It's weekend means... walang pasok.
I'm staying here at my Unit, si Damon naman ay wala. Pumunta siya sa... hindi ko alam, hindi naman niya sinabi. Araw-araw siyang umaalis pero hindi naman niya sinasabi kung saan siya pumupunta. Ang totoo niyan ilang araw na niya akong hindi inaaway o pinapansin manlang after ng nangyaring paghalik ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, parang mas bet ko tuloy na tinatarayan niya ko kasi kahit papaano pinapansin niya ako.
Dumating na ang gabi at ngayon ko lang narinig ang pagdating ni Damon. Tumingin ako sa direksyon ng pinto para tignan siya at napatayo ako sa gulat nang makita may pasa ito sa mukha niya.
Dali-dali akong napatayo sa pagkakaupo ko sa couch at nag lakad papalapit sa kanya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge niya. "Ano'ng nangyari?" Pagaalala ko.
Hinawi niya lang ang mga kamay ko at hindi sumagot. Nag lakad lang siya papunta sa couch at umupo.
"Damon, sabihin mo kung ano'ng nangyari. Nag aalala ako!"
"Hindi naman ako 'yong Damon na boyfriend mo kaya bakit ka pa nag aalala?"
"Dahil ikaw si Damon! At nag aalala ako kahit sinong Damon ka pa sa tingin mo."
Hindi lang na naman siya umimik.
"Pwede ba, magsalita ka naman! Nakakainis na lagi ka nalang ganyan!"
"Manahimik ka na nga lang pwede? Ang sakit na nga ng katawan ko e, ang dami mo pang sinasabi!"
"Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin kung ano'ng nangyari sa'yo, para manahimik na 'ko!"
"Hindi pa ba obvious sa mukha ko?"
Nakakainis talaga siya! Bakit ba lagi na lang siyang ganyan kapag kausapain ako? Hindi ba niya naiisip na nasasaktan ako?
"Mahirap bang sabihin sa'kin kung ano'ng nangyari sa'yo? Mahirap bang kahit minsan kausapin mo 'ko ng maayos? Mahirap ba'ng tanggapin na minahal ako nung isang ikaw kaya ang cold and ang rude mo sa'kin?"
Tumayo siya ulit at kitang-kita ang inis sa mukha niya. "Ikaw sa lahat ang makakaintindi na mahirap ang lahat ng 'to para sa'kin."
"Mahirap din 'to para sa'kin! 'Yong lalakeng mahal ko nandito nga pero parang wala din. Kasama nga kita pero parang hindi. Masakit para sa'kin ang lahat ng 'to. Ang makasama ka na lang dito at makita ang nagpapalakas ng loob ko kahit na 'yong trato mo sa'kin ay isang stranger. Ang gusto ko lang naman sabihin mo sa'kin kung ano'ng nangyayari sa'yo kasi miss na miss na kita, miss na miss ko na 'yong paguusap natin, miss na miss ko na ang lahat sa'yo! Mahirap ba'ng gawin 'yon?"
Bumuntong hininga siya tsaka siya muling nag lakad palabas.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Magpapalamig ng ulo!" Sagot niya tsaka siya tuluyang nakalabas ng Unit.
Nag lakad nalang ulit ako papalapit sa couch. Umupo ako at inilagay ang mga kamay sa ulo ko, ramdam ko ang sobrang kirot sa puso ko kaya 'di ko na pigilang maging emosyonal at umiyak na naman. Ang sakit na talaga ng ganito ang sitwasyon namin, bakit ba kasi ang tagal niyang makaalala?
Araw-araw naman kaming nagkikita pero parang kahit isang memorya walang bumabalik sa kanya.
Pumasok na lang ako sa kwarto ko, humiga ako sa kama ko at nag talukbong ako ng kumot. Ipinikit ko ang mga mata ko tsaka ko naramdaman ang luha ko sa gilid ng mata ko.
Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil sa narinig kong kalabog mula sa labas ng kwarto ko. Minulat ko ang mata ko para tumingin ako sa direksyon ng pinto.
Bumangon ako ng kama at nag lakad papalapit sa pinto nang buksan ko ito nakita ko si Damon na nakasandal pinto ko at dahil sa pag bukas ko ng pinto bigla siyang napahiga sa sahig.
"Mmm." He murmured. Lasing ba siya?
"Damon?" I called. Ginamit ko 'yong paa ko para galawin siya sa balikat niya para gisingin siya.
"Mmm."
"Tumayo ka nga dyan!" I told him. Hinawakan ko siya sa kamay tsaka ko siya pinilit hilain para tumayo siya kaya lang binibigatan niya ang katawan niya.
"Damon, stand up!"
Parehong kamay na niya 'yong hinawakan ko para patayuin siya.
"Damon, 'wag ka dyang humiga do'n ka sa kama." I told him again. Sinubukan naman niyang makatayo kahit hirap na hirap siya, kung hindi ko pa mga aalalayan hindi na siya makakatayo.
Ipinatong ko ang braso niya sa balikat ko tsaka ko siya tinulungang makalakad papalapit sa kama. Ibinagsak ko siya sa kama dahil sa sobrang bigat niya. Nang ma-ihiga ko siya ng maayos, hinubad ko lang 'yong polo shirt niya tsaka ko siya hinayaan ng makatulog ng maayos.
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan siya. Ano na naman kayang pumasok sa utak niya at uminum siya na inabot pa ng halos hindi na siya makatayo? Hindi talaga siya nag iingat.
Humiga na lang din ako sa tabi niya. Wala naman siyang malay ngayon siguro pwede ko siyang yakapin. Ito lang ang ikinaganda ng paglalasing niya. Iniyakap ko sa kanya 'yong kamay ko tsaka ko ipinikit muli ang mga mata ko para matulog na ulit.
Nagising ako mula sa pagkakatulog, na ramdam ko ang braso ni Damon na nakayakap sa'kin. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa mukha niya. Ang sarap pa din ng tulog niya.
Hanggang sa dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at napatingin sa'kin. Nakita ko ang unti-unting pagkagulat na reaskyon sa mukha niya. Nag madali siyang bumangon sa kama na dahilan para mahulog siya sa kama at lumagapak sa sahig.
I heard him groaning, frustratingly.
Umupo ako sa kama at sinilip siya sa sahig. "Ayos ka lang?" Casual ko lang na tanong.
Umupo siya habang hinahaplos ang likod nito. "Mukha ba 'kong okay?"
"Mmm. Okay."
Ibinagsak ko na lang ulit ang katawan ko sa kama at tumingin sa kisame, then para akong nakaramdam ng hilo. Umupo na lang muna ulit ako pero parang mas lumala 'yong hilo ko. Napahawak ako sa labi ko dahil feeling ko dahil sa hilo ko, masusuka ako.
Nag madali akong bumangon sa kama ko at tumakbo papasok ng bathroom. Dumiretso ako sa cubicle para sumuka kaso, wala namang lumalabas na kahit na ano sa bibig ko.
Urgh! Ano ba'ng nangyayari sa'kin? Hindi naman ako kumain kagabi para masuka ako ng ganito. Wait! Oh my god! Biglang kumabog ng malakas anh dibdib ko dahil sa ideang pumasok sa isip ko.
Baka... oh shit! Paano nga kaya kung... Paano kaya kung kaya ako nasusuka at nahihilo dahil... baka... buntis ako?
"Ayos ka lang?" Dinig kong tanong ni Damon.
"Yeah!" I'm more forcing it. "Lumabas ka na."
"Gusto mo ng tubig?" He offered.
"Mukhang mas kailangan mo no'n, para sa amats mo."
"Tss. Nag o-offer na nga e, umaarte pa!"
Narinig ko na ang paglakad niya palayo, habang ako nanatili pa rin dito at nakakaramdam na ng pagpapanick.
Ano ng mangyayari kung totoo ngang buntis ako?
--
Keep voting.
![](https://img.wattpad.com/cover/83719259-288-k358747.jpg)
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...