Kaela's POV
Maaga pa rin akong nagising dahil sa walangyang alarm ng phone ko. Everyday kasi 6:00am ako gumising. At twing magigising ako, mahirap na akong makatulog ulit. Kahit na Almost 4:00am na nya ako tinigilan.
Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko ang isang lalaking hubad. Nagulat ako at nagsisigaw! Pero joke lang. Alam na alam ko ang nangyari kagabi hanggang kanina. Patunay doon ay masakit pa rin ang kaluluwa ko at mapula ang mga balat ko. Lalo na sa parte ng dib dib. Haii, I wasn't dreaming at all right?
Beside me is a greek god. Sleeping soundly naked. And all I know about him is he wants to be called 'Jake', honestly, I don't think his name is really Jake.
I decided to take a bath. Mukhang walang balak gumising ang dyos na galing sa Mt. Olympus ayun at talagang pinahirapan pa ako sa pagtanggal ng mga braso nyang nakapulupot sa bewang ko. Pagkatanggal ko, nilagyan ko ng unan.
"Nakakainis. Kagandang lalaki parang baby kung matulog. hahaha."
Dahil may bath tub ang kinuha ko, matagal ako naligo at inenjoy ko ng halos 2 hours ang bubble bath. Ambango ng nabili kong sabon kahapon. hihi.
Paglabas ko, tulog pa din ang baby ko. Haha. Ibig kong sabihin, ang gagawa ng baby ko. Ayan at sarap na sarap yakapin ang unan ko. Kaya naman naupo na lang ako sa couch at nanood ng TV.
Nang icheck ko ang phone ko I saw some messages from
From: Mommy
Ibili mo ako ng blue na bag.With her 150 USD tingin nya makakabili ako ng bag?! Haii nako talaga. Ang nanay ko.
From: Ching
Tita! Mom said you're in SG. Buy me Rolls royce white chocs. Lab yu!Isa pa to! Mana sa Lola.
From: Elle
When are you coming home? I'll send a list. XoxoWala kang padalang pera hui! Haii. nako paano ba kita naging bestfriend??
From: Zea
Buy me a wallet! Lab yu! See you soon!Isa ka pa?! Grabe tong mga bestfriend ko. Makapagpabili parang ang dami kong pera ah?!
From: Rona
Friend! I can't come with you the whole day. Sorry na. I'll make bawi. Let's meet na lang at lunch.Sa lahat ng delay at biglaang schedule ni Rona, ngayon lang ako natuwa na hindi kami magmimeet. I am planning to just roam around nearby and sleep maybe in the afternoon. Siguro aalis naman din agad tong si Jake.
I was busy laughing my ass off while watching Tangled ng bigla na lang may humalik sa akin.
"Good Morning Sweetheart!"
"Ay hindi na Good Morning! Jusko Tanghali na."
"It's just 9:00 and it's still morning."
"Oh well, tanghali na ito para sa akin. Pero nagugutom na ako. Wala na tayong aabutan sa buffet!"
"I'll just take a bath." Then he kissed me.
"Okay okay! Ano ba yan kiss na naman!"
Naisip ko na wala syang damit na masusuot. Nakapang corporate kasi sya kahapon at ang pangit naman kung yun ulit ang isusuot nya kaya hinanap ko yung mga pinamili ko kahapon.