CHAPTER 42

38.1K 574 4
                                    

Kaela's POV

"Haii nako Carleen, I'm so happy na ikakasal ka na talaga! Finally!"

"Alam mo bang ikaw lang ang masaya ha!"

"Ano ka ba naman Carleen! Maging masaya ka kaya. Maybe this is destiny."

"Kasi naman Nikka, alam mo naman na wala akong balak mag-asawa!"

"Masarap ang may asawa Carleen."

"Haiii naku!"

"Sige na, babalik na ako sa unit namin. Ikaw, maghanap ka na ng wedding venue! Haha. Magbibihis lang ako Carls, sasamahan kita sa food tasting! I love you! Haha."

After so many years, ikakasal na si Carleen. Oh well, kahit naman itanggi ni Carleen na ayaw nya, deep inside gusto din naman nya. Si Carleen, napikot lang daw ng pulis. Hindi ko talaga alam ang nangyari pero nagulat na lang kami may namanhikan daw sa kanila sa Cebu at paguwi nya ulit dito, heto at ikakasal na sya.

Speaking of kasal, naka 3 years na kaming kasal ni Jake. Hindi madali pero kayang kaya namin. Madalas na sya ang umuuwi pero minsan ako ang pumupunta sa kanya.

Nung makapagayos ako, pumunta na ulit ako sa unit ni Carleen para samahan sya.

"Tumataba ka ata Nikka."

"Ay oo! sumisikip nga ang mga damit ko."

Paano, kain ako ng kain. Nakakahiligan ko nga ngayon yung cinnamon roll. Kahit midnight, kumakain ako nun eh.

"Hi Raz!" bati ko sa groom-to-be ni Carleen

"Hi Nikka. Hello Mahal."

"Tse! Tara na nga sa food tasting na yun nang natatapos na ito!!"

"Ui gusto nang makasal agad sa akin ng mahal ko. Ikaw naman Mahal, nakakahiya kay Nikka, pinapakita mong super excited ka sa kasal! Haha."

"Tumigil ka! Halimaw!"

Natatawa lang ako sa kanila. Dumating na kami sa catering office para mag food tasting. Marami raming pagkain din ang nakahain.

Nagsimula na kaming magfood tasting. Masarap naman lahat. Kaya lang nung nakaamoy ako ng curry, bumaliktad na ang sikmura ko. Jusko Lord, ayoko na makaamoy ng curry.

Sinundan naman ako agad ni Carleen.

"Okay ka lang ba Nikka?"

"Okay lang. Ansama lang ng amoy nung curry."

"Teka nga, naglilihi ka ba Nikka?"

Nanlaki na ang mata ko. I haven't tried a PT in a while. Teka, nagkaperiod na ba ako?! Shit! I lost track.

"Teka. Hindi ko alam. Uuna na ako sa inyo! Byeee!!!"

Lumabas na ako at sumakay sa taxi. I hurriedly went to the unit and tried a PT.

It was one of the longest 5 minutes of my life. Dahan dahan kong tiningnan ang result. Hindi na bago sa akin ito. I've spent boxes of this PT already, hindi naman kawalan kung negative ulit. Minsan nga, inakala kong nagcacrave ako at akala ko buntis na ako, pag test ko, negative. Minsan pa, napahilig ako sa mangga, naghanap pa talaga ako sa palengke, hindi pa man ako nagtetest, nagkaroon na ako agad.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon