CHAPTER 37

34.3K 459 6
                                    

Kaela's POV

Nakakabored ang 2 months na walang ginagawa grabe. Ang routine ko lang araw-araw ay gumising, ipaghanda ng pagkain si Jake, ihatid sya hanggang sa pinto, manuod ng tv, maginternet, kumain ng lunch, maglinis ng bahay na hindi naman madumi, matulog, magluto ng dinner, hintayin si Jake, mag dinner, maglinis ng pinagkainan, matulog. Ayun ganun lang araw araw. At nakakabored grabe! Buti na lang sa Monday balik office na ako. Wooo.

Saturday ngayon, pero wala si Jake. Andun sya sa site. Dapat magdadate kami ngayon kaya lang tinawagan sya dahil kailangan daw sya dun kaya pumunta nalang ako kay Elle. Tamang tama naman kasi may ginagawa si Elle at wala ngayon ang baby sitter nya. So no choice sya kundi tanggapin akong baby sitter ngayon.

"Em, halika kay Ninang dali, may dala akong wokoli."

Nagtatakbo naman papunta sa akin etong baby girl ni Elle. I'm so fond of this baby girl kasi napaka active.

"Hui Kaela, tigilan mo yang si Em-em ha. Mahyhyper na naman yan."

"Grabe ka. Minsan lang naman ako pumunta dito."

"Alam ko. At twing uuwi ka, nahyhyper yan sa dami ng pinakain mong chocolate. Jusme! Spoiler ka eh! Manang mana na nga sa'yo yang si Em-Em!"

"Atleast ito ganito kabibo, tingnan mo si PJ. Hindi mo mawari ang mukha. Parang lagi na lang may kaaway!"

"Ayang isang yan naman manang mana sa pagiging bugnutin ni Zea. Nako! Maling choice talaga na kayo ang kasama ko sa paglilihi ko."

(Elle's twin)

Tinawanan ko na lang si Elle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinawanan ko na lang si Elle. Eh paano, totoo. Si Elle kasi ay mahinhin at mabait na nilalang. Hindi kagaya ng mga anak nya na sobrang bugnutin at pilya. Nakakatuwa ang pangalan ng mga batang ito, thanks to me and Zea. Si Em, ay Eiffel Marie at si PJ ay Paris John. Diba amazing? Nung malaman ni Elle na yun ang pinangalan namin sa mga anak nya, gusto nya kaming kalbuhing dalawa.

Paano nung magising sya sa nakaayos na ang birth certificate nung kambal nya, naayos na namin ni Zea at kami ang nagpangalan. Yamot na yamot sya sa amin pero wala syang magawa.

"Nanang Atah!"

"Wait lang baby Eiffel, eto na water mo."

"At pwede bang wag mo tawaging Eiffel yang si Em-em. Hindi ko pa rin nalilimutan ang ginawa nyo ni Zea."

"Bakit?? Maganda naman ang pangalan nila ah?!"

"Mga walangya kayo! Kaya ganyan ang pinangalan nyo jan dahil made in France yang dalawang yan!"

"Hahahahahaha."

Totoo naman yun eh. Nagsimula na magtrabaho si Elle, mejo marami nga syang gagawin kaya dito muna ako at makikipagbonding kay Em-em.

"Sabihin mo nga I love you Ninang." turo ko kay Em-em

"Wawabbu Nanang."

"Aw. Very good naman si Baby Em-em. Love you too Baby."

"Ikaw din Kuya Pj, I love you!"

Pero itong si Pj, aba deadma. Manang mana ka sa Ninang Zea mo! hahaha. Hapon na ng matapos si Elle sa ginagawa nya. Nakangiti naman syang lumapit sa akin.

"Tapos ka na sa work mo?" tanong ko

"Oo. Salamat talaga sa pagbabantay kay Em. Alam mo naman ang batang yun super kulit. Kung si Pj lang, kayang kaya ko na yung bantayan. Bigyan mo lang yun ng makakain at iharap mo sa tv, okay na. Itong si Em, manang mana sa'yo! Ang kulit! Ang tigas ng ulo!"

"Ay grabe sya. Sa akin agad?!"

"Oo! Naalala nga kita kahapon, alam mo bang iyak yan ng iyak dahil gusto nyang lumabas ng bahay? Nung dalahin ko sa park sa kabilang subdivision aba, tumigil. Iniisip ko ngang tanungin si Tita kung paano ka pinalaki, feeling ko ganyang ganyan ka nung bata ka eh."

I smiled at her. I am sincerely happy for my friend. Pero ako para sa sarili ko, hindi. Itago ko man, sa loob ng puso ko, alam kong naiinggit ako. Naiimagine ko nga kung sana ay hindi namatay si Baby Jacob, nasa bahay siguro ako at nilalaro ang sarili kong anak. Nakukwento ko na rin siguro kung kanino sya nagmana.

"Napatulala ka jan. Iniisip mo na naman ba si Baby Jacob?"

I nodded. "Elle, hindi ko pa rin pala kaya. Hanggang ngayon kapag naaalala ko parin ang nangyari, nasasaktan pa rin ako. Gusto ko pa ring maglupasay at magiiyak. Kasi kasalanan ko. Hindi ako nagingat, naging pabaya ako. Masama akong ina Elle."

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Kaela. Alam ko ang pinagdadaanan mo kasi kung sa akin nangyari yan, hindi ko rin kakayanin. At hindi Kaela, hindi tama na sisishin mo ang sarili mo. Nakita naming lahat kung paano ka nagingat at paano mo inalagaan ang sarili mo. Kaya please, wag mo sisihin ang sarili mo."

I started to cry again.

"Hanga nga ako sa'yo Kaela, kasi matatag ka. Kasi kung ako yan, baka sumunod na agad ako. Pero ikaw, alam mo kung ano ang tama, at ginagawa mo rin kung ano ang tama."

Iyak lang ako ng iyak sa balikat ni Elle. Sa bahay kasi iniiwasan ko ang umiyak. Mula ng lumabas ako sa ospital, hindi na ulit ako nagpakita na naiyak ako sa harap ni Jake. Minsan dumadalaw ako sa puntod ng anak ko pero nakatitig lang ako sa pangalan nya. Naaalala ko ang maliliit nyang kamay at paa. Naaalala ko ang pikit nyang mga mata na hindi ko man lang nasilayan kung anong kulay.

I cried at Elle's shoulders until my heart's content. And she was there, my best friend, patting my back assuring everything's gonna be fine.

It's almost dinner nung dumating si Jake para sunduin ako. Niyaya naman kami ni Elle kumain sa bahay nya kaya lang may date daw kami sabi ng asawa ko. Elle hugged me before we left. Alam ko naman ang ibig sabihin ng yakap nyang yon, she wants to assure me that's everything's gonna be fine.

Hand in hand naglakad na kami palabas ng unit ni Elle.

"Sweetheart, dun yung unit ni Zea."

"They're basically neighbors."

"Yeah, pero hindi sila madalas magbonding."

"Why?"

"Kasi pareho silang tamad eh. Haha. Ay! Alam mo ba si Em-em, nag ii love you na sya! Tapos ang daldal nya sobra! Sabi ni Elle mana daw sakin yung batang yun. Haha."

"You seemed to be happy today. I'm happy you are smiling now sweethart."

I smiled at him and peck on his lips.

"I'm happy because you're here. I love you."

"You know I love you more. Always."

We had dinner somewhere that serves italian food. Filipino dapat kaya lang maaalala ko lang ang paglilihi ko kay Baby Jacob. We dated as if we're just on the dating stage. He gave me beautiful flower.

We spend the rest of the night in a coffee shop talking about our youth. How we grow up and what are back when were a child. For the time being there, I forget the pain. I just feel loved.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon