Bago ako pumunta sa Gallery ng mahal ko, bumili na muna ako ng singsing para isuot sa daliri niya. Nakapag propose na 'ko pero wala pa 'kong singsing na binibigay sa kanya.
After kong makabili ng ring, bumili naman ako ng isang bouquet ng bulaklak.
Nang mabili ko na lahat ng kailangan ko. Nag simula na ulit akong bumyahe papunta sa Gallery ng mahal ko.
Sa pagdating ko, nag park lang ako ng kotse 'tsaka ako bumaba dito na bitbit ang bulaklak habang nasa bulsa ko naman ang singsing.
Sa pagpasok ko ng Gallery niya, laking gulat ko na makita ang mga paintings niya na puro sira
halatang hiniwa ng matulis na bagay.What is happening here?
Where are they?
Narinig ako ng may sumisigaw ng “tama na.” malapit sa kung saan nag pipinta si Amber.
Dali-dali akong pumunta sa direksyon kung saan ko narinig 'yong sumigaw at nakita ko ang isang babaeng nakatalikod which i think si Kelly at si Majah na hinahawakan ng isang
lalake habang si Amber ay inaapakan ang kamay ng isang hindi ko kilalang lalake.Fuck!
Dali-dali kong sinugod 'yong lalake at sinuntok siya na ikinatumba niya, pinagsisipa hanggang sa may makita akong duguan na siya.
Lumapit din sa'kin 'yong lalakeng nakahawak kay Majah at plano akong suntukin pero nakailag ako at siya naman ang sinuntok ko na ikinatumba din nito.
“Damon,” Dinig kong tawag sa'kin ng mahal ko. Tumingin at lumapit agad ako sa kanya.
She’s holding her hands na inapakan ng lalakeng sinipa ko. Kita sa reaksyon niyang nasaktan siya sa ginawa niya.
Tinulungan ko siyang makatayo 'tsaka ko sinamaan ng tingin si Kelly na wala manlang reaksyon sa nangyayaring gulo.
“Bakit mo 'to ginawa?” Tanong ko.
“Dahil mistress siya ng asawa ko. Siya ang dahilan kung bakit ako laging umiiyak, tama lang sakanya yan!”
Lumapit ako sa kanya. “Mapapatawad ko pa ang ginawa mo sa mga paintings niya pero 'yong ginawa mo sa kamay niya walang kapatawaran Kelly! Artist siya kaya importante sa kanya ang kamay niya!”
“Wala akong pakialam! Kasalanan niya 'yan dahil pumatol siya sa asawa ko!”
“Kasalanan 'yon ng asawa mo! Dahil hindi siya maka-move on kay Amber.”
“Damon,” Dinig ko ulit na tawag sa'kin ni Amber.
Nilingon ko ulit siya. Napahiga siya sa sahig at nawalan ng malay.
Lumapit agad ako sa kanya at agad
siyang binuhat. Dinala ko agad siya sa kotse ko habang nakasunod sa'min si Majah na nag aalala din kay Amber.Pinapwesto ko sila Majah sa likod ng kotse para maalalayan niya si Amber.
Pinatakbo ng mabilis ang kotse ko at dinala ko siya sa hospital. Hindi na 'ko nag aksya ng oras na patingnan siya sa doctor.
'Di ko mapapatawad si Kelly kapag may nangyaring hindi maganda kay Amber.
Nang makarating kami ng hospital, ipinatingin ko agad sa doctor ang kamay ni Amber. Agad-agad din naman nila itong chineck kung may bali ang kamay niya.
Doctor said luckily walang bali ito pero but still kailangang lagyan ng semento. It means, hindi pa siya makakapagpinta pangsamantala. Mas okay nang hindi siya makapagpinta ng pangsamantala 'wag lang habang buhay dahil baka ikalungkot na niya 'yon ng sobra.
Habang hinihintay naming magising si Amber tinanong ko si Majah kung ano bang nangyari kanina nung wala pa 'ko.
She told me na, Amber is preparing to see me nang dumating si Kelly na may kasamang dalawang alalay. Hindi naman daw inawat ni Amber ang mga tauhan ni Kelly na hiwain ang mga paintings nito, hinayaan niya lang ang mga ito.
Hanggang sa kinumpronta na siya ni Kelly at kung anu-anong hindi magagandang pangalan ang itinawag sa kanya. Pero kahit may confrontation na, hindi parin siya pinatulan ni Amber hanggang sa inutos na nga ni Kelly na baliin ng alalay niya ang kamay nito. Ayaw man ni Amber ng inutos ni Kelly sa tauhan niya wala na 'tong nagawa dahil masyadong malakas 'yong lalake. Sinubukan din ni Majah na awatin ang lalake pero pinigilan siya nung isa pang lalake at 'yon na nga daw ang naabutan ko.
Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa 'to ni Kelly. I know she's hurt pero parang sumobra naman ata siya sa ginawa niya kay Amber.
Narinig naming nag bukas ang pinto kaya napunta ang tingin namin do'n at nakita naming pumasok ang hingal na hingal na si Sam ang pumasok.
Nag init agad ang ulo ko pagkakita ko palang sa kanya.
Tumayo ako at lumapit ako sa kanya, kwinelyuhan ko siya at inambahan ng tingin. Gusto ko siyang sapakin pero pinipigilan ko dahil ayaw ko pang magising si Amber at isa pa nasa hospital pa kami.
“What are you fucking doing here?” I asked, glaring.
“Kelly told me what she did kaya pumunta agad ako dito.”
“This all your fucking fault! Kung hinayaan mo nalang sana siyang sumaya hindi 'to mangyayari!”
“Sasaya na siya ulit dahil ibabalik ko na siya sa'kin!”
Gustong-gusto ko na talagang siyang sapakin.
“Tumigil na kayo.” Narinig kong mahinang sabi ni Amber.
Tumingin ako sa direksyon niya. She's now awake. Patulak kong binitawan si Sam at agad na lumapit kay Amber at hinawakan ang walang bali niyang kamay. “Pakiusap itigil n'yo na ang pagaaway nakakapagod na.” She added.
“I'm Sorry my love titigil na kami.”
“Hindi ako titigil hangga’t hindi ka bumabalik sa'kin, Babe.” Sam said.
Langya talaga!
Hindi manlang niya iniisip ang pakiusap ni Amber. Napaka makasarili niya.
“Ako ng bahala kay Kelly." He added.
“Tumigil ka na Samuel, pakiusap ayoko na! Palayain mo na 'ko sa'yo, pagod na pagod na 'ko!”
“Mahal kita babe kaya hindi ako susuko. Nangako tayo 'di ba? Kahit pa sumuko na ang isa, lalaban pa rin 'yong isa? Ipaglalaban natin 'yong sa'tin hanggang dulo 'di ba? Nangako tayo---”
“Sam,” Pagpuputol ko sa walang kwenta niyang speech. “Umalis ka na pwede ba?” Kalmado kong sabi pero nando'n ang diin. “Pagpahingahin mo naman si Amber sa problema, 'wag ka nang dumagdag!” Dagdag ko.
He just glared at me.
Nang tumingin siya kay Amber, mukhang concern din siya ngayon sa kanya kaya hindi na rin siya nakipagtalo pa.
Pinanuod ko lang siyang lumabas ng kwarto.
Sa paglabas niya, binalik ko ang tingin kay Amber na tinitignan ang kamay niyang may semento. Biglang tumulo ang mga luha niya.
“Anong sabi ng doctor sa kamay ko?” She asked.
“Don't worry, hindi naman daw malala. Maybe for a couple of weeks mag he-heal ka na. You still good to paint.”
Kahit na nabigyan ko siya ng magandang balita patuloy lang siyang lumuha siguro dahil sa relief.
I wiped her tears and i kissed her forehead. “Don't cry my love, i love you.”
I don't know now kung paano siya i-co-comfort. Pero one thing for sure i won't stop na i-comfort siya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...