AMBON presents2 - 23

3.9K 173 13
                                    

PAUWI na 'ko galing sa trabaho at ang una ko agad na plano ay puntahan si Amber sa Gallery niya dahil miss ko na siya kahit na nagkita at nagsama naman kami kagabi. I don't but lagi ko siyang namimiss. Ang korni pakinggan pero totoo.

Eto ang epekto niya sa'kin.

It's been a week since naging official kaming dalawa. It's been a week since parang naging perfect ang lahat sa'min. Naging masaya si Mama nang malaman niyang kami na kahit pa alam na niya 'yong nakaraan ni Amber. Magaan sa pakiram na lahat umaayon sa'min. Hindi na rin masyadong nangugulo si Sam. Hindi na rin daw binibisita ni Sam si Amber o maski ang guluhin ako sa office ko para lang sabihin na tigilan ko na si Amber hindi niya ginagawa. I'm hoping na kaya siya na nanahimik na ay dahil tanggap na niyang wala na sila ni Amber at seryosohin nalang niya ang asawa niya.

Nang makarating ako sa Gallery ni Amber. Pagka-park ko, pumasok agad ako at naabutan kong nag ku-kwentuhan lang silang ni Majah.

Tumingin sila sa'kin nang mapansin ako. Ngumiti siya agad at naglakad siya papalapit sa'kin 'tsaka ako hinalikan sa labi ng mabilis.

“Dito ka ba dumiretso?” She asked.

I nodded. “Yup! Namiss kita agad eh.”

She giggles. “Namiss agad? Magkasama lang tayo kagabi nu! Magkausap pa tayo sa cellphone kanina.”

I pout. “Eh sa namiss kita eh.”

“Oo na! I miss you too.”

I kissed her forehead, grinning.

“Anyways, can you come with me?” I asked.

“Where?”

“Gusto kitang makasamang manuod ng Sunset.”

Her face brightens. I can tell by her eyes and wide grin na na-excite siya. “I love sunset!”

“Really?”

She nodded. “I know a place! Pwede do'n nalang tayo?”

I nodded. “Sure! Wherever you want.”

Nag paalam na kami kay Majah at hinayaan din naman niya agad kaming umalis. Siya na lang daw bahala sa pagsasara ng Gallery.

Pumunta din naman agad kami sa kotse ko at sumakay dito. Pinagana ko na agad ang makina at hinayaan ko siyang ituro sa'kin ang daan papunta sa place kung saan siya mahilig manuod ng sunset. Aksidente niya lang daw 'tong nakita noong bago palang siya dito sa Manila. Nagandahan siya sa view kaya simula daw noon do'n na siya laging nanunuod ng sunset.

Nang makarating kaming dalawa sa sa sinabi niyang place. It's a beautiful river park. Pinark ko lang muna ang kotse ko 'tsaka kami nag simulang mag lakad nang magkahawak kamay.

May mga benches at may mangilan-ngilang nag bi-bisikleta.

Pumwesto kami sa pagupo sa bench at sinimulang pagmasdan ang sunset. Hindi maialis ni Amber ang ngiti niya sa labi niya habang pinapanuod ang pag lubog ng araw, ako naman... ang tingin sa kanya. She's so pretty. I can't stop to admire her.

“Damon,” Dinig kong tawag sa'kin ng isang pamilyar na boses. Nilingon ko 'yon at napatayo ako nang makitang si Kelly 'yon and she's with her husband.

Shit! Anong ginagawa nila dito? Sa dami ng araw na pwede silang pumunta dito, bakit ngayon pa?

Lumingon din si Amber sa kanila at napatayo din tulad ko.

“Hey guys! Kumusta na kayo?” She asked.

“M-mabuti naman, ikaw? Kayo?” I asked.

Sam is looking directly at my girlfriend kaya hindi ako masyadong nakakaramdam ng maganda. Ayokong tinitignan niya si Amber na parang miss na miss niya 'to, naiinis ako!

“We're good. Nanunuod din ba kayo ng sunset?”

“Yup!”

“Kung gano'n baka gusto n'yong sumabay na sa'ming mag dinner?” She asked again.

Hindi magandang idea 'to.

“Actually may plano kami ngayon ni Amber.”

“I see. Sayang!”

“Next time nalang.” Sana walang next time na magkita-kita ulit kaming apat sa iisang lugar.

“How about magbakasyon tayong apat? What do you think guys?” Kelly asked us.

Shit! Napatingin nalang ako kay Amber dahil sa tanong ni Kelly. Gusto kong malaman ang reaksyon niya pero blangko ang nakikita ko.

“I don’t think that’s a good idea, Honey.” Hindi pagsangayon ni Sam.

“Tama siya, masyadong maraming trabaho.” Dagdag ko.

“Ano ba kayo kaya ko nga kayo niyayayang magbakasyon dahil stress na kayo sa trabaho.”

“You know what guys, Kelly is right.. magbakasyon tayong apat!” Pagsangayon ni Amber na kaya 'di ko napigilang magulat.

Bakit siya pumayag? Ayos lang ba siyang makasama ang dalawang 'to?

“Okay, since pumayag na si Amber... Damon tatawagan nalang kita kung kailan, Okay?” Kelly told me na may excited na expression sa mga mata.

“Okay.”

“Mauna na kami sa inyo.” Paalam ni Sam.

Bumeso sa'kin si Kelly at kay Amber. Nang makalayo sila sa'min tinignan ko si Amber at sinusubukang basahin ang iniisip niya kaya lang napaka hirap niya talagang basahin.

Bakit siya pumayag na mag bakasyon
kasama ang ex niya at asawa nito? Talaga bang okay lang sa kanya 'yon?

“Bakit ka pumayag na magbakasyon tayong apat?” Tanong ko sa kanya.

“Why not? We can’t change the fact that you’re friends with her and you’re also working for my ex. That’s why i agreed.”

“'Yo'n lang ba?”

“My love,“ She paused, breathing in. “Look i get it, ayaw mong pumayag sa bakasyon dahil nando'n ang ex ko. Pero hindi naman natin sila
habang buhay maiiwasan, kaya mas maganda habang maaga pa masanay na tayo.”

But still, hindi ako komportable.

“Alam kong may gumugulo pa sa isip mo, so please speak up!” She added.

Napabuntong hininga ako. “I’m jealous.” I almost whispered.

“What?”

“I'm jealous, uncomfortable... whenever he’s near you.”

“Tapos na kami!”

“I know! But i doesn’t change the fact that you was deeply in love him.”

“Exactly, was! My love, i'm seriously in love with you. I love you kaya 'yong sa'min ni Sam, please forget it!”

“Y-you love me?” That's the first time na marinig kong sinabi niyang mahal niya ako.

“Of course i do! Hindi naman kita sasagutin kung hindi nu!”

That makes me flushed.

“Are you blushing?” She asked, teasing me.

Umiwas lang ako ng tingin sabay cover ng mukha ko gamit ang kaliwang kamay ko.

I heard her, giggling. “Gosh! You're so cute.”

To be continued...

Sorry natagalan sa pagupdate. 😂✌

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon