Kaela's POV
And today is my first day of work. Unlike any other job I've been. Eto na ang pinaka. 3 Floors ang inookupa ang Seigfreid Group of Companies dito sa building, ang 23rd kung nasaan ang Operations at BPO nila since hindi pa naman totally nagooperate sa Philippines lahat ng negosyo nila, some of their business are in line with pharma, train line maintenance and production and autoparts kung saan exculsive sila sa BMW. 24th floor, kung saan andun ang office namin. Ang SGC Foundations, Inc. Ay isang non-government, non-profit organization na nakafocus sa Corporate Social Responsibility ng buong SGC. Nagkaroon sila ng office dito sa Philippines kasi madami silang project dito. Sa 26th floor naman nandun ang karamihan sa executive rooms and conference rooms.
Hindi naman pamilya lang ni Jake ang may-ari. Actually, Isang malaking pamilya na sila duon at may share lamang daw si Jake na 3.2% sa stocks. Pero dahil malaki ang SGC, malaki din ang nakukuha nya sa shares nya. Nagdecide na lang din daw sya na magtrabaho since he is a licensed ECE. Dun daw sya nakafocus sa pagiimprove ng mga train lines sa mundo. Sila pala ang nagmamaintain ng mrt sa Singapore, at proud ako na asawa ko ang chief nun dahil sobrang maayos ang train system nila.
"Ano Nikka, ready ka na ba makita ang office mo?"
I smiled and nod at Carleen. Jusko, nakakakaba ata.
"Here's your office Nikka, Let's come in?"
Nakakaflatter talaga. Ang ganda naman ng office na ito. Sa labas ng pinto ay may pangalan.
Nikkaela Almonte-Seigfreid
Manager, Logistics Department(Kaela's Office)
"Is this fine with you?" tanong ni Carleen
"This is actually great."
"Buti naman at nagustuhan mo baka sakalin ako ni Jake kapag hindi mo nagustuhan. Anyway, ililibot kita at ipapakilala later, upo ka muna. Mamaya dadalhin ko na sa'yo ang admin assistant ng department mo. Eto nga pala ang organizational chart mo."
Iniwan ako ni Carleen sandali so I take my time to review the chart. I have atleast 22 people under me. 1 Asst. Manager, 3 senior officer, 6 junior staff, 1 admin assistant, 5 office clerk, 1 archives asst, 1 messenger, 3 documentation specialist, 2 agency coordinators.
Andami namang taga Logistics dito. Siguro nga napakadaming ginagawa sa department na ito.
"Hi, Let's meet your staff and I'll roam you around."
"Sure, but can you not tell anybody that I am Jake's wife? You know."
"No worries, wala din naman akong balak na sabihin yun. I want them to see how good you are as you."
"Thanks Carleen."
"No problem. By the way, my Office is on that side."
"Oh I see. Thanks"
Ang katabi ng opisina ko ay isang mini conference. Madalas daw kasi na kailangan namin ng meeting.
Bago pa man ako ilibot ni Carleen ay dinala na nya ako sa conference room kung saan ako ipapakilala sa head ng bawat department sa Foundation.
"Hi Guys, good morning!"
"Good Morning Ma'am Carleen!"
"I am going to introduce to you the newest member of our family, our Logistics Manager, Ms. Nikkaela Seigfreid."
"Hi everyone. I am so pleased to be here with you, hopefully we can work well with each other. Thank You."
Isa isa naman akong kumamay sa kanila. Hindi ko nasabi kay Carleen na mahina akong magmemorize ng names ng tao. Hihingi na lang ang ng copy ng organizational matrix mamaya ng buong foundation.
After ng meeting namin with the heads of departments, yung department ko naman ang mineeting namin ni Carleen.
"Hi Guys! Antagal nating hinintay to. Sa wakas nakahanap na tayo ng Manager nyo. Let's welcome, our Logistics Manager, Nikkaela Seigfreid."
"Hi Everyone. I am so happy to see all of you here, present and on time. Hopefully we'll have a great time together. Starting tomorrow, I'll be having a one-on-one discussion with you on anything that concerns you and your work. I also hope that you'll be of my help to make our department the best it can be."
"Carleen?"
"Do you gave questions?"
"Ma'am can you entertain personal questions this time?"
"Yeah sure, let's try."
"How old are you?"
"27."
Marami ata ang nabigla. Sabagay, 27 tapos manager tapos mas matanda pa sa akin yung karamihan sa staff, haii, age problems.
"Are you married?"
"Yeah." Sabi ko sabay taas ng kamay na kinalalagyan ng sing sing ko.
Naging maingay ang mga tao sa loob ng conference room at nagtawanan. Marami pa silang tinanong like kung may anak na ba raw ako, anong tinapos ko, saan ako galing na company. Nung feeling ko ay okay na kami, I dismissed them and ask them to get back to work.
Si Carleen naman ay hinila ako sa kabilang conference room.
"Hi ladies and gentlemen, I am sorry I am late."
"Jacob,"
Jake rise on his seat and hold my hand.
"Uhmn, Ladies and Sirs, I want you to finally meet my wife, Nikkaela Seigfreid."
"Oh it's finally nice to see you hija! Masyadong matago itong si Jacob sa amin. A gem like you shouldn't be hidden."
I smiled at her. "It's nice to see you Ma'am."
Ilan pa ang bumati sa akin sa loob ng conference room na yun. Karamihan doon ay mga Seigfreid o may dugong Seigfreid, andito daw sila kasi sasali sila sa bidding ng tren sa Pilipinas. Matapos akong ipakilala, dinismiss agad ng uncle ni Jake ang meeting.
"You seriously need to introduce your wife to your parents Jake. She's lovely."
"Thanks uncle. Yeah soon."
Ano po ang nangyari? Biglang ipapakilala agad? Wala pa ngang i love you meet the parents na? Aii naku Jacobo Miguel Seigfreid.