso niya sa balikat ko at inalalayan siyang maglakad palabas ng Bar.
"I can walk!" Bumitaw siya sa pagaalalay ko sa kanya kaya muntikan na siyang matumba buti nalang nasalo ko siya.
"No you can’t! "
"Yeeeeees, i caaaaaaan." Pagmamalaki niya.
Tumayo siya ng tuwid at tila nag focus sa daan. "See, i can walk straight."
I just laugh at her. Ang cute niya kasi.
"Are you laughing at me?"
I shake my head, smiling.
Sinusubukan niya talaga best niya para makapaglakad ng matuwid pero walang epekto dahil gumegewang pa din siya. Hinayaan ko na lang siyang maglakad dahil 'yon ang gusto niya. Pagmatutumba siya do'n ko lang siya hinahawakan pero binibitawan ko din naman agad siya dahil ayaw niyang magpahawak. Paulit ulit niyang sinasabi na "i can walk" Nilalagyan na nga niya minsan ng tono e, kinakanta na niya.
Lasing nga talaga siya!
Bigla naman siyang huminto sa paglalakad na dahilan para huminto din ako. Humarap siya sa'kin. "You’re mad at me, right?!" She asked.
"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo."
She chuckled. "Siguro nandidiri ka sa'kin dahil isa akong mistress!"
'Yon pala ang ibig niyang sabihin.
She pointed me. "Hindi kita pipigilan na husgahan ako pero gusto kong malaman mo na hindi mo naman alam ang buong nangyari sa'min ni Sam kaya hindi mo 'ko pwedeng husgahan."
Naglakad siya palapit sakin pero muntikan na naman siyang matumba buti nalang nasalo ko ulit siya.
Iniyakap ko siya sa'kin dahil hirap na siyang tumayo. "Hindi mo ko pwedeng husgahaaaan!"
"Oo na." Binuhat ko na siya at dinala ng kotse ko. Buti nalang hindi kami masyadong nakalayo sa paglalakad at magagamit ko pa din ang kotse ko pauwi.
Nang ma-i-sakay ko siya sa kotse ko, turn ko naman sumakay. Pagkapaandar ko ng makina, sinimulan ko agad ang byahe.
Hindi ko alam kung saan siya dadalhin kaya ang plano ko ay sa i-uwi na lang siya sa bahay ko.
Nang makarating kami sa bahay. Binuhat ko na ulit siya dahil wala na siyang malay dahil sa kalasingan niya.
Pagpasok ko sa bahay, pa-akyat na 'ko sa second floor para sana dalhin siya sa guest room kaso bigla namang nag pakita si Mama.
"Si Amber ba 'yan, anak?" Gulat niyang tanong.
"Siya nga po, Ma."
"Bakit kayo magkasama at bakit siya... lasing?"
"Niyaya ko kasi siyang uminum. Hindi ko alam na mahina pala siyang uminum kaya mabilis siyang nalasing. Hindi ko naman alam kung saan ang bahay niya kaya dito ko na dinala." Pagpapalusot ko.
"Gano'n ba. Sige dalhin mo na siya sa guest room."
"Opo!" Hu! Buti na lang gumana ang palusot ko.
To be continued...
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...