CHAPTER 12

44.7K 598 11
                                    

Kaela's POV

Maling mali na ang returning flight mo ay weekend dahil siguradong marami ang nasa bahay nyo pag gising mo. Gaya ngayon, andito lahat ng pamangkin ko, bale 8 silang lahat. At lahat sila ay may super adrenaline.

"Tita!!! You are awake na! Asan na yung pabili ko????" Oh Ching, sa lahat naman ng mamanahin mo sa lola mo eh yung pagiging maingay nya pa.

"Yehey!!! Nawake up na si Tita!!! Paslubong!!!" sigawa naman ng isa.

Sino ba naman kaya ang hindi magigising kung maraming maingay sa kwarto mo? May maliliit na kamay na sumusundot sa mukha at bewang mo? Sinong hindi magigising??

"Wait lang ha! Wait! Magaayos lang ako, tapos magbebreakfast tapos tsaka tayo magusap sa pasalubong nyo."

Wala akong magagawa kundi bilisan ang dapat kong gawin dahil mamaya magiiirit na naman yang pamangkin ko. Nagligpit pa ako after ko kumain kasi wala si Ate Flor ngayon. May katulong kami, pero stay out.

"Tita pasalubong!!!!"

"Teka ha. Parang balik bayan ah, 6 days lang po ako wala ha."

"Pasalubong daw kasi!" Sabat ni Ate Nicole na hawak ang baby nya

"Wow ate! Wala kang binigay ui!"

"Hindi ka nanghingi sa akin eh!"

"Sus! Hindi mo din naman ako bibigyan. Tumigil ka nga jan."

"Asan na ang pabili ko?" Mommy

"Alam ko na kung saan sila lahat mana. Wait nga lang."

"Sinabi ko na sayo wag mo ng ipasok kasi sa kwarto mo."

Hindi ko na lang pinansin si Mommy at ibinigay na ang mga pasalubong nila.

"Andami mong pera ah." Ate Nicole

"Binigyan kasi ako ni Ate Nadia."

"200 lang binigay ko sa'yo ah. Naku Mommy maxed out na naman card nito!"

"Tingnan mo kayo! Hanap kayo ng hanap ng pasalubong tapos pg binigyan kayo ay grabe! Nakakaloka!"

Oh well sinong hindi magugulat, I este my husband bought them channel bags. Sling bags lang naman.

Ganito naman ang pamilya namin. Simple lang. Hindi nga lang kami ganun kayaman pero may kakayanan naman kami. Nakapagtapos naman kaming lahat. Tipikal na pamilyang Pinoy.

Hiniram ng isa kong pamangkin ang ipad ko kasi maglalaro daw sila. Sanay naman na ako na hindi nila bibitawan ang ipad ko na hindi low bat tsaka talagang maraming games dun.

"Mamang! Mamang! Si Tita mapogi yung boyfriend!!!"

Shit! Naalala ko, may isang picture nga pala dun si Jake na hindi ko naitago sa folder! Shit talaga! Kaya nagpapanic akong tumakbo sa pamangkin ko.

"Oi! Ching! Anne! Bea! Akina na yang ipad ko! Hui!!!"

At ayun nagsumiksik sila kay Mommy habang pinapakita ang picture ng asawa ko.

"Mamang Mamang! Tingnan mo po! Boyfriend ni Tita Kaela!"

"Ano to Nikkaela?!" Mommy

"Sus naman si Mommy. Akina nga yang ipad ko."

"Sino to at bakit may picture ka na tulog sya?"

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon