Weeks after...
I'm at the school. Sinusubukan kong mag focus ng mabuti para sa pagaaral ko kahit medyo nahihirapan ako lalo na't laging pumapasok sa isip ko nag boyfriend kong hindi ako maalala.
It's been two weeks since i last saw him. Nangako ako sa kanya na hindi ako magpapakita and until now tinutupad ko din 'yon.
Sa ngayon ang balita ko sa kanya nakalabas na siya ng hospital isang araw after ng accident at hihinto din siya sa pagaaral. Ang utak niya kasi na stock sa taong labing lima at ang mga pinagaralan niya hindi naman daw niya naalala kaya he decided na mag stop na lang daw. Balik na din daw sa pagiging matigas ang ulo niya si Damon. 'Yong Damon daw na nakilala namin, walang wala na.
Lahat ng 'yon nabalitaan ko lang kay Mario.
Tinatanong ko siya kung minsan ba hinanap ako ni Damon, kaso ang sabi ni Mario hindi daw.
Sobrang sakit sa tuwing naaalala kong hindi niya ako naaalala o nakikilala. Madali nga lang talaga siguro akong kalimutan.
Sa pagdating ng uwian, sabay kami ni Maj na nag lalakad papunta sa parking. Pag dating namin sa parking nakita namin do'n na hinihintay siya ni Mario. Nag paalam lang ako sa kanilang dalawa tsaka ako nag lakad papunta sa kotse ko. Ayaw ko na kasing makita pang maglambingan sila, na iingit lang ako.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at sumakay. Nilagay ko ang gamit ko sa passenger seat, inistart ko ang makina ng kotse tsaka ko sinimulan ang byahe papuwi ng Unit ko.
Nang makarating ako sa parking sa condominium, pinark ko lang ang kotse ko at pinatay ang makina ng nito tsaka ako bumaba ng kotse at nag simulang mag lakad papunta sa Unit ko.
Sa pagdating ko sa Unit ko, may napansin akong nakatayo sa tapat ng pinto nito. Pinagmasdan ko siyang mabuti at kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ay si Damon.
Oh my god! Ano kayang ginagawa niya dito?
Nag madali akong makalapit sa kanya. May nakita akong gamit niya sa tabi nito.
"Damon?" Tawag ko sa kanya.
Lumingon siya at tumingin sa'kin. "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay!"
"A-anong ginagawa mo ba dito?"
"'Wag kang masyadong maging masaya! Hindi ako nandito dahil gusto kitang makita. Lumayas kasi ako at kailangan ko ng matutuluyan. Pwede ba 'ko dito?"
"Nag layas ka? Bakit ka nag layas?"
"'Wag ka ng magtanong, sabihin mo na lang kung hindi pwede!"
Tss. Nagtatanong lang e. Bakit ba ang taray-taray niya? Siya na nga lang 'tong makitira dito e.
"Sige, pasok ka."
Ini-unlock ko na 'yong pinto at ako na ang nag lead sa'min papasok ng Unit ko. Dumiretso kaming dalawa sa sala, nilapag niya lang sa sahig 'yong gamit niya tsaka niya pinalibot ang tingin sa Unit ko.
"Hindi mo pa rin ba sasabihin kung bakit ka nag layas?" Tanong ko.
"Hindi!" Umupo siya sa couch ko. Pinatong pa niya 'yong paa niya sa lamiseta. Feel at home ang mokong a.
"Bahala ka nga!"
Nakakairita ang pagiging mas mataray niya sa'kin.
Nag lakad na lang ako papunta sa kwarto ko pero bago pa man ako makapasok ng kwarto, narinig ko ang pagpigil niya.
"Teka!" Ano na naman kayang kailangan niya? Nilingon ko na lang siya.
"Saan ang kwarto ko?"
"Wala. Dyan ka sa couch!"
"Ano? Hahayaan mo 'kong matulog lang dito sa couch? Para ka namang hindi patay na patay sa'kin niyan!"
"Excuse me, sa isang Damon po ako patay na patay at hindi sa'yo!"
"Ako pa din 'yon!"
"Sa itsura at katawan Oo, pero sa ugali hindi!" Tumalikod na 'ko at tinuloy ang paglalakad papasok ng kwarto ko.
Binagsak ko katawan ko sa kama ko. Haay! Ngayon na lang ulit kami nagkita tapos mag tatarayan pa kaming dalawa. Bakit ba kasi ang hangin ng batang Damon na 'yon e!
Bakit din kaya siya lumayas? Ayaw din naman niyang sabihin. Tsk.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko tsaka ko dinaial ang number ni Tita. Ilang sandali lang sinagot din naman agad ni Tita.
"Hello hija?"
"Tita, tumawag po ako para ipaalam na nandito po si Damon."
"O thank god! Akala ko kung saan na siya pumunta buti naman at sa'yo siya dumiretso."
"Ano po ba'ng dahilan kung bakit siya lumayas? Ayaw po kasi niyang sabihin sa'kin e."
"Bumisita kasi dito sa Unit ang Papa niya, hindi niya nagustuhan 'yon kaya inaway niya ang Papa niya at naglayas."
"Gano'n po ba." So, tungkol lang pala 'to sa pagaaway nila ng Papa niya.
"Susunduin ko na siya dyan, baka dyan pa siya magpasaway sa'yo."
"Ayos lang naman po kung dito muna siya. Uh b-baka lang din po sa kaling habang nandito siya, makatulong 'yon sa pagbabalik ng memorya niya."
Sana nga makatulong ang pagtira niya dito na maibalik ang alaala niya about sa'kin at sa pagmamahal niya sa'kin. Namimiss ko pa naman siya. Namimiss ko na 'yong lambing niya at 'yong pagtawag niya sa'kin ng kung anu-ano.
"Sigurado ka ba? Matigas ang ulo niyan, malayo sa Damon na nakasanayan mo."
"Ang totoo Tita, nakilala ko rin naman siya na matigas ang ulo kaya wala po kayong dapat ipagalala. I can handle him."
"Okay, pero 'pag nag pasaway 'yan sa'yo sabihin mo lang sa'kin."
"Opo."
"Ibaba ko na 'to, hija. Ikaw na ang bahala sa kanya."
"Opo." She ended the call.
Buti na lang pumayag si Tita sa na isip kong idea. Kaya lang baka lagi kaming mag away nito ni Damon dahil sa pagiging mataray niya at mainitin ng ulo ko lalo na kapag nag tataray na siya. Feeling ko tuloy bumalik kami sa pagiging mortal friend-nemy. Friend na Enemy.
Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto at 'yong katok na 'yon halos sirain ang pinto ko. Tsk.
"Hoy Babae! Nagugutom na 'ko, hindi ka ba magluluto?" Dinig kong sabi niya habang kumakatok ng padabog sa pinto.
Eto na ata ang pinaka nakakainis na tinawag niya sa'kin sa lahat.
Umalis ako ng kama para pagbuksan siya ng pinto. "Hoy Amber ang pangalan ko! Itatak mo nga 'yan sa makakalimutin mong utak!"
"Fine Amber! Magluto ka na, nagugutom na 'ko!"
"Magluto ka magisa mo! Ikaw 'tong nagugutom ako pa uutusan mo. Tsaka kung makapag utos ka para mo 'kong katulong a!"
Pinagsarahan ko na lang siya ng pinto dahil lalo lang umiinit ang ulo ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Haay! Mas masakit siya sa ulo kesa sa dating Damon. Tama si Tita, iba nga siya sa dating Damon na kinasanayan ko pero kahit gano'n hindi ako susukong maaalala niya ako. Pero sa ngayon, nakaka buwiset siya!
--
Sorry maiksi. ✌
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...