CHAPTER 34

35.1K 483 0
                                    

Kaela's POV

It's been weeks mula ng magsimula ang project nila Jake. Kaya naman kahit si Carleen hindi ko na mahagilap pa sa office. I just had an early  meeting, dalawa pa ang kasunod na meeting nito. Sa ngayon, hinihintay ko na lamang na makumpleto ang mga tao para makapagsimula na kami. Updated lang naman ng on-going project ang objectives ng mga meeting ko ngayon.

"Ma'am Nikka, anlaki na ng tyan nyo po ano?"

"Oonga eh. Bumibigat na, at malikot na din."

"Ay sumisipa na po?"

"Naku oo! Lalo na sa gabi kapag kausap ng ama."

"Ay! Nakakatuwa naman po."

"Oonga. Kaya lang minsan masakit. Anlakas sumipa eh."

"Baka maging football star yan Ma'am."

"Kahit ano basta healthy."

Ilang minuto pa ay nagsimula na silang magpresent kaya lang nagexcuse si Mai dahil importante daw ang phone call. Bigla naman ako kinabahan.

Phone Call:

Me: Hello?
Otherline: Hello Kaela? Kuya Darwin ito.
Me: Oh kuya, bakit?
Otherline: Nasa ospital kami ngayon. Sa MedCenter. Si Papang mo dinala namin dito.
Me: Ha??? Bakit??? Kailan pa?
Otherline: Kanina lang. Tawagan mo din ang Ate Nadia mo. Hindi namin macontact.
Otherline: Ha? Osige sige.

Ibinaba ko na ang tawag at sinubukang kontakin si Ate. Kaya naman pala hindi nila macontact eh, may ginagawa pang procedure. Nagiwan na lang ako ng message. Bumalik muna ako sa conference room para tapusin sana ang meeting pero hindi ko kaya. Kinakabahan kasi ako. Napagpasyahan ko na lamang umalis at puntahan si Papang.

Nakailang tawag ako kay Jake pero hindi nya nasasagot. Ganun din si Carleen kaya nagpasya ako na manghiram na lang ng sasakyan sa foundation. Sa kinamalas malas pa, walang driver kaya napilitan akong magdrive. Grabe ang kaba ko habang nagdidrive kasi magkatawagan pa din kami ni Ate na ngayon pa lang aalis sa clinic nya.

Nang dumating ako sa ospital nakita ko agad ang mga pinsan ko at mga tita ko na kapatid ni Papang.

"Ta, asan sila?"

"Nasa loob pa neng, nilalagyan ng tubo si Papang mo?"

"Si Mommy po?"

"Kasama ni Nicole nasa loob."

Pagpasok ko sa emergency room, nakita ko si Mommy at Ate Nicole na nakaupo. Nagmano ako kay Mommy at tinanong kung kamusta si Papang. Nagsenyasan lang kami ni Ate. Base sa reaction nya, hindi maganda ang lagay ni Papang. Si Mommy inilayo daw nya muna kasi may sakit din si Mommy sa puso.

Nilapitan ko naman si Papang. Pinapump sya at mukhang hirap na hirap ng huminga. Pilit namang nilalagay nung nurse yung tubo. Dahil kita ko ang hirap ni Papang pinatigil ko na ang pagpilit nilang maipasok ang tubo. Papang never wanted this to happen to him. Madalas nga nyang sabihing magpapabaril na lang daw sya kesa kung ano ano ang ikabit sa kanya.

"Pang, andito na ako. Yung paborito at pinakamaganda mong anak. Pang, laban tayo ha? Please Pang."

Ilang sandali pa ay naiakyat na si Papang sa ICU. Panandalian kaming napayapa. Pero kinakabahan pa rin kami.

"Kaela, sino ang kasama mo papunta dito?"

"Ako lang po Ma."

"Ano?! Nagcommute ka?"

"Hindi po. Nanghiram ako ng sasakyan sa kumpanya."

"Aii nako! Alam ba ng asawa mo na nagdrive ka?"

"Hindi po. Hindi ko kasi sya makontak eh."

"Ikaw Nikkaela! Matigas pa rin talaga yang ulo mo!"

"Mommy naman, syempre, nagpanic din ako no."

Dumating naman si Ate Nadia.

"Ma. San si Papang."

"Nasa loob Ate, puntahan mo nga."

Dahil doctor si Ate, nakapasok sya sa loob. Naguusap na kami kung paano sa ospital. Sa malamang, hindi ako pwede dahil buntis ako. Etong si Ate Nicole, sa umaga lang pwedeng magbantay kasi may baby pa sya.

Biglang lumabas si Ate Nadia at tinawag ako. Nang makalayo kami sa pinaguupuan ni Mommy naupo na lang syang bigla at nagiiyak. Umiyak na din ako at niyakap sya. Hindi pa man sya nagsasalita, alam ko, wala na si Papang.

Pinilit kong kumalma, tinawag ko si Ate Nicole para sila naman ang magusap. Nililibang ko si Mommy at nagkukwento ng kung ano ano. Pinipilit kong hwag umiyak. Pero hindi ko kaya. Buti na lang may isa pang babae ang tumabi sa amin at nakipagkwentuhan kay Mommy. Nakalayo ako ng hindi nya namamalayan. Tumawag na ako kina Tita at sinabing wala na si Papang.

Sinubukan ko ulit tawagan si Jake. Pasalamat na lang ako at sumagot sya. Pero nung marinig ko ang boses nya, umiyak na lang ako ng umiyak.

Jake: Sweetheart?! Hello? Hello!!!
Me: Sobs. Je-he--yk. Sobs.
Jake: Where are you???!! You're not in the office.
Me: Wala na si Papang, Sweetheart. I need you here. cries.
Jake: Okay okay. Pupunta ako jan. Please Sweetheart, please calm down. Please. Sweetheart.

I drop the call. And cried at the stairs. I returned beside Mommy and hide my tears habang nakatitig ako sa phone ko. I was able to tell Jake through text kung asaang ospital kami. Mommy kept on asking where are my Ates and I keep on answering her that I don't know. Maybe sa CR or something. Magtatanong na sana ulit si Mommy nang lumabas sila Ate sa ICU. Wala na daw talaga.

That moment, I felt my heart broken. My first love left me already. We all cried until our heart's content. Iyak kami ng iyak. We hugged each other. Papang's girls are here, all crying in pain for our loss. Pati yung kausap ni Mommy kanina ay umiiyak na din.

Nang dumating sila Tita, pinakalma na kaming lahat. Tita said she'll go to the funeral parlor and buy some stuffs for Papang. Bibili na din daw sya ng damit. Sasama sana ako pero pinigilan nila ako kaya nagabot na lang ako ng pera.

Nagpaiwan kaming apat nila Mommy dito. Si Ate Nadia ang maiiwan kay Mommy at si Ate Nicole magaasikaso kay Papang. I settled the bills. Pagbalik ko sa ICU, inilalabas na si Papang. Hindi ko napigilan ang sarili ko, nagbreakdown na naman ako. Umiiyak dahil mahirap makita si Papang sa ganoong lagay.

Nakita kong nawalan ng malay si Mommy. Dadaluhan ko din sana sya nang bigla kong maramdaman ang sakit sa puson ko.

"Nicole! Si Kaela!" Sigaw ni Ate Nadia

Naririnig ko ang komosyon ng mga tao sa paligid pero unti unti itong nawawala habang lumalim ang dilim.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon