Nasa Boracay na kami ngayon.. bitbit lang ni Damon yung maleta ko. Gustuhin ko mang kunin yun ayaw niyang ibigay.
Hindi ito ang unang beses kong makarating dito dahil pumunta na kami ni Majah dati noon nung second year namin sa college. Isang linggo kami nun dito, at sa isang linggong yun ang daming nangyari. Ayoko nalang alalahanin.
Naglalakad kami sa Lobby ng hotel na pagmamayari ng Papa ni Majah ng biglang tumakbo si Majah dahil nakita niya ang Papa niya. Niyakap niya to ito. Naglakad kami papalapit sakanila, hindi ko maiwasang tignan si Mario dahil halatang kinakabahan siya. Kitang kita yun sa mukha niya.
"Pa, remember Amber?" Majah asked her father, pointing me. Ngumiti ako sakanya ng tumingin siya sakin.
"Yes, i remembered her.. you brought her here once. Hello hija, how are you?"
"Okay lang po." Nag bless ako sakanya.
"Siya si Damon, ka M.U ni Amber." Pagpapakilala ni Majah kay Damon. Ka M.U? Tinignan ko si Majah ng anong-sinasabi-mo look. She just smirked, teasingly at me.
"Nice to meet you, Sir." Damon said smiling, obviously enjoying.. yung way ng pagpapakilala ni Maj sakanya. Nag shake hands sila ni Tito.
"And he's my boyfriend.. you meet him already, remember?" Maj continues introducing us, this time si Mar naman.
"Sir.." Mar bows at him, formally.
"My baby girl said you wanted to talk to me." Tito said to Mario.
"Ye'yes, Sir." Nauutal siya. Gusto kong matawa kaya lang nakakaawa naman siya pag pinagtawanan ko pa. Kaya shut up nalang ako.
"Okay, magusap tayo mamayang dinner for now mag check in muna kayo." Tito said to us. He kissed his daughter's forehead. "See you later Sweetheart, sa office lang ako if you need something."
"Yes, Dad.. thanks." Nag paalam na samin si Tito at nag simula ng maglakad siguro para bumalik sa office niya.
"Babe, you'll be fine." Maj said to her boyfriend, kasi naman itong si Mar kinakabahan pa din ng bonga.
"Nakakatakot talaga yung Papa mo." He confessed. Damon and i laughed at him. "Wag nga kayong tumawa, seryoso ako.. kinakabahan talaga ako."
"Halata naman sa mukha, dude." Damon said laughing.
Pumunta na kami sa front office at kinausap na ni Majah ang staff. She faced us after niyang kausapin yung staff hawak ang mga susi.
"Amber, we're in same room dahil Papa won't allow na magkasama kami ni Babe sa iisang kwarto. So, Babe and Damon magkasama kayo sa room." Majah said to us. Oh! I love this room setup! Haha.
Inabot na niya yung susi kay Mar.
"Amber, lets go?" She asked me. I nodded to her with full of joy. Kinuha ko na yung bag ko kay Damon, ayaw pa niyang bitawan yun at nakanguso pa.. mukhang disappointed siya sa room setup namin. Ha! Kala niya ah! Haha!
Pinilit kong kunin sakanya yung bag ko at ngumisi sakanya ng mapangasar.
Sinimulan na namin ang pag punta sa room namin. Tatlong room lang ang pagitan ng room namin sa boys. Sus! Kala ko naman malayo. Humalik muna si Majah kay Mar bago kami pumasok ng room namin.
"How is it going back here?" Nakakalokong tanong ni Majah pagkapasok na pagkapasok namin ng kwarto. For sure yung tinutukoy niya nung unang beses na nakarating ako dito.
Inilapag ko sa side ng kama ko yung bag ko. "Okay naman."
"Ohh!! Really? Don't you remember anything?" She's smirking widely.
"Oh please Maj ang tagal na nun."
"Oh yah! May Damon ka na." She laughed. I roll my eyes.
"I wonder if he's here." She added. I hope wala! "As i know.. nandito siya lagi every summer para mag work." Oh shit!
We're talking about Sam.. anak siya nang kasosyo ng Papa ni Majah sa resort na to. Nakilala ko siya noong sinama ako dito ni Majah para mag bakasyon. Siya ang nakauna sakin, pero i don't have that deep feelings para sakanya dahil nangyari lang naman yun kasi nalasing ako nun buti nalang at paalis na kami ni Majah nung may mangyari samin.
Nakarinig kami ng katok mula sa labas ng kwarto namin. Majah open the door. Pumasok ng kwarto si Damon at Mar na nakapag bihis na.
Ang bilis naman nila.
Kinuha ko yung summer dress ko para makapag palit sa banyo. After kong mag bihis nakita ko si Damon na nakahiga sa kama ko habang yung lovers naguusap sa pwedeng mangyari mamaya sa paguusap ni Mar at Papa ni Majah.
Umupo ako ng kama ko at tinignan lang si Damon. Umupo naman siya mula sa pagkakahiga at inilapit ang mukha niya sa mukha ko ng nakangisi. He's looking at my lips. Hinawi ko yung mukha niya, for sure kasi hahalikan na naman ako nito.
"Gusto niyong mag libot?" Majah asked us. We nods her. Nalibot ko na to pero gusto ko ulit gawin dahil baka may nabago na.
Sabay sabay na kaming lumabas ng kwarto at nakaangkla lang ang kamay ko sa braso ni Majah. Hanggang ngayon halata parin sa mukha ni Mar ang kaba kasi hindi maipinta.
Nasa likod lang namin ang boys at nakasunod samin.
"Halatang kabado si Mario." Bulong ko kay Majah.
"Sinabi mo pa." She agreed, sighing.
"You can't blame him, mukha kasi talagang strikto ang Papa mo."
"Babe.." Mario called. Nilingon siya ni Majah kaya lumingon na din ako. "Uhm.. papahangin lang kami ni Damon." He seriously said.
"You okay?" She asked, concerned.
"Oo. Kailangan ko lang mag practice ng sasabihin kasama si Damon." He reassured.
"Okay." Nag kiss muna sila, bigla akong nailang dahil nakaangkla ako kay Majah. Umiwas nalang ako ng tingin at lumapit naman sakin si Damon at hinalikan ako sa noo. Wow! Para san yun?
--
Please keep voting, babies. 😁
BINABASA MO ANG
AMBON Presents..
RomancePLEASE READ FIRST!!! Hi babies, para po ito sa mga likers ng AMBON tandem na katahang isip ko lang. Sa mga nag rerequest ng AMBON stories.. inihahandog ko ang AMBON PRESENTS .. Gagawa ako ng compilation ng mga stories ng AMBON at dito ko lahat ilala...