Excited na si Mama sa pagpunta namin sa idol niyang si Ms. Tuazon hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa dahil idolo niya ang isang mistress. Hindi naman niya alam ang tungkol do'n at wala din naman akong planong sabihin hindi ako 'yong tipo na nag bubulgar ng sikreto ng iba. Pero hindi ibig sabihin nun na kinukunsinte ko na ang pangloloko nila sa kaibigan/Ex’crush ko.
Nang makarating kami ng Gallery, pumasok agad si Mama at hindi ma-itago ang excitement sa mukha.
Sumunod lang ako sa kanya at nakita namin si Ms. Tuazon na kausap ang Secretary niya habang may kasamang tawanan. Nang mapansin niya kami lumapit siya sa'min.
"Mr. Lawrence." She greeted, formally. I just half a smile.
Tumingin siya kay Mama. "Hello po, you must be his Mom."
Mom nodded to her while smiling sweetly.
"I’m Carmen, finally na meet din kita Ms. Tuazon."
"Amber nalang po. Bibili po ba kayo ulit ng painting?" She asked.
Mom just nodded to her. "Samahan ko na po kayo." She offered.
Siya na ang nag lead sa'min ng way para samahan si Mama na pumili ng painting. Hindi ko maiwasang hangaan siya sa pagpapaliwanag niya ng paintings niya sa Mama ko. Eto namang si Mama todo naman sa pakikinig sa kanya na akala mo isang anak na nag ku-kwento lang sa kanya.
Pero hindi ko din maiwasang mainis dahil alam kong isa siyang mistress at niloloko niya ang kaibigan ko. Naiinis ako para kay Kelly dahil alam kong masasaktan siya 'pag nalaman niya 'to. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit nagagawa niyang pumayag na
maging isang mistress samantalang napaka ganda niya at napaka talented. Kung gagamitin niya 'yon sa ibang lalake baka napagpalit na niya 'yong Sam na 'yon.
Bakit 'di niya gamitin ang utak niya?
"Thank you sa pag asikaso samin, Amber." Mom told her.
"Wala po 'yon, ito lang po ang magagawa ko bilang pasasalamat sa pagtangkilik mo sa mga paintings ko."
"Pwede ka ba naming yayain na kumain ngayon?"
"Ma, nakakahiya naman. Baka may gagawin pa si Ms. Tuazon."
"It’s fine, I'm still free."
Hindi ako makapaniwalang pumayag siya.
Halata namang excited si Mama dahil makakasama niyang kumain ang idolo niya.
Pumunta na kami sa malapit na restaurant na malapit lang din sa Gallery niya. Pagpasok namin sa restaurant na 'yon, umupo lang kami at nag order ng makakain namin.
Habang nasa kalagitnaan kami nang pagkain nag uusap lang din sila na parang close na close na talaga kung mag usap. Kung 'di ko sila kilala baka pagkamalan kong, mag ina sila.
Pareho silang tumatawa at... hindi ko alam pero nag eenjoy ako sa nakikita ko. Actually mas nageenjoy akong
makitang tumatawa si Ms. Tuazon.
Tumingin siya sa'kin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya bigla akong nailang.
"Mr. Lawrence, tahimik ka ata."
"Uhmm... kasi naman hindi ko alam kung paano sisingit sa inyo." Pagamin ko.
Ngumiti sakin si Mama ng nakakaloko.
"Hija, may boyfriend ka na ba?" Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa tanong ni Mama. Alam ko kasing tinatanong niya 'yon dahil sa kagustuhan niyang ligawan ko ang idol niya.
"Uhm... meron po." Biglang sumeryoso ang mukha ko dahil bigla kong naalala na isa pala siyang mistress.
Biglang tumunog 'yong cellphone niya kaya na punta do'n ang atensyon niya. "Excuse me." Tumayo siya at sinagot niya 'yong tawag. "Sam..." Naglakad siya palayo sa'min. Ang pagbigkas niya ng pangalan na Sam nalang ang narinig ko sa kanya.
Pinagmasdan ko lang siya habang kausap niya sa cellphone si Sam. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila dahil napaka seryoso ng mukha ni Ms. Tuazon. Tumingin siya sandali sa'kin at parang biglang nailang.
Hinawakan ni Mama ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Son, rest room lang ako."
"Sige po." Naglakad na siya papuntang restroom. Sakto naman ang paglapit ni Ms. Tuazon sa table namin.
"Where’s your Mom?" She asked.
"Restroom. "
Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin ng diretso. "Sam called... alam mo daw 'yong tungkol sa'min."
Tinignan ko lang siya ng blangko tsaka ako uminum ng tubig.
"Oo." May halong inis at pagka disappoint ang tono ng boses ko.
"Kaya ka pala tahimik."
"Isa na din 'yon pero talagang hindi lang talaga ako makasingit sa inyo."
Totoo naman 'yon.
"Hinuhusgahan mo na siguro ako dahil sa pagiging..."
"'Wag mo ng ituloy, ayokong sirain ang maganda nyong mood ni Mama." Pagpuputol ko sa kanya.
Ilang sandali lang dumating na
si Mama. Ngumiti siya sa'min pero unti-unti din nawala 'yong ngiti niya nang makita ang mukha naming hindi ma-ipinta.
"Is everything okay?" She asked.
"Yah!"
"Opo." Sabay kaming nag salita pero mag kaiba kami ng sinabi.
Umalis na kami ng restaurant nang matapos kaming kumain. Hinatid namin si Ms. Tuazon sa gallery niya tsaka naman sila nag paalam sa isa't-isa ni Mama.
Nang makapag paalam sila sa isa't-isa, sumakay na kami sa kotse ko para ihanatid ko naman si Mama hanggang sa bahay.
"Nagaway ba kayo ni Amber, hijo?" Tanong ni Mama habang nag mamaneho ako.
I shake my head. "Hindi, Ma." Hindi naman talaga.
"Bakit parang nag iba 'yong mood nyo kanina no'ng bumalik ako galing rest room?"
"May tumawag sa kanya 'di ba? Baka 'yon ang dahilan."
"Tingin mo boyfriend niya 'yong tumawag?" I just shrugged. "Sayang talaga hijo at may boyfriend na siya. Boto pa naman akong maging girlfriend mo siya."
"Ma, tama na 'yang kakareto mo sa'kin kay Ms.Tuazon nakakahiya."
"Alam ko sorry Anak, hindi ko lang maiwasan."
To be continued...
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomantizmPLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...
