Kaela's POV
"Ma! naman! Aray aray masakit!"
"Mommy naman! Aray! Tigil na ang kurot! Ansakit eh!"
"Nikkaela! Kalalayas mo lang bago magpasko. May pag alis ka na namang bata ka ha!"
"Mommy naman eh! Hindi na nga ako bata! Tsaka SG lang naman Ma eh!"
"Oo matanda ka na! 26 ka na at wala ka pa ring balak sa buhay mo! Ano lalayas ka na lang ba ng lalayas?!"
"Ma naman eh. Birthday ko naman! Tsaka bayad na yung ticket! May hotel na din."
"Oo at ginamit mo na naman ang credit card na extension namin ng Papang mo! Ano bang akala mo? Mayaman ka?"
"Hindi kaya! Ginamit ko din kaya yung akin! Sale naman yun nung binili ko eh!"
"At talagang sumasagot ka pa ha! Walanghya ka. Layas ka na lang ng layas!!" Sabi ni Mommy habang tinutuktukan nya ako ng sandok.
"Mommy!"
"Mommy mommy ka jan! Nikkaela! Sumasakit ang ulo ko sayo!"
Nang makakita ako ng pagkakataon , tumakbo na ako sa kwarto.
"Oi Nikkaela! Hindi pa ako pumapayag! Baka akala mo papayagan kita?! Ha! Manigas ka jan! Hindi ka mayaman!"
Oh yes! Hindi pa pumapayag! Meaning may chance! haha. Pero. Haii nako. Mukhang hindi ako makakahingi ng baon kay Mommy. Sa Thursday pa dadating si Papang, friday ang schedule ng flight ko. Hindi na ako makakapagpalit ng dollar. Haii. Si Ate! hihihi.
***Calling Ate Nadia***
Nadia: Hello Kaela?
Kaela: Ate! Nasa clinic mo ba ikaw?
Nadia: Syempre. Bakit?
Kaela: Punta ako te! Paovernight!
Nadia: May pasok ang mga bata bukas! Bawal magpuyat.
Kaela: Hindi ko naman pupuyatin eh. May sasabihin lang ako sa'yo!
Nadia: Pumunta ka na lang dito sa clinic. Wag ka na magovernight! Pupuyatin mo na naman ang mga bata. Bye.Haii. Kailangan kong hintaying makaalis si Mommy bago ako umalis. Kundi ay makakatikim na naman ako ng sermon. Haii.
Oh Life. 26 na ako pero hindi ko pa alam ang gagwin ko sa buhay ko. Graduate ako ng business course. Pasado ako sa Professional Civil Service Exam. Pasado rin ako sa PNP Entrance Exam. Tapos na din ako ng Master's degree for Business. After ko gumraduate, nag work ako ng 2 taon sa isang malaking factory kaya lang nahihirapan na ako. Paano'y nagaaral ako tapos madalas na over ang over time ko. Pinakamaaga ko na atang out ay 8:00pm tapos pumapasok ako ng 7:00am. Masipag naman ako hanggang motivated ako kasi nga first job ko kaya lang, kapag nabored ako, nawawala na ang sipag ko.
Feeling ko pa nga underpayed ako. Aba, may MBA ako tapos ganun lang ang bayad nila sa akin? No! no!
May nagpirate sa akin na mas malaking company. Logistics company kaya heto ako't ginrab ko naman. Mas malaki kasi ang sweldo tapos sa metro pa ang location 2 1/2 years din ang tinagal ko dito kaya lang, di ko keri mga kasama ko sa work.
Aminado ako na loka loka ako, madalas. Conceited bitch din ako. Hindi ako friendly talaga pero magaling ako makipagusap. Kapag nagwork ako, seryoso ako, good thing about me, hindi ako umuuwi ng hindi tapos ang task for the day ko. Yun nga lang napaginitan ako ng manager ko at ilang co- workers dahil parang easy lang ang buhay ko. Well hindi ko din naman sila masisisi, lahat sila sa floor engineers ako lang kasi ang nagiisang business course dun pero ako lang ang 100% ang grade sa lahat ng proficiency exam.
May episode pa nga na ako ang madalas gusto makausap ng clients. That's what you called charms baby! Haha. At dahil hindi ako makatiis, nagresign ako.
Kaya for more than a year, tambay ako. Papang wanted me to be in the government. Pero ayoko. Kapag kasi naemploy ako sa government, madali na kay Papang na malaman ang activities ko. DENR Region head si Papang. Parang ang creepy naman ng may stalker something ka diba tapos malalaman ng magulang mo?
Dun ko naisipang mag-aral ulit. Syempre, pinayagan ulit nila ako. Nagearn ako ng units sa educ. Nagtake ng LET exam, nakapasa. Pero shocks! Nabobored ako. Makita ko pa lang ang sinusulat na lesson plan, nasususka na ako. Hanga ako sa mga teachers talaga. Isa pa, baka mamaya makasakit ako ng estudyante! Mabilis maginit ang ulo ko. Hindi ako nakakakontrol ng temper.
Siguro nga pasaway ako. Ako na nga ata ang black sheep sa amin. My eldest sister is a doctor. Dermatologist. My other sister is a dentist. Ako? waley. Papang dreamt of having a lawyer child pero di keri ng utak kong simbilis ng cheetah mabored. Mabilis kasi ako mabored sa mga bagay bagay lalo na sa pagaaral.
Mayroon kaming maliliit na business. Mayroon kaming poultry na inaasikaso ni Mommy. Mayroon din kaming maliit na grocery. Habang wala ako trabaho dito ako napatigil. Kaya lang, masungit ako kaya walang nabili. hihihi. Wala kasi ako ginagawa kaya inobliga ako nila Mommy at Papang na manatili at bantayan ang tindahan.
Ngayon? Ang problema ko ay pocket money! Ayaw na kasi ako bigyan ni Mommy ng pera.
Wala na kasi akong savings. Umaasa lang ako sa allowance na sweldo ko sa pagbabantay ng tindahan. This year, naka 3 out of the country ako, tapos madaming out of town. Totoo din naman kasing kakalayas ko lang din last month. 1 month ako nagstay sa Qatar kasi nandoon ang Ninang ko. At dahil bored ako, sumama ako sa kanya.
Syempre, hindi naiintindihan ng magulang ko. Travel goals baby! Gusto ko talaga gumala at magpakasaya!