AMBON presents2 - 24

3.7K 149 10
                                    

Dumiretso kami ni Amber sa bahay niya after naming manuod ng sunset at ma-meet nang biglaan ang ex niya at ang ex crush ko. Ang pangyayari kanina ay hindi ko na masyadong iniisip dahil sa i love you ng mahal ko. Dahil sa bigla, nawala sa isip kong mag i love you too.

Babawi ako mamaya.

Nasa sala na kami ngayon at nakaupo lang, tapos na kasi kaming kumaing dalawa na niluto din niya kanina.

Nakasandal lang ang ulo niya sa balikat ko habang may pasimpleng paghalik ako sa ulo niya.

“My love,” I called her.

She looked up at me. “Bakit?”

“Uh... P-pwede ba 'kong makitulog dito?”

“Why?”

“Gusto ulit kitang makatabing matulog.”

She chuckled, amusingly. “The last time na nag tabi tayo hindi ka nakatulog.”

“Makakatulog na 'ko ngayon basta 'wag ka lang magsuot ng sexy.”

“Are you sure? May pasok ka pa naman bukas.”

“I'm very sure my love.” I kissed her nose. “Payag ka na?” I asked.

She nodded, smiling. “Okay.”

Tumingin ako sa labi niya at napangiti dahil sa sagot niya. Dahil napatingin ako sa labi niya na tempt akong halikan siya kaya dahan-dahan kong inilalapit ang labi ko sa labi para halikan siya pero hindi ito natuloy nang makarinig kami ng doorbell.

“May inaasahan kang bisita?” Tanong ko.

She shakes her head. “Wala naman.”

“Ako na ang mag bubukas.” I offered.

Tumayo na 'ko at naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito at laking gulat na ang makita ay si... Sam.

What the hell is he doing here?

Damn it!

Nagulat siya nang makita ako katulad ng gulat ko nang makita siya. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya.

I smirked, arrogantly. “Dahil dito nakatira ang girlfriend ko.” Diniinan ko talaga ang salitang girlfriend para ipamukha sa kanya na akin na si Amber.

Mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko. “You have got to be kidding me! Nagpapanggap lang kayong dalawa dahil napakilala n'yo sa asawa ko na mag kasintahan kayo!”

“Matagal na kaming hindi nagpapanggap sa harap ni Kelly!”

“My Love, sino 'yan?” I heard Amber asked.

Bago pa 'ko makasagot sa tanong niya, nasuntok na 'ko ni Sam ng malakas kaya natumba ako. Kahit natumba na 'ko plano pa din akong suntukin ni Sam buti nalang nasalag ko at nasipa ko siya. Tumayo agad
ako at aakma na sana siyang suntukin pero narinig ko ang pag awat ni Amber.

“Tama na!” Tumakbo siya papalapit sa'min at pumagitna.

“Ano bang ginagawa mo?” Inis niyang tanong kay Sam.

“Dahil sinasabi ng gagong 'yan na girlfriend ka niya!” He pointed me, glaring.

“Girlfriend niya 'ko, Sam. Kaya ano namang masama kung sabihin niya 'yon?”

“What?” Tumawa siya na akala mo joke ang narinig niya. “Babe, i know you’re still mad but please enough with the nonsense joke!”

I glared at him. Bakit ba hindi nalang niya tanggapin na ayaw na sa kanya ni Amber na mas may hihigit pa sa kanya na may mas magmamahal pa kay Amber kesa sa pagmamahal na binigay niya sa kanya?

“This isn’t a joke and stop calling babe!”

“Babe, please enough this...” Hinawakan niya sa braso si Amber. Hinawakan ko naman 'yong kamay niyang nakahawak sa braso ng
girlfriend ko at inalis ito agad.

Humarang ako sa gitna nila.

“Get off your fucking hand on my girlfriend, Samie boy!” May pagbabanta sa tono ko.

Kwinelyuhan niya 'ko.

“'Wag kang mayabang dahil babalik din sa'kin si Amber. Ibabalik ko ang dapat ay sa'kin!”

“Hindi ko siya ibabalik sa'yo!”

“Enough!” Pagpuputol ni Amber sa sagutan namin ni Sam. “Samuel utang na loob, umuwi ka na! At ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayoko na?! Tigilan mo na 'ko!”

Napatitig lang si Sam sa mga salitang nabanggit ni Amber sa kanya.

Sana lang maging enough na 'yong sinabi niya para talagang tigilan na siya ni Sam.

Umalis na din finally si Sam, without saying a word. Nag lakad na din naman pabalik si Amber sa sala.

Sinarado ko na muna ang pinto at sinundan si Amber sa sala.

Nakaupo siya sa couch, nakalagay ang mga kamay sa ulo niya habang nakayuko. She looks frustrated. I hope hindi sa'kin.

Lumuhod ako sa harap niya. Kinuha 'yong mga kamay sa ulo niya at pinatingin sa'kin.

“Sorry about that, my Love.” She sincerely apology.

“It’s fine, mukhang ako naman ang nanalo sa pissing off contest namin eh.”

She chuckled, amusingly. Buti nalang mabilis na nag light ang mood niya. “You called that a pissing off contest?”

Tumango lang ako bilang tugon. Kinagat naman niya ang lower lip niya na parang pinipigipang niyang matawa.

“What’s so funny Ms. Tuazon?” I asked smiling.

“You and your unexpected words Mr. Lawrence.” She touched my both cheeks. “You really know how to lighten my mood my love.”

Dahan-dahan niyang inilalapit ang labi niya sa labi ko at hinalikan ako. Sinuklian ko din naman agad 'to. We are sharing a passionate kiss it didn't last long but it was... damn good.

She stared at my eyes. “I love you.”

I smiled. “I love you too.”

Umupo na ulit ako sa tabi niya. Muli niya agad na sinadal ang ulo niya sa balikat ko.

“Is it really okay with you na magbakasyon kasama si Sam?” Tanong ko. Ngayong may ganitong scene na nangyari baka magdalawang isip na siya at gusto ko kapag nag dalawang isip siya.

“Yup! Para na din makita niya na seryoso tayo sa isa't-isa at seryosohin na din niya na tigilan na 'ko.”

That makes sense, kung makikita niyang ako na ang mahal ni Amber baka tigilan na niya ang girlfriend ko.

I kissed her hair. “Okay.”

To be continued...

AMBON Presents..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon