Kaela's POV
Kahit ayaw naming magkahiwalay ni Jake, kailangan dahil bukas na ang kasal namin. At bawal daw na magkita ng groom ang bride before the wedding. Kaya andito ako ngayon sa bahay namin. Actually, the whole house is busy. May handaan kasi dito.
My parents, I mean we as a family shared for this feast too. Dito sa amin sa probinsya, it is a tradition to share something. Kahit naman na sobrang dami ng ihahanda ng pamilya ni Jake with a very impressive catering service na may built in kitchen sa kanilang trucks.
Kanina dapat ay tutulong ako dun sa naggawa ng dessert kaya lang ayaw nila. Lalo na ni Mommy na hinila ako at pinaupo.
"Ikaw Nikkaela manahimik ka jan sa isang tabi." Mommy
"Hala, wala akong gagawin? Nakakahiya." Sabi ko
(Nikkaela)
"Eh kung naghintay hintay ba naman kayo at hindi yang may laman na ang tyan mo, pwede kang tumulong. Ngayon, manahimik ka na lang jan. Madami naman tao dun na tumutulong."
Okay defeated. Buntis ako, bawal gumawa. Hindi pa naman halata ang tyan ko. Wala ngang naniniwalang buntis ako. Haha. But anyway, I just enjoyed my self inside the house ng dumating ang mga pinsan ko sa side ni Mommy. Ayaw ko man, obligado ako na gawin silang bridesmaid.
"Grabe ka Kaela! Ang bongga ng kasal mo!" May Ann
"Ha? mas bongga pa nga ang kay Ate jan."
Totoo naman. Si Papang kasi nuon, andami talagang dinemand sa pamilya ni Kuya Roy. May pasayaw at paparty pa nga yun eh. Tsaka pinalatagan nya ng carpet yung buong lawn namin. Ako, well, magaling lang talaga ang caterer na nakuha ni Mama pero simple lang naman yung set up maganda lang talaga ang pagkakagawa.
(Venue set up at Kaela's house)
"Hindi naman. Pero grabe no? Nauna ka pa magpakasal sa akin!" May Ann
Paano kang mauuna eh papalit palit ka ng boyfriend.
Ngumiti na lang ako sa kanya. Habang hinahaplos ko ang tyan ko. Feeling ko kasi gusto yun ni Baby ko.
"Ay, buntis ka na ba?"