CHAPTER 4

62K 893 30
                                    

Kaela's POV

Nakakayamot naman tong si Rona. Akala ko naman sasamahan nya ako maghanap ng nightlife yun pala ituturo lang nya. Ayan, alone ang beauty ko.

Sa Pilipinas hindi ko ginagawa ito. I only do this kapag malayo ako sa amin. I smoke, sobrang minsan lang talaga pero kapag super malayo ako or else baka ipakain sa akin ng Papang ang sigarilyo. I drink, Papang knows that pero hindi sa ganitong bars. Ang alam lang nila ni Mommy occasionally lang yung kapag kasama lang ang mga pinsan, ganoon. Oh well, sa halos 5 years kong pagtatrabaho, halos every night kami nagiinom pero never nila nalaman. hehe. Nakapagparty na din ako sa clubs, kaya lang mejo kj ako. I am not so good in dancing and I prefer seating alone somewhere drinking.

Pero heto ako ngayon, nakatayo sa isang bar. Nagdadalawang isip kung gagawin ko ba talaga ang nasa bucket list ko. Natatawa ako, yes, may bucket list ako. Una 30 countries on my 30th birthday. Eh nagsimula lang naman ako mag out of the country nung nakagraduate na ako ng college kaya madami pang number ang dapat kong habulin.

Pangalawa sa bucket list ko ay, be someone I wanted to be without reservation. Madalas kong gustong gawin ito kaya lang, lagi akong nandoon sa, okay lang kaya kay Mommy? Ano kayang sasabihin ni Papang? I care a lot about how people see me. Kaya madalas, I end up being who they wanted me to be. Kaya ayan, napagisipan kong gawin ito sa lugar na ito. Dito kasi madalas carefree ang mga tao. I hope to get drunk today. Real drunk.

I sighed deep. Pangangatawanan ko na ito. Muli kong pinasadahan ang aking sarili. I shoo all the insecurities away. I will be whoever I want. Walang makakaalam kung ano man ang gagawin ko dito. No reservations. Go to tick number 2!

Ingay. Yan ang nagwelcome sa akin sa bar. Sobrang ingay. Mejo sensitive ako. Ayoko ng masakit sa tenga. Pero sinubukan ko pa rin na pumunta sa floor. I danced copying other girls' moves. Natatawa ako kasi hindi ko naman alam kung nakuha ko yung moves nila. As much as I wanted to stay, mejo nasakit na ang tenga ko.

I sat on the bar stool and order something. Pero tequilla at margarita lang ang alam kong orderin kaya yun na muna ang inorder ko. I bet with myself to order the same drink of the person who'll seat next to me.

A girl sat beside me and ordered a "Singapore Sling" and went away so I also order one. Masarap yun. Lasa lang syang 4 seasons na juice. May umorder ng "pink lady" maganda ang itsura nun kaya unorder din ako. Kaya lang, nakakayamot. Puro cocktails ang binibili nila. Mejo nakarami na ako ng inom pero hindi naman ako nalalasing. I have a high tolerance on alcohol.

"Scotch on the Rock"

Napatingin ako sa lalaking umorder. I smiled at him. Ngumiti din sya sa akin. Gusto ko na nga syang kantahan ng "Ikaw na ba si Mr. Right?" I laughed on my thought. Pagkabigay sa kanya ng bartender ng inumin sa kanya, tinanong din ako kung gusto ko rin daw. I shyly nodded. Paano ba naman ay nahalata na ako ng bartender na nangongopya ng order.

"Hi, I'm Jake."

"Nikka."

"Can I buy you a drink?"

"Sure."

Juskolord! Kegwapo naman nito! haha. Mabilis na tiningnan ko ang daliri nya. This becomes a habbit nung minsang yung kausap naming guy ni Elle ay married pala. Haha. So to save myself for emabarassment, lagi akong tumitingin sa daliri nh kausap ko. Naku! baka mawow mali ako dito. I happily take a deep breath nung wala akong makitang wedding ring.

"Is there something wrong?"

"Ah no." I smiled.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon