Kaela's POV
"Sweetheart, you're not eating."
"Ayoko. Nalulungkot ako. Wala akong gana."
"Sweetheart!"
"Ayokong kumain."
Tumayo na ako at pumunta na lang sa kwarto. Humiga na lang ako sa kama at nagtaklob ng kumot. Ansakit sakit ng puso ko.
"Sweetheart."
Ewan ko nga ba kung bakit ako naiiyak. Alam ko naman na hindi sya magtatagal dito. Hindi tinanggap ng gobyerno yung proposal nila para sa mrt at lrt kasi masyado daw mahal kaya babalik na si Jake sa Singapore.
Hindi okay sa akin na umalis sya pero tatanggapin ko wag lang yung ngayon nya lang sinabi tapos mamaya ng madaling araw ang flight nya. Mana ako kay Mommy. Ayaw ko ng surprise. At totoong nasasaktan ako.
"Sweetheart."
"Ayusin mo na ang gamit mo. Maaga kang aalis. Baka maiwan ka ng eroplano." Sabi ko while I am under the sheet crying and weeping.
"Sweetheart, let's talk please."
"No. Ayoko! Umalis ka na! Umalis ka na! Bilisan mo!"
Pilit nyang inalis ang kumot na nakatklob sa akin at tsaka ako niyakap.
"You know I can't leave you crying right?!"
"I hate you! Hindi mo sa kin sinabi agad! Pag umalis ka, hindi na ako uuwi dito! Aalis din ako! Ayaw ko dito kapag wala ka."
"Sweetheart, I bought this unit for you. Why aren't coming home?"
"This is not a home without you! I still hate you! You should have told me soon you knew!"
"I'm sorry, i'm sorry, really sorry. Don't cry please it's breaking me."
Lalo naman akong umiyak. Nakakapagtaka, hindi naman ako iyaking tao pero ang hirap. Masakit sa loob ko na aalis sya.
"Sweetheart please stop crying."
"Pag alis mo, hindi mo na naman ako kokontakin. No calls, no emails, no anything. You'll vanish like the first time. I hate you. Really."
"I promise I won't do that. I'll always be home every chance I get. Sweetheart, please. Please don't cry anymore."
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang di ko namalayan ay nakatulog na pala ako. Kaming magasawa na nakayakap sya sa akin. Siguro ay mahigit isang oras din akong nakatulog. Mejo okay naman na ako pag gising ko.
Ayaw ko pa ring umalis sya at galit pa din ako dahil hindi sya nagpaalam sa akin ng ayos pero responsibilidad ko bilang asawa nya ang suportahan at pagsilbihan sya. Inayos ko muna yung naiwan naming hain sa mesa bago ko ihanda ang gamit nya.
Habang tinutupi ko ang ilang gamit nya na alam kong dapat nyang dalahin nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Jusme, napakadrama ko. Inayos ko na ang lahat pati na rin ang mga gadget nya at nilagay ko na sa backpack nya. Chinarge ko na ang mga cellphone nya at nilagay sa tabi ng bag nya para hindi nya malimutan. Hinanda ko na din sa may dresser ang damit na isusuot nya pag alis nya. Sinugurado kong okay ang passport at ticket nya na nilagay ko sa ilalim ng cellphone nya.
Ipinaghanda ko na din sya ng sandwhich na pwede nyang initin para almusal at isa na pwede nyang baunin. Iniayos ko ang higa nya sa kama at nilagyan ng alarm clock sa tabi nya. Nung matapos ako, dumirecho na ako sa kabilang kwarto at dun muling umiyak hanggang makatulog na ako ng tuluyan.
Nagising ako dahil sa door bell. Pero bago ako lumabas, tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Shocks. Hindi ako makakapasok nito. Magang maga ang mata ko. At talagang masakit ang ulo ko. Pasado alas ocho na rin pala ng umaga.