Nag sisimula na ngayon ang kasal ni Lucas at ni Joanne. 'Yong mokong kong kaibigan ang laki ng ngiti habang pinagmamasdan niya ang bride niya papalapit sa kanya.
In love nga talaga 'yong kaibigan ko, ngayon ko lang siya nakitang ganyan.
Gano'n din naman ang future niya, umiiyak siya siguro dahil sa tuwa. Bagay silang dalawa siguradong 'yon ang sasabihin ng lahat.
Binaling ko naman ang tingin ko kay Amber, kanina ko pa halos hindi maalis ang tingin sa kanya dahil talaga namang angbganda niya ngayon sa suot niyang simpleng puting dress.
Nawawala ang antok ko kapag pinagmamasdan ko siya. Dahil sa puyat kong pigilan ang sarili kong makagawa ng baka hindi magustuhan ni Amber, napuyat tuloy ako. Tsk! Kasalanan niya talaga 'to eh, buti nalang talaga mahal ko siya.
Natapos ang kasal nang parehong may masayang luha sa mata nung dalawang kinasal.
Lumapit din naman agad ako kay Amber dahil maliban sa pinagtitinginan siya ng ibang mga lalake dahil sa kagandahan niya, gusto ko na din talaga siyang akbayan at ipaalam sa lahat na... akin na siya.
Wala pa nga lang kompirmasyon mula sa kanya pero para sa'kin, akin na siya.
Hinawakan ko siya sa kamay at hinalikan ito nang hindi inaalis ang tingin sa magaganda niyang mga mata.
“What’s that look?” She asked.
"It’s a you-are-very-beautiful look." I wink making her laughed.
“Gusto mo na bang umuwi?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi ba muna tayo pupunta sa reception?”
Umiling ako. “Ayoko ng mga tingin sa'yo ng mga lalake dito baka pag malingat lang ako sandali may humihingi na ng number mo.”
She laughed. “Wala ka bang tiwala sa'kin na hindi ko basta-basta ipinamimigay number ko? Kapag in love ako, loyal ako.”
“So are you saying na, in love ka na sa'kin?”
“I'm just saying na loyal ako.”
Aww! Sayang.
“But i think magandang idea din na umuwi na para dumaan muna tayo do'n sa Mother Angel's House.”
“Sige, magpapaalam lang ako kay Lucas.” Binitawan ko na muna ang kamay niya para puntahan si Lucas na medyo busy pa sa mga nagpapa-picture sa kanila. Nang makahanap naman ako ng tyempo nilapitan ko naman agad siya.
“Dude, aalis na kami. Mahaba 'yong byahe namin eh.” Paalam ko sa kanya.
“Already? Hindi ba muna kayo pupunta sa reception?”
Umiling ako. “Hindi na dude.”
“Okay. Maginuman na lang ulit tayo after ng honeymoon namin.”
I chuckled. “Sige.” Nag handshake kami nang kaming dalawa lang nakakaalam 'tsaka ko naman binalikan agad si Amber.
Pumunta muna kaming dalawa sa Hotelroom namin para kunin ang gamit namin. Ako na ang nagbitbit ng mga ito. Nang magawa namin 'yon, pumunta na kami sa kotse ko at nilagay ko sa backseat ang mga bag.
Sabay na kaming dalawa na sumakay sa kotse. Ako ang magmamaneho kaya siya ang nakaupo sa passenger seat. Pinagana ko ang makina 'tsaka ko din naman agad sinimulan ang byahe namin.
“Ayos lang bang dumaan muna tayo sa grocery store?”
“For what?”
“Lagi akong nagdadala ng groceries pagpumupunta do'n sa orphanage.”
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...