Nasa kusina ako ngayon at nag luluto ng dinner namin ni Damon. Narinig ko na nag bukas ang pinto mula sa labas ng Unit kaya tingin ko dumating na si Damon.
Pinagpatuloy ko lang ang pag luluto ko hanggang sa narinig ko ang mga yabag ng paa niya papunta dito sa kusina. Nang lingunin ko siya, nakita ko siyang nag lalakad papalapit ng Ref.
Tumingin lang siya sandali sa'kin pero hindi naman ako binati.
"Damon," Tawag ko sa kanya pagka bukas niya ng ref.
"Bakit?" Tanong niya habang kumukuha ng tubig sa ref.
"Tinawagan ako ni Tita kanina, sinabi niya 'yong plano mong mamanhikan."
"I see." Matipid niyang sabi. Parang dedma nga lang siya sa sinabi ko sa kanya.
Kumuha siya ng baso tsaka siya nag salin ng tubig dito tsaka din naman niya agad na ininum ito.
"Seryoso ka ba do'n?" Tanong ko.
"Bakit ayaw mo ba? Na buntis kita kaya kailangan kong panindigan 'yan."
"'Yon lang ba 'yon?"
"May iba pa ba dapat?"
"Oo. Tulad ng... Dahil mahal mo 'ko."
"Ginawa ko lang naman 'yon dahil tingin ko 'yon ang gagawin nung isang ako."
So, dahil lang naman pala sa isang siya ulit. Lagi na lang 'yan ang dinadahilan niya.
"Okay." Matipid kong sabi. Minsan talaga nakakawala ng mood siyang kausap.
Nag focus na lang ako sa niluluto ko at nanahimik na lang. Sa nararamdaman ko ngayon, feeling ko kahit anong sabihin niya na hindi ko magugustuhan aawayin ko agad siya.
Sa pagtapos kong mag luto, nag hain na din naman agad ako tsaka namin pinagsaluhan ni Damon ang niluto ko. Tahimik pa din kami habang kumakain dahil wala nga ako sa mood na kausapin siya.
Ako na ang na unang natapos sa'ming dalawa sa pagkain kaya ako ang unang umalis sa dining. Dumiretso ako sa kwarto ko. Pumasok ako ng bathroom para lang mag toothbrush. After ko namang gawin 'yon humiga na 'ko ng kama tsaka ako kumuha ng libro para magbasa, pangpa-antok. Ilang sandali lang din naman pumasok si Damon sa kwarto pero hindi na 'ko nag abalang tignan pa siya.
Sinarado ko na lang 'yong librong binabasa ko. Nilapag ko lang muna sa side table 'yong libro tsaka ako nag talukbong ng kumot at tumalikod sa side niya ng kama.
"Hoy!" Dinig tawag niya pero hindi ko pa rin siya pinansin. Naramdaman ko ang paghiga din niya sa kama ko.
"Galit ka ba?" Dinig kong tanong niya.
Hindi ulit ako sumagot.
"Galit ka nga."
Wala lang ako sa mood kausap ka.
"Ayaw mo ba ng idea ko na mamanhikan kaya ka ganyan? Sige, sasabihin ko kay Mama 'wag na lang."
Huminga ako ng malalim dahil sa frustration na nararamdaman ko. Inalis ko ang pagkakataklob ko tsaka ako umupo at binalingan siya ng masamang tingin.
"Sinabi ko bang ayaw ko ng pamamanhikan? May narinig ka bang sinabi ko 'yon?" Irita kong sabi.
Umupo din siya mula sa pagkakahiga. "Kung gano'n bakit ka nagagalit sa'kin?"
"Dahil nakaka bwiset ka!"
"Ano namang ginawa ko na ikina-bwiset mo?"
"Hanggang kailan mo ba idadahilan 'yong isang ikaw? Bakit hindi mo sabihin 'yong totoong nararamdaman mo, hindi 'yong lagi mo na lang idadahilan 'yong isang ikaw?"
"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo. Ginawa ko ang lahat ng 'to dahil sa isang-"
"Dahil sa isang ikaw! Lagi na lang 'yan ang dahilan mo! Bakit hindi mo na lang aminin na nagugustuhan mo na din ako? At lahat ng ginawa mo ay gusto mo at hindi nung isang ikaw!"
"Bakit pa? Kapag sinabi kong gusto kita siguradong hindi naman ako ang makikita mo kundi 'yong isang ako. Siya 'yong minahal mo, hindi ako. Kaya mo lang naman ako pinakikisamahan dahil sa kanya at hindi talaga dahil gusto mo 'kong pakisamahan."
What? 'Yon ba ang iniisip niya?
"Ano ba 'yang sinasabi mo? Ikaw siya! Kahit baluktutin mo pa ang mundo ikaw siya. Kung sino 'yong Damon na tinitignan ko noon, 'yong minahal ko ikaw 'yon. Mahal kita, ikaw mismo!kaya bakit kinukumpara mo at kinakalaban 'yong sarili mo?!"
"Dahil aminin mo man o hindi, magkaiba kami."
"Hindi, pareho kayo! Pareho kayong annoying! Hindi buo ang araw nyo na hindi nyo 'ko napipikon! Parehong-pareho kayo!"
Bigla siyang humiga sa kama at tinalikuran ako. "Oo na! Matulog ka na!"
"Anong Oo na? Oo na, gusto mo na 'ko? o Oo na, manahimik na 'ko?"
Kanina pa niya ako gustong pagsalitain tapos ngayon patatahimikin niya 'ko?
Humarap siya sa'kin. "Oo na, gusto kita! Lahat ng sinasabi at ginagawa ko, 'yon ay dahil gusto kita!"
Thank God! Umamin din.
"See? Mahirap bang aminin 'yon?"
"Tss!"
Humiga na ulit ako. Kinuha ko 'yong braso niya at ginamit 'tong unan ko.
"Kung gusto mo na talaga 'ko, mag simula ka ng maging sweet."
"Hindi ako sweet."
"Sweet ka kaya, nahihiya ka lang."
Pumwesto ako sa paghiga pa harap sa kanya. Binaling naman din niya ang tingin sa'kin na may kunting ilang pa din. Napa amin ko na siyang gusto na niya 'ko, paano ko naman kaya mawawala ang ilang niya sa'kin?
Binaba niya ang tingin niya sa labi ko, gano'n ang ginawa ko. Dahan-dahan niyang iginalaw ang katawan niya at inilalapit ang mukha niya sa mukha ko para halikan ako sa labi.
Sa paglapat ng mga labi namin, sinuklian ko din ang halik niya. Hanggang sa unti-unti niyang pinusisyon ang sarili niya sa ibabaw ko.
Siya ang unang bumitaw sa halik naming dalawa at tumingin ito sa mga mata ko. Nakikita ko ang desire sa mga mata niya. Ngumiti lang ako sa kanya.
Hinubad niya ang t-shirt niya tsaka niya hinagis lang ang t-shirt niya sa sahig. Muli niya akong hinalikan at muli ko 'yong sinuklian. Pero sandali lang ang halik na 'yon, dahil ibinaba niya ang halik niya sa leeg ko. Naramdaman ko din ang mga kamay niya na unti-unting itinataas ang damit ko hanggang sa hubarin niya din ito.
Labi ko ulit ang hinalikan niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge niya para pabitawin siya sandali sa halik namin tsaka ako tumingin sa mga mata niya.
"I love you."
"Mee too. I... Love you."
Ngumiti kami sa isa't-isa. 'Yong ngiting 'yon, abot hanggang mata.
--
Keep voting sweetheart. 😂
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...