AMBON present2 - 1

7.4K 239 26
                                    

--

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--

Damon Lawrence

Maraming beses na 'kong kinukulit ni Mama tungkol sa painting ng artist na si Amber Tuazon. Paborito niya daw 'yong pintor, hindi ko alam kung bakit.

Hindi ako fan ng kahit na anong arts, wala nga atang kahit anong art sa katawan ko e. Namana ni Mama ang hilig sa paintings dahil sa lola kong collector ng mga paintings. 'Yon naman ang hindi ko namana kay Mama mas kay Papa ako nagmana mas gusto kong mag trabaho sa office kesa ang mangulekta ng paintings.

My mom is calling... Sigurado kaya siya tumatawag ay dahil na naman sa painting nung Amber. I answered it.

"Hello anak, paalala ko lang ulit 'yong painting ni Ms. Amber Tuazon ah!"

"Opo Ma, papunta na nga 'ko sa gallery niya eh."

I sense her smile. "Thank you, Son. I love you."

I chuckled. "Matitiis ba naman kita?"

"Alam kong hindi kaya, may isa pa 'kong request."

"Ano po 'yon?"

"Pwede mo na din ba siyang kuhanan ng picture hijo? 'Yong kayong dalawa ang magkasama."

What? Seriously? Pati picture ba naman? Baka isipin nun baliw ako.

I sighed. Bahala na! For Mama naman e. "Sige na po, ibaba ko na 'to, nagmamaneho po kasi ako e. Love you, Mom."

"I love you too anak."

I ended the call.

Haaaay! Ang lakas talaga sa'kin ni Mama nag lalambing lang siya lumalambot na 'ko.

Isang oras din ata ang binyahe ko para lang makarating sa Gallery ni Ms. Tuazon.

Pagpark ko ng kotse ko, bumaba agad ako at pinagmasdan ko muna 'yong pinto papasok sa gallery niya.

"Sa wakas makikita ko na din ang kinababaliwang pintor ni Mama. Sana lang hindi siya wirdo."

"I'm sure she's not!" Boses 'yon ng isang babae na mula sa likod ko. Nilingon ko 'yon at isang mukhang mataray na babae pero maganda ang nakita ko.

Sinamaan niya muna ako ng tingin bago siya nag lakad papasok ng Gallery.

Fan din siguro siya ni Ms. Tuazon kaya gano'n nalang niya 'ko tarayan. Pati ba naman fan niya wirdo? Okay my Mom is fan of her but she's not weird.

Pumasok na 'ko ng Gallery at syempre ang unang bumungad sa'kin ang mga paintings niya. Naglakad ako dahan dahan habang pinagmamasdan yung paintings ni Ms. Tuazon. Lahat maganda kahit na hindi ko naman na iintindihan kung ano'ng ibig sabihin ng mga paintings niya.

"Good afternoon, sir. How may i help you?" A girl wearing blue blazer greeted me.

She's beautiful but definitely not my type. She must be Amber Tuazon.

I smiled, kindly at her para maka diskarte ng picture after kong bumili ng paintings niya. Pakapalan na ng mukha 'to.

"Your paintings are good, lahat ay sobrang ganda!" I compliment.

"I hope you don't find all the paintings weird." Biglang pagsulpot ng babae kanina na nagtaray sa'kin sa labas ng gallery.

"I'm not talking to you, i'm talking to Ms. Tuazon." Binaling ko na lang ulit ang tingin ko kay Ms. Tuazon. Mukhang sisirain pa ata ng fan niya ang diskarte ko.

That fan girl laughed. Nabaliw na ata.

"Uhm.. tingin mo ako si Amber?" A girl wearing blue blazer askes. I just nodded to her.

"No im not. She is." She pointed the girl before.

Napatingin ako do'n sa babaeng mataray dahil sa gulat. What the... Shit! Sirang-sira na nga talaga diskarte ko.

"I'm Majah Mendez, Secretary niya 'ko." She added. Oh Great! Secretary lang pala ang kausap ko.

"First, dapat alamin mo muna ang itsura ng artist. Second, I won't sell my paintings to you." She turn around and walk away.

Are you kidding me?

"Ganyan ba ka-taray 'yong boss mo?" Tanong ko sa secretary ni Ms. Tuazon.

"No, actually ganyan lang siya sa mga taong hindi fan ng arts."

"Look, kailangan ko talaga ng painting ni Ms. Tuazon fan kasi siya ng Mama ko kaya sana bentahan mo ko."

Okay im really desperate!

She shakes her head. "Sorry, she's the boss. Pakiusapan mo nalang siya, mabait naman 'yon e."

Mabait? Mukha bang mabait 'yon? E mukhang isang dosena ang problema nun sa sobrang sungit.

Napabuntong hininga ako. Dahil no choice ako hinanap ko nalang siya. Kung 'di lang 'to ni-request ni Mama hindi ko pagtitiisan ang babaeng 'yon.

I saw her on a small room, nag pipinta siya. Kumatok ako kaya na punta sa'kin ang atensyon niya.

Tumingin siya sa'kin ng blangko. "May kailangan ka?" She asked.

"Yes, 'yong painting mo."

"No, sinabi ko na sa'yo hindi ko ibebenta sa'yo 'yong painting ko."

"Look, okay aaminin ko hindi mo ako fan. I'm not even a fan of arts. It's my mom, fan mo siya." I explained pero mukhang hindi siya naniniwala.

Haay! Paano ko ba pa papaniwalain ang babaeng 'to?"

My phone ring... kinuha ko lang 'yon sa bulsa ko and nakita kong si Mom ang tumatawag.

"See she's calling. " Pinakita ko sa kanya 'yong screen ng cellphone ko. "For sure about 'to sa painting mo."

Sinagot ko na 'to agad at ni-loudspeaker.

"Anak, nakabili ka na ba ng painting ni Ms. Tuazon?"

"Not yet mom, pero nandito na ako sa gallery niya." Nakatingin lang siya sa'kin at mukhang unti-unti ko na siyang nakukumbinsi.

Mabuti naman!

"Okay, hijo. Don't forget her picture." Oh shit Mom! Bakit mo pa sinasabi 'yon?"

I sighed, embarrassingly. "Yes Mom." I ended the call.

Tumingin ulit ako kay Ms. Tuazon na nakangiti lang ng mapangasar sa'kin. Marunong naman pala siyang ngumiti.

"Naniniwala ka na?" Tanong ko.

She nodded. "Okay ibebenta ko na sa Mama mo 'yong painting ko."

Salamat naman!

"Dapat ba 'kong mag pose sa picture?" She jokes.

I shake my head. "No you don't have to."

She smiled, I just smiled back. "By the way, I'm Damon Lawrence." I offer my hand. Nakipag shake hands naman agad siya sa'kin.

Nag hanap na kami ng painting na pwedeng magustuhan ni Mama tinulungan niya 'kong pumili dahil wala talaga akong idea sa mga Paintings. Naging honest naman ako sa kanya do'n.

Nang makapili na kami kinuhanan ko siya ng picture gamit ang cellphone ko habang hawak niya ang painting. Nag pakuha din ako ng litrato naming dalawa sa secretary niya. Medyo nakakahiya 'yon pero naging game naman si Ms. Tuazon.

"Thanks!"

Sabi ko sa kanya dahil paalis na 'ko.

"Welcome, anything for a fan." Hindi naman pala siya weird tulad ng iniisip ko. At mukhang hindi rin naman siya masungit. Na inis lang siguro talaga siya sa sinabi ko kanina na weird siya.

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon